PROLOGUE

193 9 2
                                    

Umpisa pa lang nang araw wala na agad ako sa mood sa dami ba naman ng requirements at mga gagawin ngayon, punyemas naman kasi e haysst!!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umpisa pa lang nang araw wala na agad ako sa mood sa dami ba naman ng requirements at mga gagawin ngayon, punyemas naman kasi e haysst!!!!. Halos matatapos na ang 1st quarter namin bilang senior high school pero grabeng stressed naman ang dulot.

Nakasimangot ako habang nag aayos ng mga gamit ko kasi dadaan pa ako mamaya sa national bookstore sa para sa science project na kailangang Ipasa next week dapat group project yon, kaso absent ako nung araw nang bumuo sila ng grupo at ang Mas masakit pa walang gustong umampon sa akin!!!! ARGHHHH!!!!! akala mo naman kung sinong magagaling!.

Nang matapos kong maayos ang mga gamit ko ay tuluyan na akong lumabas ng classroom at bago akong tuluyan makalabas may mga pares ng mga mata ang nakatingin sa akin na akala mo isa akong nakakadiring nilalang. Dukutin ko mga mata niyo e!.

"Yumie, Saglit!" tawag sa akin ng kung sino man pero wala akong pakialam kung sino man siya. Nag patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Yumie!!! Parang tanga toh!" natanga pa nga. Eto na lang tumatawag sa akin at kunin ang atensyon ko tapos sasabihan pa ako ng ganoon. Aba!!!!.

"Yumie!!!" tuloy pa rin ako sa paglalakad kahit naririndi na ako sa tumatawag sa akin, kaso ayako pa rin pansinin nagmamadali na ako dahil marami pa akong gagawin, Saka baka mamaya isa na naman yan sa mga students na akala mo may magandang intensyon pero sa huli pag titripan lang din pala ako.

Pacckkk!!!

ARAY! Punyeta sino yon! May nambatok sa akin, kaya napatigil ako sa paglalakad at agad kong hinarap kung sino ang may pakana at walang Iba kung di si....

"Winter Melon!"

"oh edi napansin mo rin ako, badtrip ka ahh halos mapatid na ang boses ko dahil sa hindi mo pagpansin sa akin." Sabi pa nito habang naka-pameywang.

"Akala ko kung sino na naman na nang titrip e alam mo namang malalakas ang tama ng mga istudyante rito, e bakit ba? Ano bang meron?".

"Hindi mo ba natatandaan boses ko sa tagal nating mag kapitbahay hindi mo pa rin kabisado, umay sa'yo ah"

"Kabisado ko, sadyang ayaw ko lang marinig."

"Aba't-"

"Hep! Hep! Sabihin mo na ang sasabihin mo at nagmamadali pa ako, may project pa akong gagawin."

"Naku talaga, Ayun na nga e kasi diba mahina ka sa mathematics?!"

"Kung makasigaw ka naman! Parang napaka talino mo naman doon e mas ugok ka nga sa subject na yon."

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon