CHAPTER 25

30 3 0
                                    

MAYUMIE

Lakas talaga ng Tama!!!!

Anong ginagawa niya rito? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Stalker lang? Napadaan? O anak ng mafia boss kaya may connection sa lahat.

Okay, medyo OA tayo sa part na yon.

Tinignan ko ang buwisita namin ngayon at aba ang loko feel at home. Mamaya toh sa'kin! Lintik na, hindi ko talaga alam kung bakit siya nandito wala naman akong alam na may balak yan pumunta sa bahay namin.

Pumunta sa harapan ko si Lia, medyo umupo ako pero nakatungkod ang isa kong paa para makapantay ko siya.

" Ate, Boyplen mo?" tanong nito, kung nagtataka kayo kung bakit ate ang tawag nila sakin imbis na tita. Dahil sa kadahilanang gusto ko lang bakit ba? Nakakatanda ang tita for me. And Oo out of nowhere sinasabi ko toh.

Umiling ako, kasi hindi naman talaga!," Hindi, Iba gusto ni ate Yumie hindi yan,"mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko.

" that's not won? " Hindi niya kasi mabanggit ang buong name ni Jungwon kaya hanggang won lang siya.

Tumango ako sa kaniya, bumalik siya sa sala at hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa dahil bigla niya hinampas sa hita si Tristan, yes ayan ni-reveal ko na ang buwisita namin ngayon. Ang abnormal na moody na si Tristan Wang.

Pero balik tayo..

" Lia bakit mo hinampas ang bisita ni Ate Yumie mo?" biglang tanong ni Ate Mauwie, lumibot muna ang tingin ko sa paligid ang nasa sala ay si Ate Mauwie lang buti nalang wala ang dalawa ko pang tito kundi baka isipin nila na ito si Jungwon at Pati si Mama ay wala nasa trabaho pa.

"Sungaling siya!" sigaw ni Lia habang naka-turo kay Tristan mukhang may sinabi itong mali kay Lia, buti nga!

" What did I do?" tanong ni Tristan.

" Hindi kaw, boyplen ate Yumie! Hindi kaw si Won!"

Kumunot ang noo ni Tristan at di kalaunan ay nagets din ang sinasabi ni Lia, bago pa may masabing Iba ang gunggong ay lumapit na ako sa kanila. At lumapit kay Lia.

" Ate, pakikuha nga si Lia at kakausapin ko lang bisita natin ngayon. "

" Mabuti Pa nga at kanina pa yan Naghihintay sa'yo, manliligaw mo ba yan?"

"Hindi ah!"

" Hmph, defensive sige na kausapin mo na yan si..."

" Tristan po, Tristan Wang" nakangiti pa ito habang sinasabi ang pangalan niya.

" Si Tristan at magluluto lang ako hapunan," Nagpunta na ito papuntang kusina habang pinagsasabihan si Lia na huwag gagawin ang ginawa niya kay Tristan kanina sus, dapat lang yun noh.

Tumingin ako Kay Tristan at pagka-tapos ay sinamaan ito ng tingin yung ano nakakamatay," Anong ginagawa mo rito hinayupak ka? At Paano mo nalaman bahay ko?"

"Chill ka lang boss.."

" Paano ako magiging chill? Sige nga?" gusto ko siyang sigawan sa totoo lang pero nandito ako sa bahay at hindi ako Puwede maging bayolente ng dahil sa isang ito. Kaya nagiging malumanay at ako hanggat maaari kahit na malapit na malapit na ako sumabog.

" I have my ways okay? Saka need ko kasi ng tulong mo.." na tahimik ako bigla, tulong?

" kailangan ko ng tulong mo kasi Magkakaroon ng family dinner ang pamilya ko sa weekend, kailangan ko ng kasama roon..."

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now