CHAPTER 10

33 2 1
                                    

MAYUMIE

Muntikan na!! Buti nalang nakagawa agad ako ng paraan...dahil kung hindi nakuuu!!hindi ko na talaga alam kung paano haharap sa isang yon. Hanggang sa makauwi ako sa bahay hindi ako mapakali hindi ko alam kung bakit nakakainis!! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tuluyan na ba akong nabaliw?

"Hoy kanina ka pa tulala anong problema?" tanong ni Ate Mauwee, nanonood kasi kami ngayon ng T. V. Mga telenovela na paborito ni Mama, ganito talaga kami kapag gabi sama-samang nanonood sa sala minsan kapag wala ako sa mood hindi ako nakikinood yung iba naman kung hindi nasa trabaho may ginagawa ring Iba.

Umiling ako " Wala may iniisip lang ako"

"Sino boyfriend mo?..umayos ka Mayumie ah gusto mo gumaya sa'kin?"

"Hindi, hindi ganun wala akong boyfriend." Hindi nga ako makaamin e, tapos magkaka-boyfriend pa?

"E ano? Mula ng dumating ka kanina..ganiyan ka saglit," tumayo si Mauwee sandali at pumunta sa kusina pagbalik niya ay may hawak na itong.. "Oh ice cream."

Agad na nagning-ning ang paningin ko syempre sinong hindi matutuwa sa ice cream tapos 'Dan Eric' pa. Yung binigay ni ate is yung small para siguro marami at para sa lahat.

"Salamat ate."

"Hmmn,ngayon magsabi kana anong problema? Umamin ka na..sa school mo ba yan?" tanong nito habang binubuksan ang ice cream niya. Well sort of..pero syempre hindi ko sasabihin yung Jungwon ano.

"Sa mid terms kasi malapit na, baka hindi ako makapasa sa exam." kasama rin naman yon sa pinoproblema ko sa totoo lang kaya hindi rin masasabing nagsisinungaling ako.

" Hay, ano naman kung hindi ka makapasa sa exam atlis kumpleto sa project." Pati nga project hirap ako e, yung totoo pampagaan ba yon ng loob? grabe effective ah *insert sarcastic tone*.

" Salamat teh, gumaan pakiramdam ko."

"Sus, wala yon..basta Ipasa mo lang mga outputs mo pasado ka dyan."

"Kaya ba ate hindi ka pumasa kasi ganun ginawa mo?" Isang batok ang natanggap ko dahil sa sinabi kong yon. "Aray ate ah!"

"Shh, ano ba yan..nanonood duon kayo magsigawan." saway ni mama, at pagka tapos ay bumalik na ulit sa panonood sinimangutan ko si ate Mauwee.

"Si ate kasi.." tinaasan ako ng kilay ni na wari mo'y dapat lang yon sa'kin tch. Nanood nalang ulit ako at hindi na siya pinansin hindi rin naman nagtagal dahil nagpunta na rin ako sa kwarto ko, Saka wala rin naman ako magets sa pinapanood nila.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama, Bumalik na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina kahit hindi ko isipin pilot kong naalala....

"...Wag kang magalala gusto rin kita"

"Anong sinasabi mo?" Hindi ko masyadong pinansin yung sinabi niya, kahit ang totoo ay naghuhurimintado na ang nararamdaman ko.

"Sabi mo gusto mo'ko kanina.." siguradong sigurado na sabi niya, tch paano ba toh?

"A-ah yon ba? Oo gusto kita." lumiwanag ang itsura dahil sa sinabi kong yon, "na maging kaibigan." matapos ko sabihin ang katagang yon ang kaninang maliwanag na mukha ay unti unting nawalan ng kulay.

"A-ah kaibigan..." napansin kong may binulong ito, pero hindi ko na lamang yun pinansin dahil tumingin ulit siya sa akin saka ngumiti, "Ako rin yun yung gusto ko maging kaibigan ka."

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now