CHAPTER 30 (Special Chapter)

41 3 0
                                    

Jake's Birthday

Sunghoon

Namimili ako ngayon kasama si Sunoo ng regalo para kay Jake, Ewan ko nga kung ano ireregalo sa isang yon e halos naman na Ata meron na siya ano pa bang ibibigay ko?

Nakatingin ako kay Sunoo tumitingin siya ng mga kung anong anik-anik. Nasa national bookstore lang naman kaming dalawa. Hindi ko rin alam kung anong naisipan ni Sunoo at dito kami dumiretso imbis sa bilihan ng mga damit or something na pedeng ilang regalo kay Jake.

" Ano bang hinahanap mo? Tanong ko, kasi kanina pa siya diyan ang dami ng nakalagay na ibat Ibang materyales sa basket niya.

" Kulang pa kasi ng mga pan design...ayan nahanap ko na, Tara bayaran na natin, " Aya niya at pagka-tapos ay nauna na papuntang counter.

"Ano bang gagawin mo sa mga yan? Ang kailangan natin regalo hindi school supply," sabi ko habang nakasunod sa kaniya. Tama naman anong mapapala ni Jake sa mga colored paper at Iba pang pang-design na binili ni Sunoo.

" Eto ang regalo ko sa kaniya, saka hindi mo ba alam ang salitang effort? Syempre gagawa akong card gamit ang mga ito." Sabagay, atlis yan wala pa siya...wala pa nga ba? E sa sobrang daming babaeng nagkakagusto sa isang iyon panigurado marami na rin siyang natanggap na ganan.

" Oo na, matatapos mo naman kaya e birthday na niya bukas?"

" Mabilis na lang yan," Hindi na kami nagusap after nun kasi siya na yung sunod sa counter na magbabayad.

Habang nagbabayad si Sunoo ay nagpasya muna ako na maglibot sa loob ng national. Baka sakaling may mahanap naman akong puwedeng iregalo rito. May pumasok na babae sa loob ng bookstore noong una hindi ko ito pinagtuunan ng pansin kasi nakatalikod ito sa banda ko.

Pero ng humarap ito at nakita ko ang kaniyang kabuunan ay gusto ko nalang kainin ng lupa para hindi niya ako makita.

Ang babaeng yon!!!!

Hindi na ako makapag-isip ng ayos dahil ang mahalaga lang sa akin ay makalayo sa baliw na babaeng iyon. Shit! Shit! Kapag nakita ako noon katapusan ko na.

Nakita ko si Sunoo na patapos na sa pagbabayad kaya todo ang tago ko at hindi ko hinayaan na makita o masulyapan man lang ako ng babae ng iyon. Masyado na kasing baliw ang babaeng yan, minsan nga iniisip ko kung coincidence lang ang pagkikita namin sa isang lugar or sinasadya na niya!.

Tsk, Iba kasi talaga kapag gwapo. Hayssttt!.

Masyado kasing good mood ang diyos ng ginawa ako kaya ayan tuloy. Nayuko lang ako at nagpatuloy sa pagpunta sa direksyon ni Sunoo. Nang makarating sa counter ay sakto namang tapos na talaga siya.

Kinuha ko na kaagad ang mga pinamili niya at hinatak na ito patakbo, palayo sa national bookstore. Palayo sa babaeng yon!.

Nang makalabas ay binitawan ko na si Sunoo at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Hindi rin naman siya tumigil kaya mabuti na rin yon.

" Ano bang meron at bigla kang tumatakbo?" tanong nito ng makahinto kami sa isa sa mga store rito sa mall. Hinihingal pa ito mula sa pagtakbo.

" Yung babaeng baliw na sinasabi ko sa'yo... Nasa national bookstore kasi..."

Kumunot ang noo niya, " Manliligaw mo? Sira napaka assuming mo naman, Malay mo may bibilhin siya roon," kinuha nito ang mga paper bag na hawak medyo nagusot yung Ibang parts nun kaya sinamaan niya ako ng tingin.

" Anong assuming sigurado ako roon na ako ang sinusundan niya...ilang beses na nangyari sa akin yon noh, " totoo naman e, minsan nagugulat na lang ako nasarapan ko na siya.

" Napaka hangin mo, tingnan mo sa sobrang lakas ng hangin mo napadpad tayo sa pet shop...hayop ka kasi e, " kung hindi ko lang talaga naa preciate pag sama sa akin nito kanina ko pa toh sinipa paalis e.

