Chapter 50

4.4K 129 11
                                    


This chapter is dedicated to you. Thanks for appreciating my works. =)

***

Chapter 50

Marvin's Point of View

"For real?"

"For real."

Those two words, just two words that came from her, seem to make my whole life complete. Indeed, she made me whole again. She's the only one who can make my world go around. She saw the real me. She makes my dreams come true.

Kahit ang pangarap kong maging artista ay siya na rin ang tumupad.

"Infairness ang galing mong umarte, Vin ha!" si Clarice na masayang sumalubong sa akin sa may resto kung saan kami dumiretso lahat upang magcelebrate ng engagement party namin ni Helen.

"You know me, Clarice." I answered while smiling.

It was two days ago nang sumuko si Clarice sa akin at isinoli ang slush fund book na siyang makakapagdiin kina Tita Jacky, Harvey at iba pang sangkot sa katiwalian sa kumpanya. Nalaman niya kasi ang pangtatraydor ng dalawa sa pamilya nila sanhi upang masangkot sa malaking eskandalo ang pangalan nila, lalo na ng ate niyang si Dionne. Nagtungo siya sa akin upang humingi ng tulong na linisin ko umano ang dignidad ng kanilang pamilya lalo na ng ate niya, kasabay niyon ay ang paghingi niya rin sa amin ng kapatawaran sa ginawa niya.

"I'm so sorry Vin, pinagbantaan kasi nila akong papatayin daw nila ang parents namin that's why I've got no choice but to obey them."

Sa sinabi niyang iyon ay naisip kong magaling talaga sa pagbabanta ang dalawa, nalaman ko kasi kamakailan lamang na iyon din ang ginawa nila sa sekretarya kong si Schievie. Nagkausap na rin naman kami ng huli at nagkapatawaran. Afterwards ay isinama ko na rin sa patung-patong na kaso ng dalawa ang grave threat.

Isa rin sa masaklap na natuklasan kong kasalanan ng madrasta ko ay ang pagkasangkot nito sa pagkamatay hindi lang ng Lolo Inggo ko kundi pati na rin ng mga magulang ko. Lahat ay pinalabas niyang aksidente lamang when in fact ay planadong-planado niya pala ang lahat. Naisama na rin sa mga nakakulong ang kasabwat nitong dati naming katulong na siyang inuutusan niya sa paglason sa lolo ko.

Hindi ko alam kung paano o magagawa ko pa bang patawarin ang Tita Jacky ko sa lahat ng mga naging kasalanan niya, hindi lang sa akin kundi pati na rin sa pamilya ko. Samantalang ang anak naman nito na si Chiya ay pinalipad ko na pabalik sa States upang doon magpatuloy ng pag-aaral. Kahit papaano naman kasi ay kapatid ko pa rin ang isang iyon kahit na gaano pa kasama ang nanay niya.

Humingi na rin siya ng tawad sa akin sa lahat ng nagawa ng mama niya. She said that she doesn't even know na may kinalaman ang kanyang ina sa pagkamatay ni Lolo Inggo. Naniniwala naman ako sa kanya dahil alam kong mahal na mahal rin nito ang lolo namin.

I just wished my sister's life to be back to normal again.

"I'm looking forward on your wedding, son."

Napalingon ako sa baritonong boses sa likuran ko at siyang tumapik sa aking balikat, it's my future wife's father.

"Thank you, Sir," magalang kong tugon. Sa totoo lang ay utang na loob ko pa rin sa kanya ang lahat ng ito. Dahil kung hindi dahil sa isinalaysay niya sa akin ukol sa history nila kasangkot ang mga magulang ko at sina Tita Jacky at Harvey ay malamang na hanggang ngayon ay hirap pa rin akong makakuha ng ebidensya laban sa huli.

"You don't have to call me Sir," inabutan niya ako ng kopita ng alak, "Just call me Papa from now on."

"Thanks po Sir—I mean Papa," napangiti ako.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now