Chapter 44

3.6K 109 7
                                    

Chapter 44

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay namin upang pumasok sa trabaho samantalang si Marvin naman ang nagpasyang maghatid saanak namin sa eskwela.

Samantala, palabas palang ako ng elevator nang salubungin ako ni Clarice.

"What's the matter?" tanong ko, tila importante kasi ang sasabihin niya sa akin knowing na sinalubong niya pa talaga ako dito.

"We... we have something to talk," hinihingal na tugon niya sa akin. Pagkatapos ay kinaladkad niya na ako patungo sa opisina niya.

Inilock niya muna ang pinto bago ako hinarap, "It's confirmed Len, may mga kalokohan nga si Mr. De Dios dito sa company, we have found this slush fund as evidence."

Then iniabot niya sa akin ang isang makapal na libro na naglalaman ng ebidensyang magpapatunay sa korapsyon na isinasagawa sa kompanya sa pangunguna ni Harvey De Dios.

"He and Jacky are conspiring for every illegal activities done in the company, hindi palang namin nakukumpirma kung sino-sino paang kasabwat nila dito," pagpapatuloy niya pa.

"But first, we need to do some plan to publicize their illegal acts, and one thing we should bear in mind is that we should not trust any board of directors to tell about this matter."

I have agreed to Clarice and promise to do my best by hiring the best investigators that will give us more evidence against Jacky and Harvey.

***

Samantala, habang pinag-aaralan koang management plan ng LG-CH merging group ay biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Sino 'yan?" tanong ko habang nakatuon pa rin ang paningin sa mga papeles.

"Si Schievvie po, Miss Helen," napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang tinig na iyon ng sekretarya ni Marvin.

"Pasok, Schievvie!"

Nakayuko siyang pumasok ng aking opisina, "What's the problem, Schievs?"

"I..." tilahindi niya magawang ipagpatuloy ang sasabihin, nanatili lang siyang nakayuko at napansin ko ring nangangatog ang kanyang mga kamay at tuhod.

"What's that, Schievs?" tumayo naako sa kinauupuan ko at nilapitan siya, "Teka... umiiyak ka ba?"

Nakumpirma kong umiiyak nga siya nang makita ko ang mga luhang umaagos sa pisngi niya, "Bakit? May problema ba? Don't hesitate to tell me if there's something bothering you..."

Hinagod ko paang likod niya upang pakalmahin siya, actually ay ngayon ko lang nakita ang ganitong side ng secretary ni Marvin, madalas ko kasi siyang napapansin noon bilang isang matapang na babae. Nakikita ko nga ang sarili ko sa katauhan niya.

"Schievs?"

Sa wakas ay nag-angat rin siya ng tingin saakin, hilam na sa luhaang kanyang mukha, "Ma'am Helen, I'm sorry I didn't mean to do it... tinakot lang po nila ako at... at..."

Saglit akong naguluhan at kinabahan sa tinuran ni Schievvie kaya naman kinumpirma ko na ang nasa isip ko, "Ibig mo bang sabihin ay tinakot ka ni Jacky?"

Dahan-dahan siyang tumango, napahawak naman ako sa aking sentido at tila hindi pa rin makapaniwala, "Oh my God! So anong pinagawa nila sayo?"

Nagsimula siyang magkwento.

"So... you are the great secretary of my step-son, aren't you?

Kasalukuyan daw niyang inaayos ang ginawang mga dokumento ng kanyang amo patungkol sa mga papeles ng kumpanya nang biglang sumulpot sa pintuan ng opisina niya ang Tita Jacky ni Marvin kasama ang anak nitong si Chiya.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now