CHAPTER 27

28 4 0
                                    

MAYUMIE

Hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko, hindi ko rin kasi talaga alam kung ako bang ginawa ko para maging ganoon siya. Gusto ko siya sundan kaso baka Mas nasaktan lang ako lalo kung gagawin ko yon.

Yumuko ako at pagka-tapos ay tumalikod na, uuwi na ako. Baka sakaling mawala tong nararamdaman ko kapag nakapag-isip. Saka baka badtrip lang siya ngayong araw iintindihin ko na lang. Kaso nakaka-sakit talaga siya.

Nasa labas na ako ng mall ng maisip ko na sa sea side na lang tumambay, mas okay na siguro kung titingin muna ako sa dagat medyo peaceful kung doon muna ako tatambay. Nang makarating roon ay umupo na agad ako sa mga available na benches at pinanood ang paglubog ng araw.

May karapatan naman ako siguro masaktan ano? Or masyado lang akong nag o-overthink?. Napabunting hininga na lang ako, anong gagawin ko? Hindi ako mapapakali kung ganoon siya.

" S-sorry," biglang may nagsalita sa likod ko. Dahan-dahan ko itong hinaharap at isang nakayukong Jungwon ang bumungad sa akin.

" Jungwon..."

" Sorry...sorry sa ginawa ko kanina, Alam kong hindi ko dapat ginawa yon kaso..." Hindi niya nagawa pang ituloy ang sasabihin niya, nag intay ako ng ilang minuto pero nanatili siyang tahimik. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganun ang akto niya kanina pero ayoko naman siya pilitin.

Ngumiti ako para mapanatag siya, tinapped ko yung espace sa tabi ko napansin niya naman kaya umupo siya sa tabi ko.

" Ayos lang yon ano ka ba, Baka badtrip ka lang talaga kanina...hindi lang ako sanay," muli akong humarap sa dagat. Kung kanina ay makikita mo pa ang araw ngayon naman ay ang unting liwanag na lang nito ang makikita.

" Pero Sorry pa rin talaga, hindi-"

" Hay, Jungwon kapag nag-sorry ka pa baka magalit talaga ako."

"So-" tiningnan ko siya ng masama, kasasabi lang e.

Marahan siyang natawa, " Sige hindi na, basta hindi ka galit ah?"

" Hindi nga, na shocked lang ako...yun lang," nginitian niya ako. Mas gusto ko makita yung ganiyang Jungwon kesa yung nakita ko kanina mas hindi ko gusto yon.

Masyadong masakit kapag na ulit ang nangyari kanina...hindi ko Alam kung kakayanin ko kasi masyado ka ng napalapit sa kin e...sobra na yung nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko man masabi sa'yo yon ng harapan ngayon pero sana kung sakali man na hindi mo tanggapin yon, sabihin mo na lang ng harapan. Mas magandang ganun na lang kesa iwasan mo ko at parang wala lang kapag nasa harapan mo.




" Boss, sorry na...bakit ka kasi umalis agad," kanina pa yan. Sorry lang ng sorry dahil sa nangyari nung weekend.

Buset nagutom lang ako roon.

Hindi ko pa rin siya pinapansin, actually wala naman na sakin yon e. Trip ko lang siya hindi pansinin bakit ba? Saka inis pa rin ako doon sa Riesha, fiance niya yon kaya damay na rin siya. Bahala siya diyan.

" Boss naman e, ilang sorry pa ba? Luluhod pa ba ako?"

Tiningnan ko siya at pagka-tapos ay bumalik ulit sa ginagawa ko, gumagawa kasi ako assignment namin sa GenMath Ewan ko ba bakit ang daming pakulo ng math hindi pa ba sapat ang apat na basic kailangan talaga pakumplikaduhin pa.

Tapos dumagdag pa ang Isang ito, hindi tuloy ako maka-focus. Dahil vacant ngayon hanggang mamayang lunch nag-decide ako na gumala na lang I mean doon ako sa peaceful which is yung garden na pinakita ni Jungwon sa'kin. Sabi niya puwede naman daw ako roon.

I'll Tell You Sooner YJW: auDove le storie prendono vita. Scoprilo ora