Chapter 39

4.7K 123 27
                                    



Dedicated to you, dahil namiss mo ang DoMeng Loveteam. :D

Chapter 39

It's my second day in Batangas and I have realized na ang sarap palang gumising na sariwang hangin ng probinsya ang sasalubong sa iyo.

"Good morning," Marvin greets me nang lumabas siya mula sa kanyang kwarto.

We have separate rooms because of Mang Tonying's holy text message.

***

Helen ineng, inihanda ko na ang kwarto mo sa tapat ng kwarto ni Senyorito. Huwag mo sanang aksayahin ang pagod ko doon at ang mga payo ko rin sa inyo. Pagpalain kayo nawa ng Poong Maykapal. Tandaan, wala man ako d'yan, naririyan pa rin ang mga anghel na nakakakita sa inyo. Behave, guys. ;)

***

"Anong gusto mong breakfast?" tanong niya sa akin kapagkuwan.

"Ah..." nag-isip ako ng masasarap na pagkainin, yung to die for; nag-offer na rin lang naman siya, so why not grab it?

"Ah alam ko na!" ika niya habang nag-iisip pa ako.

"What?"

He smiles widely, "Diba favorite mo yung sinangag at tuyo?"

Napabagsak naman ang balikat ko dun, Akala ko pa naman bacon o steak ang iluluto niya.

"What do you think?"

"Okay," paborito ko naman talaga yun, kaso yun na ang kinain naming almusal kahapon.

Nag-apron pa ang mokong na nag-ala Chef talaga ang datingan, infairness mas macho siya kay Calvin. Kahit may damit pa siya sa likod ng kanyang apron, mas nakakatakam tignan ang mamakat-makat na mga abs ni Marvin. Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao, nagiging bias ka na?

"Hey, bakit ka nangingiti d'yan?" rinig kong tanong ng lalaking pinagnanasaan ko.

"Wala, sige magluto ka na d'yan. Mag-aantay lang ako dito," sabi ko saka umupo sa dining chair at pinagmasdan siya sa ginagawa niya.

"Oh huwag ka masyado ma-mesmerize sa akin ha? Mahirap ma-fall sa akin, hindi ka na makakawala sa charms ko," pabiro niya pang sabi habang sinisimulan na ang pagluluto.

"Kapal mo."

Nagtawanan lang kami. Buong pagluluto niya 'ata ay puro kahanginan ang narinig ko sa kanya, pero hindi naman nakakainis dahil bukod sa pawing katotohanan lang naman ang mga sinasabi niya ay ang cute niyang tignan kapag nagbibiro siya nang ganun.

"Tada!" masayang bulalas niya nang sa wakas ang maihain niya rin sa harap ko ang kanyang specialty, "Tuyo with garlic fried rice!"

"Wow, love it!" sabi ko na kunwa'y excited pa.Natakam na rin ako sa amoy ng niluto niya kaya naman tumayo na ako upang maghugas ng kamay.

Pero itong si Marvin, pinaglihi 'ata sa pagiging gentleman at sobra kung magpakilig. Sinabayan niya kasi ako patungo sa lababo, kinuha ang mga kamay ko at siya pa ang naghugas nito.

"Grabe ka talaga sa akin, hindi pa naman ako disabled," biro ko while hiding my kilig.

Tinignan niya ako, "Kailangan pa bang maging disabled ka para alagaan ka?"

Oo na, ako na ang pinamumulahan ng pisngi nang ganito kaaga!

***

Matapos naming kumain ay niyaya ako ni Marvin na mamalengke, wala na daw kasing stock sa ref at gusto niya namang magluto ng ibang putahe. Pumayag naman agad ako dahil gusto kong makapamasyal sa sinasabi nilang talipapa.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now