Chapter 29

5.6K 212 51
                                    



Chapter 29

Awkward ang sitwasyon habang kumakain kami ni Marvin. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita, sa halip ay nakatuon lamang ang buong atensyon sa kinakain. Kanina pa kami nagkakahulihan ng tingin, pero pagkatapos nun ay pareho rin kaming yumuyuko at tinutuloy ang pagsubo sa kinakain. Hanggang sa matapos ang hapunan ay ganun pa rin ang sitwasyon. So I just insisted to wash the plates.

"No, ako na. Bisita kita. So just stay there," itinuro niya ang sala, "Watch some movies and relax, okay?"

Pero dahil likas na matigas ang ulo ko pagdating sa kanya at hindi rin naman siya mananalo sa akin ay naipilit ko pa rin ang gusto ko, but in the condition na pareho kaming maghuhugas. Ako ang magsasabon at magbabanlaw, samantalang siya naman ang mag-aarrange sa lagayan. But seems like a childish side of mine became alive all of a sudden. Nang matapos ang lahat ng plato ay pakunwari kong hinugasan ang mga kamay ko. Nilagyan ng sabon at pinabulang maigi. Kasalukuyang nasa gilid ko pa rin siya pero busy siya sa pagsasara ng cabinet ng mga pinggan. I looked at him and grinned...

"Marvin!" nang tumingin siya ay agad kong pinahid ang puro bula kong mga kamay sa mukha niya.

"Len!" sigaw niya ngunit hindi na makita ang reaksyon ng mukha dahil sa kapal ng bulang nandoon.

Tawa ako nang tawa habang pinagmamasdan ang itsura niya, "Bagay pala sayo 'yan eh!"

He smiles, "Ah ganon?"

Nakita kong umangat ang kamay niya sa mukha at kumuha ng bula doon. As an instinct ay tumakbo kaagad ako palayo.

"Huwag Marvin ha! Sasapukin kita!" tawa pa rin ako nang tawa habang naghahabulan kami sa sala.

"Sige, subukan mo. Babato ko sayo tong sofa?!" pananakot ko pa.

Natawa rin siya, "Hanggang ngayon amazona ka pa rin!Saka sino ba nag-umpisa, ha?"

He runs towards me, "Gotcha!"

"Ayy! Marvin, bitaw!" sigaw ko nang makulong ako sa mga braso niya. Nakatalikod ako sa kanya, pero hindi nakatakas ang mukha ko sa malaking kamay niyang may mga bula.

"You little!" patuloy pa rin siya sa pagtorture sa mukha ko.

Pilit naman akong kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Okay! I surrender! Tama na, please!"

Bigla siyang tumigil.Pareho kaming hinihingal. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang narealize ang pwesto naming dalawa. Ramdam ko rin ang paghinga niya sa puno ng tenga ko. Nakaramdam ako ng kiliti. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakakulong ng mga braso niya sa may bandang tiyan ko.

I faced him and awkwardly smiled, "S-sorry, I got childish."

He smiled too then wipes the bubbles away from my face, "This is one of the happiest moments in my life, Len."

After that scene ay pareho kaming naglinis ng mga mukha namin. Ako sa banyo, siya naman ay sa kusina. Pagkalabas ko ay nakaabang na siya sa akin, full smiles.

"Len, may hindi pa pala ako naipapakita sayong parte nitong bahay."

Nangunot ang noo ko, "What part?"

"A certain room," he replied and immediately grabbed my hand to drag me somewhere.

My brow raised,"A-anong room pinagsasabi mo Marvin?"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now