CHAPTER 4

49 4 4
                                    

MAYUMIE

Hanggang sa makauwi kami ni Melon ay hindi pa rin ako mapakali nawala na sa isip ko ang slot dahil mas nangibabaw sa akin ang pagkawala ng aking cellphone, malabo na kasing mabilhan ng bago sa dami namin sa bahay at sa gastusin sa bahay wala ng panahon para makabili pa ng cellphone.

Gabi na at lahat-lahat pero hindi pa rin ako makatulog, nagtataka na nga rin ang mga tao rito sa bahay dahil hindi ako masyadong nagiingay, hindi ako masyadong Energetic. Paano ako makakatulog kung iniisip ko kung sino nakapulot o kung saan napadpad!!! Saka ang pinaka kinababahala ko ay yung mga picture ko na nandoon!!!.

Hindi pa naman ako sanay na may nakakakita ng selfie ko..oy wag kayo ahh baka isipin niyo may "nudels" ako na photos doon, FYI hindi ako ganoong klaseng babae! Sadyang ayaw ko lang may makakita ng cute kong selfie. At Isa pang inaalala ko walang password ang cellphone ko na iyon dahil medyo mahirap na pindutin Yung kabilang parte kaya baka di ko maopen kapag nag-password pa ako.

Haysttt!! Grabeng kamalasan naman ata ang nangyari sa akin ngayon..pero kahit ganoon naisip ko na may maganda rin na nangyari. Nakausap ko lang naman ang Yang Jungwon ko kaya thankful na rin kahit paano. Pipilitin ko na lang siguro matulog kahit medyo kabado ako, bahala na bukas hahalughugin ko ang buong likod ng School makita ko lang yon o mas maganda buong Skwelahan!.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay, dahil wala akong alarm- nawawala nga cellphone ko diba? Gumising ako ng sariling pagsisikap tapos hindi pa ako makatulog ng maayos edi talagang maaga akong magigising.

Katulad kahapon ay unti palang din ang tao, agad akong nagtungo sa sa Likod ng School at ginawa na agad ang pakay ko ang hanapin ang aking Jurassic na Phone. Kaso halos malinis ko na ang buong likod ng School wala talaga akong nakita. Napaupo na lang ako sa tabi ng puno kung saan ko huling na ilagay ang cellphone ko kaso ngayon wala na siya.

"Psst!"

Ano yon?! Baka guni guni lang... Tama guni guni lang yon.

"Psst!"

PUNYAWA NAMAN OH!!! Ang aga aga sumasabay na naman sa kabadtripan ko...mananakot pa e ang liwanag na ng araw.

"Pst!"

Akala mo madadala mo ko sa paganyan-ganyan, leste hindi uubra sa akin yan dahil badtrip ako ngayon! Hindi ko na inintindi ang kanina pa sumisitsit kung sa panahong hindi ako badtrip baka kinaltukan ko na kung sino man yon.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka umalis, medyo maaga pa naman siguro duon naman ako sa may benches maghahanap triny ko itanong sa janitor kanina kaso wala naman daw siya nakita at ang sabi babalitaan niya nalang daw ako...sana nga.

Nagsimula na ako mag-lakad sa direksyon na iyon kaso hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa braso ko...wala ba talagang titigil ang mga nantitrip, hindi ba nila nakikita sa mukha ko na wala ako MOOD!...wala na akong magagawa makakasakit talaga ako ngayon, handa na akong sapakin kung sino man itong hinayupak na ito...kaso hindi ko inaasahan na siya na naman ang makikita ko.

"Oh natulala ka?Ganoon ba ako kagwapo?"

Seryoso ba ito? Seryoso naman talaga!!

"Ngayon naman napipi ka na, tsk delikado yan"

"J-jungwon"

"Oo ako nga, alam ko yon"

Natahimik ulit ako, ibig bang sabihin siya yung sumisitsit kanina? Or Iba pa iyon...

"Oo ako rin yon ako yung sumisitsit sa'yo kanina kaso snobber ka."

Nanlaki ang Mata ko, na-

"Masyado kang halata, kaya alam ko basi sa ekspresyon ng mukha mo, wala akong super powers noh."

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now