Chapter 25

5.9K 189 17
                                    


Chapter 25

Helen's Point of View

"What do you think you're doing, Helen?!"

Ang boses na iyon ang tila nakapagpabalik sa akin sa realidad. Ano nga bang naiisip ko sa ginagawa kong 'to?

Saglit na naghinang ang paningin namin ni Marvin, magsasalita sana siya nang bigla kong harapin si Calvin, "Sorry... andyan na pala kayo."

Lumayo ako kay Marvin at napayuko nalang sa sobrang kahihiyan.

"Nagpasuyo lang ako sa kanya, Calvin. Nagulo kasi sa labas yung buhok ko kanina," agap ni Marvin.

"Magkakilala kayo, Vin?" rinig kong tanong ni Dionne na nakatingin kay Marvin.

What's with the Vin? Close sila?

"Ah oo, Dionne. Si Helen, ang—"

"Dating kasamahan niya sa trabaho."

Napakunot-noo akong tumingin kay Calvin dahil sa ginawa niyang pagputol sa sasabihin sana ni Marvin. Diretso lang silang nakatingin ni Marvin sa isa't isa. Nacurious naman ako sa kung anong pakilala niya dapat sa akin.

Napag-alaman kong isa rin si Dionne Ferrer sa makakasama namin sa meeting dahil isa ang pamilya nila sa biggest shareholders ng Lopez Foods. Kaya pala pamilyar sa akin ang family name niya. Sila pala ang may-ari ng Ferrer Realty, Ferrer Transportation Lines at tulad nga ng nabanggit kanina, biggest shareholders sila sa iba't ibang food company sa bansa. At gusto daw ni Dionne personally na mag-asikaso sa gagawing merging na ito dahil nasa food business daw din umano talaga ang puso niya.

Hmp! Gaya-gaya lang sakin.

Napaingos ako, hindi kaya baka dahil lang sa Vin mo?

Matapos naming magpakilala sa lahat ay naupo na kami sa kanya-kanya naming mga pwesto. Ako, sa kanan ko ay si Calvin, sa kaliwa naman ay si Marvin na katabi naman ni Dionne.

Nang maihain na ang mga pagkain sa amin ay sabay-sabay na rin kaming kumain. Awkward ang ambiance sa aming tatlo nina Calvin at Marvin. Mabuti nalang at hindi ito nahahalata ni Dionne.

Sa gitna ng kainan ay napag-uusapan rin naming apat ang bahagyang mga plano sa pagpapaunlad ng medyo nalulugi na ngang Lopez Foods Inc. Nakasentro sa raw foods ang business na ito na siyang nagsu-supply ng mga raw ingredients and stock supplies sa mga restaurant sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila. At ang plano ngayon kung bakit kami nakipag-merge sa kanila ay magpatayo ng franchise ng C.H. Resto na ang main ingredients ay manggagaling sa Lopez Foods. Bagong corporation ang mangyayari sa itatayong restaurant business. Bukod pa dun ay mag-iisip rin kami kung paanong lalawak at makikilala ang pangalan ng CH dito sa Pilipinas.

In the end, we came up into a decision for the second formal meeting na gaganapin sa kumpanya nila Marvin. We all agreed since mahaba-haba na rin ang napagdiskusyunan namin. Ngunit bago umalis ang lahat ay may naging pahabol pa si Dionne.

"I would just like to inform you guys that my sister will also participate with this business. And I think she could be a great help here because aside from the promotion that she could brought to us, she also has connections with our possible clients."

Kinabukasan, madilim pa ay nagising na ako upang paghandaan ang second meeting, which will also include that Dionne's sister. I wonder if her sister is as gorgeous as her, na kulang nalang ay makatawag pansin sa halos lahat ng tao sa paligid niya. Which I found a bit awkward, 'cause I think mas bagay talaga siyang maging model kesa maging businesswoman.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon