CHAPTER 6

40 3 0
                                    

MAYUMIE

Hawak ko na ang mga pinamili kong pagkain para sa aming dalawa ni Jungwon, hindi naman masyadong mahal pero sana magustuhan niya 500 lang budget kaya kung anong mura nakita ko ayun na yung binili ko, may kasabihan nga diba? It's the thought that counts.

Teka? Tama ba? Di bali na nga.

Awtomatikong napangiti ang labi ko ng makita ko siyang tahimik na naghihintay sa lamesa na nahanap para sa aming dalawa, Hawak nito ang cellphone kaya aakalain mo na busy siya doon. Lumakad na ako papalapit sa direksyon niya ng may marinig ako na bulungan..

"Ang gwapo ni kuya!"

"May hinihintay kaya siya? Tara Beh lapitan natin."

"Ackkkkk, nahihiya ako ih"

"Sige ako na lang ang lalapit"

Binilisan ko ang lakad ko dahil baka maunahan pa ako ng mga babaeng yon, nang makarating na ako at padabog akong umupo at kasabay ng paglapag ng pagkain sa lamesa, napansin ni Jungwon ang naging reaksyon ko at mukhang nagtataka ito dahil na rin sa pagkunot ng noo nito.

"Anong nangyari sayo?"

" Wala!"

"Wala? E bakit ganiyan itsura mo?"

"Seryoso wala talaga"

"Sige sabi mo e" nagkibit balikat si Jungwon at inayos ang mga pagkain, tinanggal niya ito sa supot at kumuha ng para sa kaniya.

Umayos ako ng pagkakaupo at inilagay ang maliit ko na bag sa likod ko. At akmang kukuha ng para sa akin ng makita ko na meron na sa harapan ko. Napatingin ako kay Jungwon at kumukuha ko ulit namg panibago. Napansin niya ata ang pag tingin ko sa kaniya kaya tumigil ito sa ginagawa at ngumiti sa akin.

" O bakit? Kain ka na."

Hindi ako nakasagot ng kahit anong salita, siguro hindi ko lang inaasahan ang ginawa niya..kung para sa iba napakaliit na bagay iyon pero para sa akin ang magawa yon ng taong gusto mo ay napaka halaga na. Dahil isa sa mga ipinagdadasal ko gabi-gabi na makasama ko siya kumain.

"Uyy, ayos ka lang ba?"

Napabalik ako sa wisyo dahil sa pagpitik niya sa daliri niya sa harapan ko, pumili ako ng ilang beses at kumuha ng kutsa para simulan ng kumain.

"Ayos lang ako, may naisip lang"

"Sino ako?"

"Huh?! Hindi ah!"Bakit naman kasi nanggugulat?! Baka mamaya masabi ko nga na Oo at siya nga yon.

"Ah sayang naman" medyo mahina ang pagkakasabi niya kaya hindi ko gaanong narinig.

"Anong sabi mo? Paki ulit mahina kasi"

"Sabi ko kumain ka na..dami pa kasing dada e."

"Oo na! Hmmph" nagsimula na kaming kumain, wala naman siyang naging comment sa binili ko siguro ay nagustuhan niya na rin naman.

"Masarap?" tanong ko.

"Hmmn, ayos naman...saka sanay na ako kumain ng ganito."

"Talaga? Nagustuhan mo?"

"Oo nga, lagi kaya ako nakain ng streets food sa labas ng school kasama ng tropa ko kaya masarap para sa akin toh."

Ang binili ko kasi-kagaya ng pagkakasabi niya..Street foods. Sensya ayan lang nakita ko na mura ang mahal ng iba e, Saka naalala ko meron nga palang Street foods sa labas ng school sa park bakit mall pa naisipan ko. Sabagay para sosyal. Kami nga ni Melon kahit lugaw lang ang kakainin gusto pa namin sa mall e, Wala lang trip lang namin magpalamig at mag sayang ng pamasahe. Charing lang para makagala na rin.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon