CHAPTER 19 (Special Chapter)

44 3 0
                                    

ddoenu

Patuloy pa rin nilang inaasar si Melon at Ni-ki, bagay naman sila para sa'kin pero bakit parang ayaw sa kaniya ni Melon? Mabuti na yang may pinagkaka-abalahan siya kesa naman ako ang guluhin niya kapag nanonood ako kdrama.

" Puwede ba magtigil na kayo, wala na tayong naumpisahan oh..saka nababadtrip na ang girlfriend ko," sabi ni Niki.

"Whoooo!! Niki gumaganon ka pa ah!" narinig kong sigaw ni Heeseung hyung, natatawa na lang din ako sa pinag-gagawa nila e. Katabi ko si Daniel na tahimik lang na nag - susulat ng notes. Actually kanina pa nga siya tahimik, simula ng dumating si Melon at Yumie. Impossible na galit siya Kay Yumie kasi nakita namin sila nuong nakaraan na magkasama.

Baka ngayon magkaaway na sila? Oh Baka naman si Melon ang kagalit niya? Pero bakit naman? Ano ba yan kung ano-ano na pumapasok sa utak ko hindi na tama yung iba.

Kinalabit ko si Daniel, itinigil niya panandali ang kaniyang ginagawa at saka tumingin sa akin, " Ayos ka lang?" tanong ko rito.

" Oo naman, bakit naman magiging hindi" nag patuloy ulit ito sa ginagawa niya kanina, tch. Pero parang may iba talaga e, kapag magkakasama kami madaldal siya at wala siyang pakialam sa iba...pero bakit ngayon?

" E bakit ang tahimik mo?"

" May ginagawa ako e, gusto ko mag-focus," okay, kahit hindi ako naniniwala sa dahilan niya hinayaan ko na lang baka mamaya sa akin pa maibunton ang pagiging tahimik niya.

Hindi rin naman nagtagal ang pang-aasar nila roon sa couple, nagsimula na rin kami sa tunay na pakay namin ngayon. Nagpaalam muna ako sa kanila na kukuha ng pagkain sa pantry, muntikan na nga ako hindi payagan e mag-diet daw muna ako, ayoko nga mahirap tanggihan ang pagkain noh...aminin totoo yon.

Kumuha ako ng cheese ball, Isang jar na yung kinuha ko para kung sakali na gusto rin nila at isang pitcher ng tubig at mga plastic para madali ko bitbitin. Meron kaming mga plastic cups, paper plates at kung ano - ano pa, tuwing may birthday kasi ang isa sa amin dito na lang sa I-LAND ginaganap. Bukod kasi sa tinatamad lumabas kumpleto na rin naman kasi.

Pabalik na ako sa study room ng makita ko si Jake na papasok at hindi lang iyon may kasama ito, ang kaso hindi taga rito sa skwelahan namin... Sino naman kaya ito? Babae siya base na rin kasi sa uniporme na suot niya Iba ito kesa sa uniporme ng school namin, Saka mukhang katatapos lang ng klase nito at talagang dito dumiretso.

Lumapit ako sa kanila, " Jake hyung," napansin agad niya ang tawag ko, nakita ko si Goenu na medyo nagtataka rin kung sino ang kasama. Siya lang naman kasi ang tao rito sa leaving area at Isa pa siya talaga ang nakaassign sa security ng pinto ng I-LAND, siya ang tumitingin kung sino ang nasa labas, minsan naman si Hanbin hyung at kyungmin.

" Oh Sunoo ikaw pala," lumapit ito lalo sa akin at nakipag- fist bomb, tumingin ako sa kasama niya na mukhang walang kasiya-siya sa katawan hindi man lang siya namangha sa itsura ng I-LAND, wala kasi itong ekspresyon as in blanko lamang ito.

Nginitian ko ito at pilit na kumaway kahit marami akong dala, ngunit tiningnan lang ako nito, nakakasakit siya ng damdamin halos lahat kaya nacucutan sa ngiti ko, hindi lang ang ngiti ko buong 'ako' ang nagugustuhan nila tapos siya wala man lang sinabi o reaction.

Nakita ni Jake ang pagkaway kong iyon kaya, pumunta siya sa puwesto ng 'babaeng walang ekspresyon' ah basta wala naman siyang emosyon e okay ng itawag sa kaniya yan, o puwede ring ' Blanky' kayo ano mas prefer niyo?

" Ito nga pala si Nalie, sasama siya sa group study na'tin ngayon," sinubukan itong akbayan ni Jake kaso ang ending sinamaan lamang siya ng tingin nito, aba mukhang may mag-papatino na kay Aussie boy ah.

