Chapter 40

4.2K 133 15
                                    


Dedicated to her na binasa until 3am ang MMB. Thank you. =)

Para po sa mga nagtatanong:

Homophobia is the hatred or fear of homosexuals - that is, lesbians and gay men

Chapter 40

"Hindi talaga ako makapaniwala, paanong naging homophobic ang anak nina Andrea at Dom," si Marvin habang naglilinis kami pareho ng bahay.

Kanina pa nakaalis ang mag-asawa at ngayo'y napagdesisyunan namin na maglinis dahil paniguradong maghapon kaming tatambay sa bahay ngayon. Nagtext din kasi ang anak namin na gusto niya daw kaming maka-skype mamayang gabi.

"Ano sa tingin mo ang dahilan, Len?"

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko rin alam, but I'm sure may valid reason naman si Lei para maging ganun."

"Kunsabagay, may punto ka naman d'yan."

Nagpatuloy nalang kami sa paglilinis. Naawa naman ako bigla kay Marvin nang mapansin kong pawis na pawis na agad siya, "Maglagay ka nga ng bimpo sa likod mo at baka matuyuan ka ng pawis."

He smiles, kinilig agad, "Eh hindi ko abot."

"Psh, palusot!" kaya naman kumuha ako ng malinis na bimpo sa kwarto at saka inilagay iyon sa likod niya.

"Sweet naman ng asawa ko."

"Oy Marvin, tumigil-tigil ka d'yan ah."

Napakamot siya, "Ay oo nga pala, nililigawan palang kita. Uhm, ilang percent ba?"

Napakunot-noo ako, "Ilang percent?"

He nodded, "Yes. Ilang percent yung chance na sasagutin mo ako. Ay mali, I bet hundred percent na no?"

"Kapal mo din eh no?" inirapan ko siya.

Biglang bawi niya agad ng, "Hehe, joke lang!"

"Mag-antay ka, hindi pa ako nakakabawi sayo."

***

At dahil opisyal na talagang inannounce ni Marvin ang panliligaw niya sa akin ay sinamantala ko na, when he asked me kung anong gusto kong gawin ay sinabi kong gusto kong manuod ng sine at panuorin yung Conjuring 2. Pero ewan ko ba sa lalaking 'to kung ipinanganak nang kuripot o tamad lang talaga, aba'y bumili nalang ng CD ng ibang bala at dito nalang daw kami sa bahay manuod.

"Hay naku, napaka-maeffort mo namang manliligaw! Hindi na nga tayo nanuod sa sinehan na siyang gusto ko, ibang movie pa itong binili mo."

Pagtingin ko kasi sa CD, tagalog movie and entitled Just the 3 of Us.

Natawa siya, "Eh ang layo kasi ng mall dito Len, inaalala ko lang baka mapagod ka sa byahe at saka diba mag-iskype pa tayo sa anak natin mamaya?"

Napa-oo nalang ako sa mga dahilan niya, if I know takot lang siyang manuod ng horror movies eh!

Nahalata niya sigurong hindi ako convinced sa sinabi niya that's why he holds my hands and say, "Don't worry bukas na bukas mamamasyal tayo sa mall, papanuorin natin yung Conjuring. At gagawin natin yung isa pang gusto mong gawin, magvideoke sa Quantum."

Nagliwanag bigla ang mukha ko, "Talaga?"

He nodded, I smiled brightly. Pero bigla akong nagtaka, "Paano mo nalamang gusto kong gawin 'yun?"

"Hehe, I saw your diary app in your phone yesterday nung pinabasa mo yung text message sayo ni Hevin habang naghuhugas ka ng plato. Sorry, hindi ko sinasadyang mabasa," kakamot-kamot siya sa batok.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now