Chapter 46

3.7K 122 10
                                    



Chapter 46

Marvin's Point of View

According to a great person I know, there are three things that cannot be long hidden: the sun, the moon and the truth.

Nasa pintuan na ako papasok sa opisina ni Helen nang bigla akong makarinig ng kumosyon sa loob, agad kong binuksan ang pintuan at hinawi ang pulis na tinangka pa akong harangan sa pagpasok.

"Touch her and I'll kill you," nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak nang mariin ang pulso ng pulis na nanigaw at nagbalak pagbuhatan ng kamay si Helen, "Officer, I don't think it is a proper manner to shout at a lady. Hindi ka ba nakaattend ng mga training or seminars regarding human rights?"

"Wala kang pakialam! Sino ka ba?!" sigaw pa rin nito sa akin.

"Marvin! Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ni Helen.

I looked at her, naikuyom ko ang kabilang kamao ko dahil sa nakita kong luha sa kanyang mukha, "What else do you think? To save you, my stubborn little princess..."

Hindi na niya nagawa pang tumugon dahil agad na nakasingit sa amin si Tita Jacky, "Marvin, hijo...I'm glad you're here," plastic ang pagkakangiti nito. "Pinagbibintangan kasi nila si Helen ng kung anu-anong bagay. That's why we were asking for them for their evidence, and itong si Helen ay nagsabing may kailangan rin daw siyang ipakita sa mga pulis. I hope you don't mind, hijo..."

"I do mind Tita," putol ko sa kanya kasabay ng matalim na pagkakatitig. Napatikhim siya.

Then I grinned, "Excuse me, Tita, I have someone with me and I also hope you don't mind."

Nangunot ang kanyang noo pagkatapos ay nilagpasan ko siya ng tingin, sinenyasan ko ang lalaking kadarating lang na lumapit sa amin, "Miss Jacky Lopez, Mr. Harvey De Dios, you are under arrest for multiple crimes and cases. You have the right to remain silent..."

Hindi na narinig pa ang ibang sinabi ni Mr. Bernal na kasama kong isang prosecutor, dahil sa pagwawala ng madrasta ko, ganun rin nina Harvey na agad na pinosasan kasama ang iba pang mga salarin na sangkot sa iba pang katiwalian sa loob ng kumpanya.

"I swear! Pagbabayaran mo 'to Marvin! Pagsisisihan mong ginawa mo sa akin ito!" paghihysteria pa rin ni Tita samantalang si Harvey ay nagpupumilit ring manlaban sa mga pulis, "What the hell is this?! Idedemanda ko kayong lahat sa eskadalong ito!"

Samantala, iyak naman ng iyak si Chiya habang humahabol sa kanyang ina, pinigilan ko siya, "Chi, calm down."

"How can I calm down?!" sigaw niya sabay hawi sa kamay ko, "I hate you, bastard!"

"Chiya Marie!" habol kong tawag sa kanya nang makita siyang tumakbo pasunod sa mama niya.

Hahabulin ko pa sana siya nang may maramdaman akong humawak sa akin, "Let her... baka mag-away lang kayo kung susundan mo siya."

"But—"

"Vin..." malamlam ang mukha ni Helen na nakatingin sa akin ngayon.

Iniisip ko kasi, kahit gaano pa kasama ang ina ni Chiya, kapatid ko pa rin siya sa ama at naaapektuhan ako ngayon sa nakita kong reaksyon niya kanina.

"She needs time and space Vin, and I think her mom needs her too," natigil lang ako sa pag-iisip nang muli kong marinig na magsalita si Helen.

I looked at her at binigyan siya ng nakakaunawang tingin, then I nodded and cupped her face, "Are you alright?"

Naalala kong nasangkot din nga pala siya sa eskandalo kanina. Nakapa ko pa rin ang basa sa pisngi niya, bumalik tuloy ang galit ko sa gumawa nito sa kanya.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon