Chapter 26

5.9K 206 18
                                    



Chapter 26

"Is that a new trend, Len?" tanong ng nagmamay-ari ng nakakalokong mga matang nakatingin sa akin ngayon habang bitbit ang anak ko.

"Arra? Anong ginagawa mo dito?" balik-tanong ko sa kanya. Nangunot ang noo ko, "Tsaka, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit parang mugtong-mugto pa 'yang mga mata mo at sabog-sabog 'yang eyeliner mo. Na-rape ka ba?"

Buhat sa tanong kong iyon ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lumungkot iyon at bigla nalang siyang umatungal ng iyak. Samantalang si Hevin naman na karga niya ay mukhang kanina pa nawiwirduhan sa kanya.

Napailing ako, "Manang Tonya!"

Mabilis naman na lumabas si Manang Tonya na noon ay naglilinis sa sala, "Bakit po Ma'am Helen?"

"Pakihatid na muna si Hevin sa school niya," bumaling ako sa anak ko. "Nak, si Manang Tonya na muna ang maghahatid sayo sa school ha. I'll just need to talk to Tita Arra, okay?"

Inosente lang siyang tumango habang binababa ni Arra sa pagkakabuhat. Matapos humalik sa akin at magpaalam kay Arra ay umalis na sila ni Manang Tonya. Samantala, pinapasok ko na muna ang tila wala sa sarili na dati kong kasamahan na naging matalik na kaibigan na rin noon.

Nang makaupo siya ay kumuha ako ng juice sa refrigerator at binigay iyon sa kanya, "Inumin mo muna 'to nang mahimasmasan ka."

Kinuha naman niya iyon at ininom. Ilang sandali pa nang mapagdesisyunan ko nang tanungin siya nang, "Ano ba talaga ang nangyari?"

Pinunasan niya muna ang mukha niya at inayos ang pagkakaupo bago sumagot, "Sorry kung natakot ko ang anak mo sa itsura ko kanina."

"Mukha nga," kaya siguro sumigaw kanina si Hevin ay dahil sa nanglalalim niyang mga mata na nangingitim pa hindi lang dahil sa kumalat na eyeliner kundi sa mahahalata mong wala pa siyang tulog. "Siguro naman kaya ka nagpunta dito ngayon dahil gusto mong may mahingahan niyang problema mo?"

Tumango-tango siya habang pinupunasan ang iilang mga luhang tumutulo pa rin mula sa mga mata niya. Tinitignan ko lang siya habang inaantay na magkwento siya.

"Len... buntis ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kasabay ng pagbukas ng bibig ko, unconsciously ay sinarhan ko iyon ng kamay ko, "Pucha."

Hindi ako makapaniwala. Wala naman kasi akong alam o kinukwento si Calvin sa akin na karelasyon ni Arra. "Sinong ama?"

"Si Sion."

"Sh*t."

Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Tumayo ka d'yan."

Umangat siya ng tingin sa akin, "San tayo pupunta?"

"San pa ba? E'di sa gagong ama niyang dinadala mo."

Kung si Sion na kapatid ni Calvin ang ama ng batang dinadala ngayon ni Arra ay nakikini-kinita ko na kung bakit ganito ngayon ang itsura ng kaibigan ko. At mas lalong nakikini-kinita ko na rin ang future niya at ng kawawang bata ngayon sa tiyan niya.

Marahas siyang umiling-iling, "Hindi na kailangan Len..."

"Ano?!Hindi pwede 'yan kailangan malaman niyang Sion na 'yan yung ginawa niya sayo.Hindi maaaring palakihin mo 'yang batang 'yan na walang ama!"

Hindi siya umimik.

"Halika na, tumayo ka na d'yan.Susugurin natin 'yang Sion na 'yan!" hinawakan ko siya sa isang kamay ngunit pinigil niya ako.

"Magiging useless lang ang pagpunta natin dun..."

"At bakit naman?Kung kailangang mag-eskandalo tayo dun, gagawin natin. Malaman lang ng lahat na tinarantado ka niyang Sion na 'yan!"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now