CHAPTER 41 (Special Chapter)

40 3 4
                                    

TRISTAN

( After ng Confession ni Mayumie)

Ito na ba?

Ngayong gabi na ba?

Tama na ba?

Hay ano ba yan! Aamin ka lang naman e, sasabihin mo lang na matagal mo na siyang gusto mahirap ba yun?

Aamin ka lang. Period.

Ang daling sabihin pero ang hirap gawin...napakamot na lang ako sa batok at nagpasya na lang na matulog, wala na akong lakas ng loob okay? Kaya mas mabuti ng itulog ko na lang toh.

Maglalakad na sana akong pabalik sa cabin ko ng may mapansin ako na may nakatayo sa may dalampasigan, ano ba yan gabi na ngayon pa niya naisipan tumambay? Teka sino ba yun?

Lumapit ako ng dahan dahan babalaan ko lang naman siya na malapit na ang curfew, baka kasi maparusahan pa ang isang ito konsensya ko pa. Malapit na ako sa direksyon niya ng mapansin ko na parang pamilyar ang nakatayo na yun.

Si Yumie ba toh? si Yumie nga!

Binigyan na ba ako ng destiny ng pagkakataon para umamin sa kaniya? Anong destiny?! nakakakawala ng angas yun ah!

Erase! Erase! Kung ano ano ng pumapasok sa utak ko, masyado na akong nababaliw haysst. Napailing na lang ako sa pinagiisip ko at nagpasya na kausapin na lang siya at sabay na kaming bumalik sa mga cabin namin. Kaso... Tama ba ang naririnig ko humihikbi siya?

Umiiyak siya? Napansin ko ang pag-galaw ng balikat niya, umiiyak nga. Tch, obvious naman Tristan e ano ba namang utak yan. Nang mapansin ko na mukhang haharap na siya ay magtago ako sa malaking bato roon sa gilid. Nawala na angas ko hindi ko kayang harapin, At nakumpirma ko na umiiyak talaga siya umaagos pa rin ang luha mula sa mata niya.

Siya na naman kaya? Siya na naman ang dahilan ano? Lagi ka naman pinapaiyak ayaw mo pa tigilan, tss. Nang tuluyan na siyang makaalis ay napagpasyahan ko na huwag na munang bumalik ako umupo ako sa tuktok ng batong pinagtataguan ko kanina.

Kapag talagang nagiisa ako hindi ko maiwasan na alalahanin kung paano ko siya nakilala, ang unang babaeng naging special sa akin mula noon hanggang ngayon. Ang dahilan kung bakit may syndrome ako ng pagiging torpe.

" Ano ba yan? Para kayong mga baliw," naabutan ko kasi si Daniel at Jungwon na nagwre-wrestling. kakabalik ko lang galing sa pagpapractice ng sayaw may laban kasi kami nila Jay. Sa totoo lang dapat talaga si Ni-Ki ang lalaban kasama nila kaso pinabalik siya ng magulang niya sa Japan.

" Nandito ka na Pala, kamusta ang laban?" agad na tanong ni Daniel. Hindi ko sure kung matutuwa sila sa balita ko pero kailangan nila malaman.

Napayuko ako, " H-hindi kami nakapasok sa nationals e... Mas magaling yung Kalaban," mapait akong ngumiti. Siguro kung si Ni-Ki ang lumaban at hindi ko pinalitan ay panalo sana sila.

Inakbayan ako ni Jungwon, " Haysst, ano ka ba? Huwag ka nga ma down at parang wala ng susunod na laban...mananalo rin tayong mga ILANDERS hintayin lang nila," natawa ako ng marahan dahil sa sinabi niya. Sa loob kasi ng ILAND kaming tatlo nila Daniel at Jungwon ang magkakaroomate sila ang close ko sa lahat, nakakausap ko naman ang iba kaso Iba talaga kapag ang dalawang ito ang kasama ko.

" Oo nga, hindi ka man nanalo ngayon atlis ginawa mo yung best mo...saka magaling? Mas magaling ka pa rin para sa amin, di ba Won?," at tumango naman si Jungwon bilang pagsangayon may pa thumbs up pa nga ang loko.

"Pero hindi ko pa rin maiwasan madisapoint e, k-kung si Ni-Ki sana kasama nila mas matutuwa sila mag performed hindi ako na baguhan at replacement lang," bigla akong binatukan ng dalawa, mukhang sesermunan na naman ako ng dalawang ito.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now