Chapter 35

4.4K 130 14
                                    

Dedicated to her. Thanks for your honest comment. :)



Chapter 35

It's been a week since Marvin has been missing in action. Sa loob rin ng isang linggong 'yun ay hindi ko siya macontact sa cellphone niya, sinubukan ko ring magpunta sa condo niya pero walang sumasagot sa loob.

Nasaan na kaya 'yung lalaking 'yun? Hindi man lang ipaalam kung nasa mabuti ba siyang kalagayan o ano. Tss.

Hindi ko rin maiwasang hindi isipin na baka nagalit siya sa akin dahil sa nagawa kong pagpili kay Calvin. I have also tried to reach Barney pero ang sabi niya ay matagal na rin daw nang huli silang nagkausap ng kaibigan. Nagtatanong na rin ang anak ko tungkol sa ama niya.

"Mommy where's Papa Marvin? I thought he would visit me at my school? Bakit po wala pa siya?

Sinasagot ko nalang siya na may importanteng inaayos si Marvin. Kunsabagay ay yun naman talaga ang sinabi niya noong huli naming pagtitext, na may inaasikaso lang daw siya. At hindi ko alam kung ano mas importanteng bagay na 'yun kesa sa amin ng anak niya.

Nag-aalala na rin ako na baka may sakit na 'yung mokong na 'yun. Kung kumakain ba siya sa tamang oras o natutulog ba siya nang sapat? Kung wala talaga siya ngayon sa condo niya, asan siya? Sinong kasama niya? May tumitingin ba sa kanya o mag-isa na naman siya?

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

Frustrated kong naitapon ang cellphone ko sa couch sa gilid. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa opisina ko sa building ng Lopez Group; ganito ako parati kapag wala ng ginagawa since pumasok ako sa company na ito. Almost one week na akong pumapasok sa LG since wala pang main building ang CH dito sa Pilipinas. Pag-uusapan palang namin kapag nag-success ang first project ng LG-CH. Almost a week na rin akong nag-aadjust sa kumpanya niya nang wala siya. Matatapos ko na nga't lahat itong marketing plan ay wala pa rin siya! Ginulo ko ang buhok ko dala ng sobrang inis kay Marvin, nilapitan ko yung couch sa gilid at muling kinuha ang phone ko. I texted him.

Nasaan ka na ba? Patapos na ko sa plano, wala ka man lang naitulong!

Inis kong pinindot ang send button. Matagal ko itong tinitigan. I scroll down the loads of my messages I have sent him. Ngunit 'ni isa sa sandamakmak na mga texts ko ay wala siyang reply.

"Kainis!"

Frustrated akong napaupo and looks at my phone again, muli akong nag-type.

Miss na kita.

Alanganin kong pinindot ang send. "Haaay, Marvin asan ka ba?"

Napabalikwas ako nang biglang makarinig ng pagkatok sa may pintuan, inayos ko ang sarili ko, "Come in."

"How's the plan, Len?" si Dionne na dire-diretsong lumapit sa table ko. Her face seemed so serious.

"Ah patapos na. Ipapasa ko nalang mamaya bago mag-5pm."

She nodded, "Okay thanks."

Patalikod na sana siya nang bigla siyang humarap muli na tila may nalimutang sabihin, "Oh by the way, may balita ka na ba kay Marvin?"

Tulad ko ay wala din kahit sino sa LG ang nakakaalam kung saang lupalop na ngayon naroroon si Marvin, pinalalabas nalang namin sa BODs na on-leave lang ito dahil may importanteng bagay na inaasikaso. Ako ang huling nakatanggap ng tawag ni Marvin kaya ako ang nagreport kina Dionne at Clarisse nang huling pinag-usapan namin.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now