CHAPTER 9

35 2 2
                                    

MAYUMIE

Nakakahiya!!!

Nagpipigil pa rin ng tawa si Melon sa harapan ko, Samantalang ako gusto ko na tumakbo paalis at huwag na magpakita kahit kanino. Bakit ko ba kasi sinabi yon? Anong pumasok sa utak ko? Oo alam ko pangarap ko mangyari yon pero hindi yung ganito!. Pinanlakihan ko ng mata si Melon hudyat na pinapatigil ko siya sa ginagawa niya pero walang pakialam ang gaga.

Kaya bumuntong hininga muna ako at ipinikit ang aking mata saka dahan-dahan akong lumingon sa taong nasa harapan ko, nakita ko si Jungwon na may nakapaskil na nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

"Jungwon ikaw pala " binigyan ko ito ng pekeng ngiti dahil hindi ko alam kung kaya kong bigyan ng genuine smile ang Isang ito ngayon.

"Hindi ko alam na tayo na pala..akalain mo yon instant relationship." Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito.

"Pfft!" tiningnan ko ng masama si Melon dahil mukhang walang tumigil ang Isang ito. Pag nakita ko talaga si Niki nakuu!!!

"A-ah tungkol doon...wala yon! Joke joke lang yon hehe." napakamot ako sa batok ko para maibsan ang awkwardness and at the same time kahihiyan na nararamdaman ko.

"Walang joke joke nasabi mo na e."

"W-woi H-hindi nga pramis!"

"Hindi puwede yon dapat panindigan mo."

"Si Melon kasi yon.."

"Bakit ako nasali riyan, hawak ko ba bibig mo?," biglang sabat ni Melon. Sarap talaga sabunutan ng isang ito e!

"Huwag mo pansinin si Melon, lumapit ako sa kay Jungwon saka bumulong." siya kasi yung tunay na may boyfriend. "

" Hindi ako naniniwala, bakit ayaw mo ba akong maging boyfriend? " hindi ko inasahan ang tanong niyang iyon, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alangan naman na umoo ako gagi kahit gusto ko sabihin yon ay hindi naman puwede dahil alam kong binibiro niya lang ako sa mga oras na ito.

Kaso dahil kay Melon mukhang mapapaamin ako ng maaga " Syempre Oo Yan!" bigla na naman sumabat si Melon.

"Oh kaibigan mo na nagsabi, aayaw ka pa."

"Actually hindi ko talaga kaibigan yan, wala akong kaibigan na ganiyan." sa totoo lang dama ko yung awkwardness, hindi ko na nga alam saan patungo itong usapan e. " Pero huwag mo sana seryosohin yung sinabi ko kanina, medyo naano lang ako hehe...sensya na. "

Ngumiti si Jungwon at pagkatapos ay pi'nat niya yung ulo ko sa pangalawang pagkakataon hindi ko na naman inaasahan yon, sa simpleng galaw niya lang naghu-hurumintado na agad ang kalamamnan ko.

" Binibiro lang kita" Sabi niya. Expected ko na rin naman yon...pero medyo masakit pa rin. Hindi pa ngayon, hindi pa ito ang oras. At ang pagkakaroon ko ng plano ay medyo nawawala na rin sa utak ko, mas gugustuhin ko na lang na mapalapit kami ng hindi plinano kumbaga pure walang halong kung ano.

"Hehe..sabi ko na joke joke lang e."

"Mauna na ako sa'yo, tinatawag na ako ng mga ka tropa ko."

"Sige ayos lang." ngumiti ulit siya at pagkatapos ay tuluyan ng umalis. Naramdaman kong may pumatong na braso sa balikat ko.

"Ano aasarin mo pa'ko?" si Melon. Tsk.

"Yon ang akala ko, makita ko lang talaga yung si Niki lagot ka sa'kin"

"Edi lagot, as if naman natatakot ako."

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now