Chapter 4

9.1K 239 19
                                    

Hello there!

Noted na po ang mga names niyo. Surprise nalang kung kelan kayo lalabas. Hihi! Thanks guys, for supporting. Nga pala, reminder lang GIRL po si Hevin. :)

Kamsamnida! Lovelots! ♥


Chapter 4

Helen's POV

Hmm, san kaya pwedeng pumunta? Mamaya pa ang uwian ng anak ko. Ayoko namang tumambay sa bahay at paniguradong malulungkot lang akong mag-isa.

Kamusta na kaya sina Ma'am Andrea at Dom pati na ang anak nila? Buti pa sila paniguradong happy family na.

Wala na rin ako masyadong balita kina Tom at Sharina. Sayang talaga ang relasyon nila. Bakit kaya nagkahiwalay sila? Buti pa sina Val at Bench, naging happy na rin sa isa't isa.

Ako kaya? Kelan ko kaya makikita ang great love ko?

Makikilala ko palang ba sya pagdating ng panahon? Nakakasama ko na ba sya? O nakita ko na siya pero pinakawalan ko lang?

Tss. Naisip ko na naman siya. Hindi. Hindi siya ang great love ko. Definitely not that stupid coward gay father of my daughter!

Ano ba 'to? Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Kaya ayokong umaabsent sa trabaho at natetengga nang walang ginagawa.

*Kring!*

May tumatawag.

Si Calvin. Ano kayang kailangan niya? Nagkaproblema kaya sa hotel? Papapasukin nya kaya ako? Imposible. Gustong-gusto nya nga 'to eh, yung mag-take ako ng leave para daw makapagpahinga naman ako.

"Ma'am Helen, may tumatawag po sa phone niyo," si Mang Max.

Nginitian ko lang ang driver namin. Kasalukuyan siyang nagdadrive papunta sa isang mall. Sinabi ko kasi sa kanya na ayoko munang umuwi sa bahay.

Napansin kong tumigil ang pagtawag ni Calvin. Ewan ko ba, kung bakit parang may pumipigil saken na sagutin ang tawag na iyon. Sanay na ko sa instinct ko na palaging tama. Nararamdaman ko kasing may hindi maganda siyang ibabalita sa akin.

*Kring!*

He's calling again.

"Hello?" I decided to answer it.

"Hi, Helen! What's up?" masigla ang boses niya. Mukhang wala namang masamang ibabalita.

"Oh, Calvin napatawag ka?"

"Wala lang. Gusto lang sana kita yayaing maglunch."

Nagtaka ako, "Hindi ba't may trabaho ka ngayon?"

"Punta ka nalang dito sa APRanch. I'll wait for you. Okay? Take care, bye!"

"Pero-" *toot! toot!*

Tipaklong. Mautak talaga 'tong lalaking 'to. Siniguradong pupunta talaga ako.

Napailing nalang ako. Haay, Calvin. Pati saken, ginagamit mo ang pagiging spoiled mo.

Pagkarating ko sa APRanch ay nakita ko siyang sakay na ng isang kabayo. Ngiting-ngiti pa ang mokong saken. Kinawayan niya ko bago bumaba sa kabayong sinasakyan. Sinalubong niya ko ng isang yakap.

"Helen, mabuti naman nakarating ka," aniya pa.

"Ay naku, as if namang di ako makakarating eh siniguro mo na ang pagpunta ko dito. Alangan namang hayaan kitang kumain ng lunch mag-isa dito."

Ang kaninang pagngiti niya ay lalong lumawak, "Hmm sabi na nga ba hindi mo ko matitiis eh. Love mo talaga ako, hahaha!"

"Che! Kapal mo!" natawa nalang kami pareho.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now