Chapter 16.2

6.3K 193 10
                                    

Dedicated sa mga #HopiaManiPopcorn! XD

Chapter 16.2

"Anong sabi mo, Marsy? Kineme ka ni Helen na junakis mo ang batang si Hevin?" gulat na tanong ni Barney sa kaibigan nang magkwento ito sa kanya kinagabihan.

Nagtaka at nagtanong kasi ito nang maabutan sina Marvin at Helen sa sala na nagtatalo.

"And then now, you're saying na tinatanggap mo na ang bata despite sa kaalaman at verified na very sure na ika'y isang BAOG?!"

"Sshh! Hinaan mo nga 'yang bunganga mo, isstapleran ko 'yan eh!" inis na turan ni Marvin sa kaibigan.

Napahawak naman sa kanyang precious lips si Barney kasabay nang paghina ng boses sa takot na ituloy ni Marvin ang pagbabanta dahil kanina pa ito tensed na hawak-hawak ang stapler.

"Why mo naman ginawa 'yun?!"

"Because I need to," seryosong tugon ni Marvin.

"So it's confirmed, gagamitin mo nga lang ang mag-ina!"

"Hindi naman sa ganun, Barney."

"Ganun na rin yun, gaga!" inis na nilayasan ni Barney ang kaibigan. Ayaw niya sa ideyang manggagamit ang kaibigan para lamang sa sariling kapakanan. Lalo na't ang magiging biktima nito ay sina Helen at Hevin pa.

Masyado na siyang napalapit sa dalawa at naiinis at natatakot siya sa kahahantungan ng ginagawang ito ni Marvin.

Samantala, gulong-gulo naman si Helen sa mga nangyayari. Hindi niya malaman kung seryoso ba si Marvin sa sinabi nito kanina kay Calvin. Hindi kasi kakikitaan ng ni katiting na kabaklaan ang boses nito habang kausap si Calvin na pinapauwi na silang mag-ina dahil ayos na naman daw sila. Isa pa'y nag-aalala rin daw ito para sa kanya dahil baka sa ikalawang pagkakataon ay mahulog at magpaloko na naman siya kay Marvin.

Pero nang kausapin ito ni Marvin at sinabi ang mga imposibleng mga salitang iyon ay hindi na ito nakaimik pa at nagpaubaya na lamang dahil sa katotohanang si Marvin ang tunay na may karapatan sa dalawa.

"Mukhang tapos na talaga ang responsibilidad ko sa inyo Helen. Masaya ako at narealize rin ng gagong 'yan ang kahalagahan ninyong mag-ina. Subukan lang niyang paiyakin ka ulit, babawiin ko kayo at sisiguraduhin kong hinding hindi na nila kayo makikita pang muli kahit magsisi pa siya hanggang kamatayan. SInabi ko na yan sa kanya Helen,kaya sana alagaan at mahalin niya talaga kayo nang totoo."

Kahit na natutuwa ang kapirasong parte ng puso niya dahil sa nangyayari ay hindi niya pa rin maiwasang magduda sa biglaang pagtanggap sa kanila ni Marvin at tila instant na pagtatransform nito sa pagiging lalaki. Gusto niyang isipin na alam naman talaga at ramdam na nito na anak niya si Hevin. These past few days kasi ay sobrang close na ng dalawa at caring talaga si Marvin sa anak.

Siguro nga, God just gave us another chance to be together and for Hevin to have a real family.

She'll just close an eye and accept what will happen and what will be the consequence in the future.

Nang pormal nang ipakilala ni Marvin sina Helen at Hevin bilang mag-ina niya ay agad na sinuggest ng kanyang Lolo na lumipat sila sa isang maayos at mas malaking tahanan. Syempre hindi nila ni-left alone ang kaibigang si Barney na katulong nila ngayon sa pagdedecorate ng bago nilang bahay.

"Infairness Marsy, medyo nagsisink in na rin sa akin finally na apo ka ng president, charot! Ng isang mayamang haciendero. Mala-Cinderella rin pala 'yang drama mo ha!"

"Barney, apo si Cinderella ay para sa mga babae lamang at ang apo kong si Marvin ay hindi nararapat na ikumpara doon sa halip ay dapat sa mga makikisig na karakter tulad na lamang ni Johnny Bravo."

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now