" Nice to meet you Nalie, Ako naman si Sunoo," inilahad ko ang kamay ko na may hawak na plastic cups, bumaba ang tingin niya sa mga cups na hawak ko kaya ibinaba ko muna ito sa mini table, Oo nga naman syempre hindi siya makiki pag-shake hands may hawak ka e, Naku naman ddoenu. Ibinaba ko na rin ang cheese ball at ang pitcher na dala ko.

" Nice to meet you, " Ayun lang ang sinabi niya matapos mag-shake hands, hindi pa rin ito ngumingiti. " Tara na sa Study room, para makapag-review na rin kayo," kinuha ko ng muli ang mga cups at ibang bit it ko kanina sa mini table, lumapit rin si Jake at tinulungan ako na magbuhat.

Mamaya ko na lang siya tatanungin kung saan niya nakilala si Nalie, kasi kung ngayon ko tatanungin baka isipin niya na pinaguusapan namin siya. Mas maganda ng wala na siya rito kapag ginawa namin yon.

Nang makarating sa study room ay kagaya ng reaksyon ko kanina at ganun din ang Iba, nagpakilala rin sila sa Isa Isa Kay Nalie, ibinaba ko na ang mga dala ko at inalok din sila. Sarap nga pagbabatuhin e, pinipigilan ako kumain pero sila nangunguna kumuha ng inalok ko.

Bigla kong naalala na may kukunin rin pala akong libro na gagamitin ko, dahil busy naman sila sa pag-rerewiew kuno or Mas magandang sabihin kausapin at magtanong-tanong ng kung ano kay Nalie, tapos na kasi kaila Niki at Melon etong dalawang bago naman.

Nagtungo na ulit ako sa library ilang shelf na rin ang napuntahan ko pero hindi ko pa rin mahanap ang libro na kailangan ko, kahit kasi may mga placard na kung anong mga libro, Naku sinasabi ko na wala sa ayos minsan ang mga yon halo halo na kumbaga, swerte ka kung nandoon pa rin ang kailangan mo at hindi naalis.

" Bakit kasi hindi nila inaayos toh e, badtrip naman," nag patuloy pa rin ako, at sa pag hahanap ko may hindi inaasahang masasagap ang aking nga mata. Binalik ko ang dinaan ko para makumpirma at hindi nga ako nagkakamali sa nakita ko kanina.

Oh my ghad may beautiful eyes!!!

Si Jungwon at si Yumie?! Akala ko ba?

Napasinghap ako at umatras na, sa pag-atras ko ay may natamaan pa akong shelf kaya na hulog ang dalawang libro na nakalagay roon. Dali dali akong tumakbo at nagtago sa ibang shelf na malayo sa kanila.

" Whoo, muntik na yon ah," pinunasan ko ang noo ko kahit wala naman pawis roon, feeling ko lang meron. Sa mga nasaksihan ko kanina hindi ko sigurado kung kaya ko pa yung ibroadcast sa iba, at saka baka magalit pa kaya mananahimik na lang ako.

" Anong muntikan? " halos mawala ako sa balanse dahil sa nagsalita, nakita ko si Sunghoon na tumitingin sa mga libro, nandito pala toh? Kanina lang nakikigulo siya kaila Nalie ah...or baka hindi ko lang din napansin.

" Wala, may nasanggi kasi akong shelf muntikan na akong malaglagan ng libro...buti nakaiwas ako," kalahating kasinungalingan kalahating katotohanan, siguro naman paniniwalaan na niya yon.

" Hmmn, Sigurado ka?" binigyan ako nito ng mapanuring tingin.

" Oo nga, kulit mo bilisan mo na riyan at sabay na tayong bumalik, " sumunod naman siya kaagad, sabay kaming bumalik sa mga kasama namin.

Nakita ko na nakabalik na rin sila Jungwon, magka-tabi sila pero parehong tahimik. Anong nangyari? Parang kanina lang ...

Haysst! Sunoo! Sunoo! Mag review ka na lang, huwag nang makichismis. Nag simula na ako gumawa ng reviewer na maari oong gamitin para sa exam hinayaan ko na lang rin yung librong hinahanap ko kanina, saka na lang siguro marami pa namang araw.

Nakaramdam ako ng gutom, nang hanapin ko ang Isang jar ng cheesy ball ko ubos na ito. Hay! Mukhang aalis na naman ako... Napailing na lang ako at muling nagtungo sa pantry.

*****************************

*****************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💜

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon