CHAPTER 12

35 4 0
                                    

MAYUMIE

Halos hindi ako maka - focus dahil sa nangyari kanina, sa tuwing ipipikit ko ang mata ko bumabalik lahat ng nangyari kanina...Jusko, paano ako haharap sa isang yon?! Another kahihiyan level 101.

Agad akong humiwalay sa kaniya, halos hindi ako makatingin dahil sa nangyari, napansin ko rin na ganoon rin siya pareho naming hindi inaasahan yon men! Ano sa palagay niyo magiging reaksyon namin?

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya gusto ko na lang lamunin ng lupa, "A-ah u-una na'ko Jungwon," sabi ko saka dahan-dahan naglakad para umakyat na.

"S-sige a-ako r-rin..bye." sabay kaming tumalikod sa isat isa, pumikit ako ng mariin at ikinuyom ang aking kamao upang pigilin ang emosyon na nararamdaman ko ngayon, basta hindi ko maipaliwanag.

Nagmadali na akong umakyat at nagtungo sa classroom medyo marami na rin sila kalahati ng klase at nandito na hindi ko sila pinansin at dumiretso sa upuan ko at pagkatapos ay tumungo, ganun lang ako hanggang sa dumating ang first subject namin ngayong araw.

Hindi ko naman alam na unexpected pala magiging first kiss ko, hindi man lang ako nakapaghanda dapat sa romantic na lugar yon e nangyari sa corridor, pumalumbaba ako sa desk...kamusta kaya si Jungwon baka mamaya dahil sa nangyari hindi na ako pansinin non.

"Okay get 1/4 shit..charot sheet kasi yon, now na." sabi ng tc namin sa Creative Writing, actually ano siya Ojt namin... Lalaki ito na medyo malambot kapag nagturo siya maintindihan mo talaga, kagaya ng utos kumuha ako ng papel sa bag ko isasara ko na sana ng makita akong isang itim na bagay..nang makita ko ito ng buo parang nabuhusan ako ng tubig ng biglaan.

Yung payong niya, nangako ako na ibabalik ko toh ngayon...paano ko pa ito ibabalik e nahihiya nga ako, alam kong dapat hindi ako mahiya kasi dream come true ang mahalikan ng crush mo at 'direct contact sa lips' pero malay ko ba kung nagustuhan niya. Kasi ako aminin ko man ng aminin alam kong nagenjoy rin ako.

Yawa Tama bn nga! May quiz kami! Erase Erase.

Natapos ang klase sa first subject at para sa next sub naman mukhang hindi na dadating may biglaang meeting daw ang teachers so panigurado wala na yon, naisip ko na ngayon na lang ibalik ang payong ni Jungwon para isahang ano na lang medyo hindi pa rin kasi ako maka get over sa...Magtigil ka nga Mayumie!.

Lumabas na ako para pumunta sa classroom niya sa baba kasi yon, kahit naman nasa ibaba sila ay hindi naman ganoon kalayo pagbumaba ka kasi bungad na agad classroom. Hello sila lang ang classroom sa ibaba noh mga higher students daw kasi need mag focus at walang destruction, tapos kapag kami ayos lang..na maingay.

Kumatok ako sa syempre sa pinto ng makarating agad ako sa classroom nila, bumukas ito at bumungad sa akin si Ella ang pinsan ni Melon na mukhang paa..ang judger ko, e medyo totoo naman.

Tinaasan ako ng kilay nito, "Bakit? anong ginagawa ng katulad mo rito?"

"Bakit bawal ba ako rito? Wala naman nakalagay ah?" lakas talaga neto!.

"Puwes ngayon meron na..bigyan niyo ko papel at marker!" utos niya sa lahat ng nasa loob, mukhang wala ring teacher ang mag ito at base sa nakikita ko sa likod mga nagkakagulo at nagiingay din ang Iba..typical students when they don't have a teacher around.

Nagsimulang magsulat ng kung ano si Ella sa papel at pagkatapos ay humingi ng tape, after niyang magsulat ay idinikit niya ito sa pinto at ang nakalagay 'NO LOWER SECTION ALLOWED' putsa!

"Ayan nakita mo na ah, lumayas ka na rito dahil naiirita ako sa'yo"

"Wag ka mag-alala mutual tayo ng nararamdaman...saka hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito." umirap ako dahil masyado akong nababadtrip sa ugali niya, ang layo talaga nila ni Melon.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon