CHAPTER 40

48 5 1
                                    

MAYUMIE

Nalalapit na ang araw ng 'SCHOOL FESTIVAL' As usual kailangan ng magisip ng bawat section ng gagawin nilang booth para sa event na yon, and mostly may mga taga Ibang schools ang puwedeng pumunta sa school at puwedeng maki celebrate. At syempre may premyo na naman sa mananalong booth, ang teacher namin sa creative writing ang nagsabi niyan... May pa contest na naman siya!! Samantalang Yung last na about sa acting chuchu hanggang ngayon wala pa rin balita kung sino nanalo! Sayang lang ang pagacting ko roon tss.

Nasa harap si Cindy ngayon, of course "PRESIDENT" ang kailangan sa pagoorganize ng aming gagawing booth, basta ako tahimik lang sa gedli, " So Any Ideas para sa gagawin nating booth? Masyado ng common ang Cafe I'm sure gagawin na yun ng iba.."

Nagtaas ng kamay si Ashley, " How about a restaurant? But a twist, ang mga boys ang magseserve and they will wear a girly outfits like skirt and wigs, " napatingin ako Tristan, imagine kung magsusuot siya ng ganun? HAHAHHAHA EPIC!

" Wag! Maninira pa kayo ng puri, Hindi kami papayag!, " si Miko yun. Biglang tumayo sa upuan niya at sinabi yan, at dahil suportado siya ng Aports niya sumangayon din sa kaniya kaya lahat ng boys ay sumangayon din, " Ganito na lang what if we held a mini concert? Tapos lahat ng magagaling kumanta at sumayaw sa section natin ang magpeperform?" si Caleb. Sasangayon na sana ang lahat kaso biglang umapila si Cindy.

" Maganda sana yang suggestion mo Mr. Hernandez pero nakilimutan mo na ba na yang suggestion mo ay gagawin ng school? May mini concert na tayo and in fact kasama kayo doong apat...kaya magisip ka ng Iba dahil kung hindi yung suggestion ni Ashley ang gagawin natin," mukhang magiging final na yun ah. Wala rin naman akong magiging tulong sa pagiisip ng magiging booth e I'm sure naman na kaya na nila yan.

" Corny naman! "

" Lalaki ako pag susuotin niyo palda?! Hindi na lang ako papasok. "

" Bahala kayo diyan, "

" Magisip na lang kasi kayo ng Iba,"

And many more murmurs ang aking naririnig, kung ayaw nila ng suggestion ni Ashley edi isip sila dinaig babae pa ang babae kung magreklamo tss. Kinalabit ko si Tristan na kanina pa tahimik.

" Uyy, Ayos ka lang ba? Bat ang tahimik mo? " medyo natauhan naman siya at mukhang nabalik na sa reyalidad, ginulo niya ang buhok ko at ngumisi. Pero alam kong hindi yun yung ngisi na lagi niyang pinapakita, medyo may kakaiba lalo na sa mata niya hindi ganoon ka liwanag naka dark mode ata, charot haysst puro ako biro ano ba yan.

" Concerned ka boss? Tch kikiligin na ba ako?" imagination ko lang pala ang sinabi ko dahil mukhang wala naman nagbago sa kaniya. Napaka make face ako dahil sa sinabi niya.

" Ano sinasabi mo? Naiirita lang ako kasi mukha kang wala sa sarili...sino ba iniisip mo?"

" Ikaw," Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa kaniya, Tama ba narinig ko? Napagtanto niya ata yung sinabi niya kaya tumawa ito at pagkatapos ay kinurot ako sa pisngi agad ko namang hinawi yun, paborito niyang gawin yan.

" Ang ibig kong sabihin...A-Ano, Ikaw ba may iniisip kang kakaiba ngayon? Mukhang nababaliw ka rin kasi, H-hehe," may tinatago talaga ang lalaking ito e. Pero hayaan na nga masisiraan lang ako ng bait dahil sa kaniya.

" Ah talaga ba?," sabi ko at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng sarkastiko. Kung may tingin mang ganun-edi wow, kayo ba bahala mag imagine okay?

"Boss naman, hindi ka talaga mabiro...lagi kang seryoso e," nakapout pa ang loko akala mo naman ang cute.

" Tama na nga, makinig na lang tayo sa meeting 'kuno' pero excited akong makita kang nakawig at skirt HAHAHAHHAH," natatawa talaga ako lalo kapag naiisip ko yun, napailing na lang ako at iniwasan na matawa pa ulit.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now