Chapter 43

3.4K 120 7
                                    


Dedicated to her na na-highblood kay Tita Jacky. :)

Chapter 43

Helen's Point of View

Hindi ako makapaniwala.

Sa isang iglap lang, nawala kay Marvin ang lahat—ang mga ari-arian nila, ang mga pamana sa kanya ng Lolo Inggo niya, at ang Lopez Group. Hindi ko akalain na magagawa sa kanya 'yun ng Tita Jacky niya.

Halos limang buwan na ang nakalilipas simula nang kidnapin ang anak namin. Kung gaano kabilis lumipas ang panahon, ganun rin kabilis ang pagproseso ng pagpapalit ng presidente ng LG. Si Mr. Harvey De Dios, one of the board of directors, ang bagong itinalagang presidente ng bagong owner ng LG Group of Companies na si Jacky Lopez. At ang anak naman nito na si Chiya ang bagong Bise Presidente ng kumpanya. Nakapagtataka man na ang laki ng itinaas ng posisyon niya, wala namang naglakas-loob na kwestiyunin iyon. I tried to asked but Dionne told me to wait for our plan before doing any unnecessary actions. Sinunod ko naman siya at nagtiwala nalang sa pangako niyang tutulungan niya kaming maibalik kay Marvin lahat ng ninakaw ng Tita Jacky nito.

Naglakad ako patungo sa opisina ng magkapatid na Dionne at Clarice, kumatok ako bago pumasok. Nakita ko ang magkapatid na seryosong nag-uusap sa meeting room, napansin naman agad nila ang presensya ko at sinenyasan na lumapit.

After this incident, naging seryoso na rin ang kapatid ni Dionne na noo'y madalas pa akong irapan dahil inaakusahan niya akong inaagaw ko raw si Marvin sa kanya, but thankfully ay nagmatured naman siya at ipinasya na ring makipagtulungan sa amin.

"Helen, you need to see this," ika niya sa akin. Agad ko namang kinuha ang envelope at tinignan ang nasa loob niyon. Mga larawan kung saan nandoon sina Mr. De Dios at si Jacky na intimate sa isa't isa. Gulat akong napalingon sa dalawa. Tinanguan naman nila ako, "Tama ang iniisip mo."

Simula kasi nang naitalagang presidente si Harvey halos isang linggo na ang nakalilipas ay nagdesisyon kami na bantayan ang bawat kilos nito.

"Kaya naging ganoon kabilis ang proseso ng pagpapalit ng administrasyon," si Dionne na makikita ang galit sa mga mata.

"Anong dapat nating gawin?" tanong ko.

"We need to reveal their dark secrets here in the company," she answered, "Kung mapapatunayan nating may kababalaghan or any corruptions silang ginagawa dito, ilalabas natin iyon upang mapatalsik sila sa kumpanya."

"Pero hindi ba masyado silang mabigat na kalaban para sa atin?" nag-aalangan kong tanong.

"Wala ka bang tiwala sa amin, Len?" balik-tanong ni Clarice.

"Nakausap na namin si Dad, and he's willing to give it all para tulungan rin si Marvin," segunda ni Dionne.

Napangiti ako, "Maraming salamat sa pagtulong niyo kay Marvin."

"We're not doing this for you, girl..." nakataas ang kilay na tugon ni Clarice, "If not for Vin, we won't be wasting our time for this."

I smiled, "Still, thank you."

***

Umuwi ako nang hapong-hapo sa bahay namin, sumalubong sa akin ang anak ko at sa likod nito'y ang ama nito na napansin ko agad na pawis na pawis.

"What happened?" tanong ko.

"Paano kasi Mommy, si Papa ang OA!" paghihimutok ng anak ko sa akin.

Tumingin naman ako kay Marvin, waiting for his explanation, "Eh kasi nag-aalala lang ako baka kung saan-saan siya magpunta nang hindi ako kasama, baka..."

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon