Chapter 13

6.5K 213 4
                                    

Chapter 13
Marvin's Point of View

Family Day
(Alta Rios Resort, Indang Cavite)

Kanina pa ko naiimbyerna. Unang-una, hindi na ko pinasali ng mga co-teachers ko sa pagkocoordinate sa sports event na ito. Dahil tuloy doon, ay mapipilitan akong samahan ang mag-inang 'to na ginawa nalang ako julalay na tagabitbit ng mga gamit nila, cameraman na tagapicture sa bawat posing nila, at tagabili ng mineral water, chichirya, biscuit, panyo, ponytail, medyas, juice, sandwich, ultimo sanitary napkin with wings ni Helen ako pa ang magiting na tagabili!

"Ano ba namang buhay to? Dinaig ko pa ang pagiging katulong ng prinsesa ng Saudi, maigi pa dun paisa-isa lang ang utos. Samantalang kayong mag-ina kayo, mga mapagsamantalang mag-nanay, napakarami niyong utos! Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyong dalawa? Huhuhu!" T.T

"Sir?" rinig kong tawag ng kung sino sa may gilid ko, with matching kalabit pa.

"O? Problema mo?" kahit lalaki ka pa, di kita type, mukha kang ulikba sa kaitiman at kahabaan ng nguso mo. At huwag mo kong ma-sir sir ngayon, badtrip ako sa mag-inang--"Teka?"

Lumingon ako kay ulikba, "Nakita mo ba yung dalawang kasama ko?"

Napakamot naman siya ng ulo (may kuto ata), sabay iiling-iling.

"Problema mo?"

"E sir, kanina pa ho kasi kayo nagsasalita dyan, kanina pa rin ho kayo walang kasama dyan. Concern lang naman po ako sir, dun po yung daan papuntang mental."

"ABA PUTAPETENG ULIKBA 'TO AH!" Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya inambaan ko agad siya kurot at sampal. "Lumayas ka nga sa harapan ko, mas mukha ka pang kailangang dalhin sa mental kesa saken e!"

Talaga namang mag-ina yun oh oh! Hirap na hirap na nga ko dito sa napakaraming gamit nila, iniwan pa kong mag-isa dito. Saan naman kaya nagpunta yung mga yun?!

"Calling the attention of Mr. Marvin Lopez, please proceed here in the front for your participation in the first game."

Teka? Tama ba ko ng pagkakarinig?

Yung magandang pangalan ko ba yung tinatawag nila?

"Calling the attention of Mr. Marvin Lopez, please proceed here in the front for your participation in the first game."

OMG! It's my beautiful name indeed!

Ano naman kayang kailangan nila sa kagandahan ko? Pa-autograph? Papicture? Or what?

"Calling the attention of Mr. Marv--"

"It's me! It's me!" sigaw ko sabay pagkawag ng mga daliri habang nakataas ang kanang kamay at nakatakip naman ang kaliwa sa aking kilikili.

Mygahd! Sino ba namang kilikili ang hindi iiyak dahil sa sakripisyong dinaranas ko dahil lang sa mag-inang yun. INA TALAGA! INA LANG.

Hinawi ko na rin ang mga pipolets na nakaharang sa daraanan ko, "Excute! Excute! Dadaan ang cute! Excuuuute!"

Che! Irap irap pa 'tong mga babaitang 'to. Mga insekyora!

Meanwhile, (huwaw lalim meanwhile, mehehe) natutunan ko lang yan sa pinsan kong teacher na unano na if you can still remember sya lang naman ang nagpa-substitute sa pagiging teacher at ngayong napag-isip isip ko rin, sya pala ang dahilan ng lahat ng kamalasang 'to! Siguro ngayon ang bruha ay nakapanganak na at sarap buhay nalang sa bahay habang nagpapa-ut-ut ng gatas sa anak.

Okay. Yung meanwhile ko kung san-san na nakarating. Meanwhile na talaga, andito na kasi akez sa harapan habang nakataas pa rin ang isang kamay at isang kilay habang nakatitig nang mariin sa MC na palingon-lingon pa sa paligid na tila may hinahanap.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now