Chapter 10

7.1K 226 19
                                    

Chapter 10

Helen's Point of View

One message received.

From: Marvin

And2 junakis mo. Wag mo masyado higpitan ang bagets. Hirap makitang umiiyak. Sakit sa bangs.

Nakahinga ako nang maluwag nang mabasa ang text message na iyon ni Marvin. Kanina pa kasi kami paikot-ikot ni Mang Max sa buong village kakahanap sa anak ko.

"Mang Max pwede po bang magtungo tayo sa--" napatigil ako. Hindi ko nga pala alam ang bahay ng baklang yun.

So nireplyan ko siya.

To: Marvin

San ang bahay mo? Susunduin ko na ang anak ko.

Nang ilang sandaling hindi siya nagreply ay nagdecide na akong tawagan siya. Sa loob ng tatlong ring ay sinagot nya rin iyon.

"Hello?" tila inaantok na ang boses nya.

"San ka ba nakatira? Susunduin ko na ang anak ko."

"Ano ka ba naman Helen? Dis oras na ng gabi. Ipagpabukas mo nalang," biglang humina ang boses nya. "Besides tulog na ang anak mo. Eto't naghihilik na sa tabi ko. Mukhang napagod kakaiyak."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko akalaing magtatampo sa akin nang ganun si Hevin.

"Pero--"

"Ay naku hanggang ngayon napakakulit mo pa ring babae ka. Bukas na nga lang. Ako nang bahala sa bagets. Pinaiyak mo na nga, iistorbohin mo pa sa pagtulog. Wag ka mag-alala di ko kikidnapin anak mo. Ge na, tulog na me antok much na. Umuwi at magpahinga ka na rin, Helen," ani Marvin sabay end ng call. Ni hindi na ko hinintay pang makasagot.

Ilang sandali akong napatitig sa picture ng anak ko na wallpaper sa cellphone ko.

I'm so sorry baby.

×××

Kinabukasan ay maagang nagpunta si Calvin sa bahay. Maaga nya kasing kinamusta si Hevin at kung nasabi ko na daw ba sa anak ko ang binabalak kong pagtransfer sa kanya sa ibang school at kung ano daw ang naging reaksyon.

Kaya naman no choice na ako kundi ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Taranta naman siyang nagpunta sa bahay.

"Anong nangyari Helen? Panong napapunta si Hevin kay Marvin? At bakit hinayaan mong makaalis ng bahay ang bata?" tila maghihysterical na siya.

"Bigla nalang kasi siyang tumakbo. Sinubukan kong habulin pero biglang nawala. Siguro nagtago muna kung saan bago tinawagan si Marvin."

"Asan na sya ngayon? Hindi mo pa ba siya susunduin dun?"

"Galit pa rin saken ang anak ko. Panigurado kung susunduin ko din sya agad ay mas lalo lang siyang magmamatigas. Tsaka nagtext na ulit saken si Marvin, sya na daw bahalang magsabay kay Hevin papasok sa school," paliwanag ko.

Doon tila nakahinga rin nang maluwag si Calvin at kumalma, "I told you Helen, yan ang minana ng anak mo sayo. The more na ipagpilitan mo sa kanya ang ayaw nya, the more na magmamatigas sya sayo. Lalayo lang ang loob nya sayo kung ipipilit mong magtransfer siya sa ibang school. Besides, di mo ba nahahalata? Mas lalo mong ipilit na ilayo si Hevin sa tunay niyang ama, mas lalo naman silang pinaglalapit ng tadhana?"

I nodded.

Ganyan din kasi ang narealize ko kagabi. Siguro nga hindi ko dapat ipilit kay Hevin ang mga bagay na ayaw nya kung ayaw kong lumayo ang loob ng anak ko sa akin.

At isa pa, mukhang wala namang balak talagang kilalanin ni Marvin ang anak nya kaya wala na rin siguro akong dapat ikabahala na ilalayo nya saken si Hevin.

"Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para lumayo sayo ang anak mo."

Tama.

Tama si Calvin. Hindi si Marvin ang magiging dahilan ng paglayo ng loob sa akin ni Hevin, kundi ako mismo. Ang pagiging selfish ko sa anak ko.

×××

Sa school ay sinubukan kong dalawin si Hevin habang breaktime nila habang dala-dala ko ang ginawa kong sandwich at juice para sa kanya.

Nakita kong napalingon siya saken ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin. Nang lumingon naman ako sa harapan ng classroom ay nakita ko si Marvin na nakatingin sa akin, sa aming mag-ina.

Nilapitan nya ako saka dinala sa isang sulok kung saan di kami makikita ng anak ko na nag-uusap.

"Mukhang galit pa rin sayo ang bagets," komento nya. "Bakit mo naman kasi naisipang ilipat sya sa ibang eskwelahan?"

Expected ko nang magkukwento sa kanya ang anak ko. Hindi ko naman maaaring sabihin sa kanya ng totoong dahilan ko sa pagpapalipat ko kay Hevin sa ibang school.

"May narinig lang kasi ako na mas maganda daw ang curriculum sa kabilang school," dahilan ko nalang.

Napanguso naman siya, "Ikaw talaga kahit kelan napaka-choosy mo!"

Hindi ako nakakibo.

"O pano na yan? Pano natin kukumbisihin si Hevin na bumalik sayo?"

"Yun nga din ang iniisip ko eh."

Saglit siyang nag-isip.

Hanggang sa mag-come up siya sa isang napakaridiculous na suggestion.

"Eh kung dun ka na rin kaya magtigil samen hanggang sa lumapit muli ang loob ng anak mo sayo?"

×××

Sarreh sa maiksing update. :3

Comment po ang gusto ng dedic. :*

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now