CHAPTER 28

6.2K 211 17
                                    


DEDICATED TO HER. WHY?

FROM CHAPTER 1 UP TO THE RECENT, THANKS FOR THE SUPPORT GIRL :)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FROM CHAPTER 1 UP TO THE RECENT, THANKS FOR THE SUPPORT GIRL :)


Chapter 28

Helen's Point of View

Nandito kami ngayon sa condo ni Marvin.

Ako at siya, magkasama ngayon sa iisang bubong habang malakas ang buhos ng ulan at napakalamig ng simoy ng hangin sa labas. Pero hindi tulad ng sa mga romantic scenes sa pelikula, kabaligtaran ang sa amin ngayon. Kasi naman, halatang-halata ang discomfort ni Marvin habang palakad-lakad sa harapan ko. Para siyang ninenerbyos na natatae na hindi mo malaman.

"Ah w-what else do you want, Helen? Coffee? Milk?"

Napakunot-noo ako sabay taas ng baso kong may laman pang tsokolate. "Pwede ba, magrelax ka nga."

"S-sorry, giniginaw ka ba?"

Umiling ako. Alam ko na 'yan, pag umoo ako magpapaka-breezy moves ka agad!

"Sure ka? Kasi may comforter dun sa kwarto. Pwede ka nang matulog kung gusto mo. Ako nalang magtatapos nitong plano," he said while holding the folder.

Napasimangot ako. Akala ko naman...

"Hindi, okay lang ako. Ituloy na natin 'yan."

I said while remembering how the hell did we ever come here.


It was early in the morning, kalalabas ko lang sa school ni Hevin dahil hinatid ko pa siya hanggang classroom nila.

Papunta na ako sa parking lot nang bigla akong makareceived ng text message. I saw Marvin's name on the screen.

Kamusta paghahatid sa anak natin?

I frowned then I looked at the surroundings. Wala naman doon ang kotse niya. So I decided to reply, Who are you? I asked kahit na naka-save naman ang number niya sa akin.

Helen, I know you're not yet ready para ipakita sa akin si Hevin. But I just want you to know that I'm willing to wait kahit matagal...hanggang sa maging ready ka na, kayo.

Hindi ko na siya nireplyan pa matapos mabasa ang napakahabang text niyang iyon. Then suddenly, my phone rang. He's calling. Nag-alinlangan pa akong sagutin yun. After several rings, I decided to answer.

"Hello?"

"May kasalanan ako sayo," he said.

"Alam ko. Sobrang dami," I said in a cold tone.

"Yung car mo..."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon, agad-agad kong binilisan ang lakad ko papunta sa parking space kung saan naroon ang sasakyan ko. And to my horror, wala na dun ang kotse ko!

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now