Chapter 12

7.1K 220 16
                                    

Chapter 12

Marvin's Point of View

Nagsimula na ang kainan. Syempre hinintay pa naming makapagbihis ng pambahay ang baklang dino na si Barney.

"Okey! Kainan na yutey!" sigaw pa ng bruhang bading. "Mmm... sharap! Firsh taym ko 'atang makakaen ng ganto kasharap na fuds! Shinong nagluto?"

Lumingon ako kay Helen, alam kong siya ang nag-effort magluto ng lahat ng 'to. Mukhang pagod na pagod ang itsura niya. Wala nga pala siyang nakatulong sa pagpeprepare ng dinner dahil lahat kami ay nasa labas at siya lang ang naiwan dito sa bahay.

Nakaramdam ako ng konting pain sa heart.

And then I looked away and shook my head.

Hmp! Bakit naman ako makokonsensya? Malay ko bang seseryosohin niya nga yung utos ko?!

Ginanahan ko nalang ulit ang pagsubo sa pagkain ko. Alam kong masarap talagang magluto 'tong si Helen. Kaya di na ko nagugulat sa natitikman ko ngayon. Ang madalas ngang nako-comment sa kanya noon nila Madam Andrea at ng iba pa naming kasamahan , "wife-material" daw siya.

Porket masarap magluto, wife material na agad? Hindi pa pwedeng...


"Sige na nga! Wife material na!"

Nagulat ako, hindi lang ako, kundi pati na rin ang mga kasama ko sa hapag sa aking nasambulat. Tss, ano ba namang bunganga 'to, bigla-bigla nalang sumasabog. -___-

"Ha?" takang-tanong ni Helen.

"Po?" si Hevin.

"Nyare Mars?" sino pa bang maarteng bakla ang magtatanong n'yan?

"Ahh, wala wala. Nagpapractice lang ako ng lines ko para sa aking drama later," palusot ko pa na alam ko namang walang kalusot-lusot.

"Psh! Nagde-daydream ka na naman na artista ka Mars? Sabi ko sayo tigil-tigilan mo na 'yang panunuod ng Forevermore eh. Masyado nang nalalamon ng mga drama sa teleserye 'yang pagkatao mo."

Tinitigan ko nang masama si Barney, "Anim na words lang yung sinabi ko, ang dami mo nang side comment d'yan! Ikaw kaya ang tumigil kakapanuod ng Talk shows d'yan nang mabawas-bawasan 'yang pagiging mahadera mong bakla ka?!"

"Itigil niyo na nga 'yan. Nakain tayo at naririnig pa kayo ni Hevin," sermon ni Manang Helen.

"K," sabay naming tugon ni Barney sabay lantak nalang muli ng pagkain.

"Hihi! It's okay po Mommy. I'm used to them na naman na po," singit ni bebe Hevin.

After ng lamonation process namin ay sinabihan kami ni Hevin na kung pwede daw ay sumunod kami sa kanya sa mini garden ng mini mansion namin ni Heavy Barney. Hehe! Oo, lahat dito mini, siya lang 'ata ang hindi.

Ano naman kayang ididiscuss sa amin ni Mini Manang Hevin at kailangan kumpleto pa kami sa meeting?

"Nandito na po ba ang lahat?" tanong pa ng Mini Manang.

"Ooooopooooo," natawa pa kami sa parehong estilo ng tugon namin ni Barney. Kahit naman parati kaming nagbabangayan ay daig pa namin ang magkapatid dahil sa sobrang dami naming pagkakaparehas. Siguro ay dahil na rin sa tagal na naming pagkakasama sa bahay.

Isa lang ang pinagpapasalamat ko--hindi pa kami nagkakapareho ng mukha.

Si Helen naman, as usual ay tahimik lang at no emotion na nakamasid lamang sa amin.

"Oh siya Mini Manang, ano nga bang pagmimitingan natin ngayon dito?"

"What's with the Mini Manang Papa Marvin?"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now