Prologue

16.5K 360 35
                                    

Prologue

"Buntis ako at ikaw ang ama."

"HINDE! HINDI AKO PWEDENG MAGING TATAY N'YAN! WALA AKONG SPERM CELLS, PINAPAL'TAN KO NA NG EGG CELLS, MATAGAL NA! SINUNGALING KANG BRUHA KA!"

Napanuod ko na 'yan. Ganyang-ganyan din ang mga linya ng mga babaeng desperada sa mga teleserye. At hindi ako si Sergio para maging leading man sa palabas na 'to, dahil...

"AKO SI MARIMAR! AWW!"

*PAK!*

"Ouch!" T___T napadilat ako bigla. Panaginip lang pala. Panaginip na pang-singkwenta'y dos na 'atang replay.

Haay. Nakatulog na pala ako dito sa duyan sa park na madalas kong tambayan. Marami kasing yummy fafables dito eh!

At teka...

Sino ang hampaslupang nanampal sa kagandahan ko?!

"Hello po!"

"Bata?"

"Hindi po ako bata," nakasimangot niyang sagot. Nakaupo siya sa duyang katabi ko. "Sabi ng Mommy ko, dalaga na daw ako!"

Ay bongga! Ang cute niya. Bibong bata, nakalipstick pa nang lampas-lampas.

"Bet kita, little girl!" sabi ko sabay pahid ng sobra-sobra niyang lipstick sa pisngi.

"Po? Ano po yung bet?" inosenteng tanong niya.

"Bet, as in type kita-"

"Eww! Di po ako napatol sa matanda."

Kusang napataas ang kilay ko. Loka 'tong batang 'to ah!

"Ano bang pangalan mo bruha, este, hija?"

"Hevin po."

Eww din naman pala ang pangalan, kung makapagsalita. -___- Tss, sino kayang mga magulang nito? Nang maturuan ng konting manners.

"Bakit naman ganun ang pangalan mo? Hevin? Parang tinapon galing langit?"

"Sabi po kasi ng mommy ko pinagsamang pangalan daw nila yun ng daddy ko," bibong sagot niya pa.

Nakakatuwa din naman siya kahit papa'no. Masyado lang talagang matabil ang dila. Nagkakwentuhan pa kami ng ilang saglit at gumaan talaga ang loob ko sa kanya. Para kasing matagal ko na siyang kilala. May kapareho sya ng ugali. At hindi ko lang mawari kung kanino.

"Sino nga palang mommy mo?" tanong ko dahil kanina niya pa binibida ang mudrabels niya sa akin.

"Si mommy-"

"HEVIN! ANONG GINAGAWA MO D'YAN? KANINA PA KITA HINAHANAP."

-TO BE CONTINUED-


A/N: Can you make a guess kung sino 'yung tumawag kay Hevin? :')

By the way, Marvin's photo above! :)

-MoonLightFairy xoxo! ♥

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now