"Mas mukha kang Hayop," pero mukhang hindi naman siya tinamaan kasi nag-make face lang ito.

Tumingin ako sa pet shop na napuntahan namin, bigla kong naisip si Layla na...hmmmn, mukhang alam ko na kung anong ireregalo ko kay Jake. Oo na pasalamat na rin ako sa babaeng yon kasi nakaisip na ako ng ireregalo sa kaibigan ko.








Ngayon na ang araw ng birthday ni Jake, call time is 7:00 pm ng gabi. Pero dahil matino kami Alas tres pa lang nandito na ang Iba sa amin inaantay na lang namin ang Iba na dumating.

Bago kami pumunta sa restaurant na sinasabi ni Jake at tumambay muna kami sa stall ng mango shake, malapit yun sa entrance. Bali ang nandito ay sina Niki, Goenu, Jaeho si Sunoo, Jaebom at Taeyong.

Kami kami pa lang si Jungwon at si Jay ay malapit na daw sila. Habang naguusap yung iba ay ang nagmamasid lang ako sa paligid. May nakita akong pamilyar na mukha na naghihintay rin sa entrance. Sa mismong entrance.

Si Tristan...sa pormahan niya ngayon na naka tux ay mukhang may dinner date ang isang ito. Close kami dati actually lahat ng nasa Iland dahil kabilang siya roon, kaso ng umalis siya sa Iland ng walang dahilan ay kahit kailan ay hindi na namin siya nakausap.

Naging mailap siya sa amin. Lalapitan ko sana ito para kamustahin ay hindi na natuloy dahil sa babaeng lumapit rito...teka si Yumie yon ah.

Siya ang ka-date ni Tristan?

Naglakad na sila ng sabay papasok, malayo ang agwat nila sa amin kaya hindi nila kami napansin, lumapit sa akin si Niki siguro nakita niya rin ang nakita ko.

"Si Mayumie ba yun?"

"Malayo, baka kamukha lang ni Yumie," sabi ko. Tama, Baka namalikmata lang ako. Napailing na lang ako at nakipagusap na lang rin sa kanila.

Hindi rin naman nagtagal ay dumami na rin kami, yung kalahati ng Iland ay mamaya ang dating hindi naman daw kasi sila excited. Dami nilang alam.

Papunta na kami sa restaurant na sinabi sa amin ni Jake kahapon pa daw siya nagpa reserve kaso dahil 7:00 pm pa nga ang reservation ay naupo na lang kami sa available na table na naroon.

Marami namang available e, doon kami naupo sa kakasya kaming lahat. Sa sobrang mahal wala gaanong napasok, masarap naman kaya ang pagkain?

" Na Handa niyo na ba mga regalo niyo?" - K

"Oo naman, ikaw lang naman wala" - Goenu

Abnormal talaga ang Isang ito, katabi ko si Jungwon at si Heeseung. Katapat ng table namin ang VIP glass lang kasi ang pagitan kaya makikita mo talaga kung sino ang nasa loob. Mamaya kami naman ang nasa loob.

"Lol, akala mo naman napakaano ng regalo mo," - K

"Talaga mas mahal pa sa buhay mo," - Goenu

Basta talaga asaran walang inuurungan itong si Goenu e, sa totoo lang kami ang pinaka maingay sa lahat ng nandito sa loob pero wala kaming pakialam. Hintay na lang namin na paalisin kami mas masaya yon HAHAHHAHAHAHAHHAHA.

" OH diba yung babaeng payong yun?" lahat kami napatingin sa sinabi ni Goenu, now sigurado na ako na si Yumie nga talaga ang nakita ko. Kasama niya si Tristan at mukhang pinapa-kilala ito sa mga magulang niya.

Biglang tumayo si Jungwon sa puwesto niya, kaya lahat rin kami ay natuon ang atensyon sa kaniya.

"N-Nakalimutan ko pala sa kotse nila Jay yung regalo ko kay Jake...K-Kunin ko lang," Hindi na niya kami pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglabas.

"Makakalimutin din talaga ang isang yon," naiiling na sabi ni Sunoo, nagaalala rin ang itsura niya parang may alam siya sa inakto ni Jungwon kanina pero idinahilan niya na lang ang pagiging makakalimutin nito.

Pero sa inakto niya kanina at sa reaksyon niya ng makita niya si Yumie na kasama si Tristan ay parang may iba talaga.

Hindi kaya...

Hindi ko mapigilan mapangisi na lang, mukhang alam ko na rin ang kasagutan sa tanong ko.

**********************************
💜

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon