CHAPTER 1

99 5 1
                                    

MAYUMIE

"Ayaw mo kasing makinig sa akin Ayan tuloy." saway sakin ni Melon, anong magagawa ko e masyado akong naexite. Nakakahiya tuloy HUMARAP doon ngayon.

"Naku talaga, kung nakita mo lang istura mo kanina halos tumulo na ang laway mo habang nakatingin kay Jungwon HAHAHA"

"Tigilan mo nga ako Melon, Saka nakakatulo naman talaga ng laway ang isang iyon."

"Ay shala hindi talaga tinanggi, Iba ka!"

"Bakit ko itatanggi kung totoo naman, saka first time mangyari sakin yon noh."

"Ang alin ang makabangga? Sira matagal ka na talagang lampa...first time daw."

Binatukan ko nga. Parang baliw e alam niya naman ibig Kong sabihin kung ano-ano pa sinasabi.

"First time ko maka harap ng malapitan ang Jungwon ng buhay ko."

"Ang sakit ng batok mo ah pa salamat ka injured yang puwet mo pag ako nainis dadagdagan ko yan,Jungwon ng buhay ko? Bakit kilala ka ba non?"

Natahimik ako dahil doon, sa tagal kong may gusto sa kaniya ngayon niya lang ako napansin sa Isang nakakahiyang sitwasyon pa. Naiinis ako sa sarili ko hindi naman sana ganon ang nasa panaginip ko pero ganun ang nangyari.

" O bakit Natahimik ka? Napagtanto mo na wala kang pagasa? Sabi ko naman sa'yo e malabong magustuhan ka rin non, hanap ka na lang iba."

"Sinong may sabing titigil ako? Sign na yong nangyari kanina noh kailangan ko lang ipagpatuloy, dapat gumawa na siguro ako ng mga plano Para sa magiging soon to be boyfriend ko."

Hindi ko mapigilang hindi kiligin habang sinasabi ang mga kataga ng 'Soon to be boyfriend" kasi sa tagal kong nag hintay na mapansin ako ng lalaki ng anghel na iyon ay napagbigyan na rin ako ng diyos sa kinatagal tagal kong ipinagdarasal yon.

"Iba na talaga tama mo doon e noh? Ano bang na kain mo at nagustuhan mo ang isang yon?"

"haysst, ilang beses ko na sinabi diba? Hindi mo pa rin alam... Badtrip ka."

"Bakit boses ko nga ayaw mo alalahanin e tapos ayan alalahanin ko? No way, alamin mo muna boses ko bago ko bigyan ng pansin yang Jungwon ng buhay mo."

"Wag na pala kahit wag mo na pansinin baka mamaya agawin mo pa-Aray!"

Sinabunutan ba naman ako ng bruha! Punyawa talaga ang Isang ito!.

"Shh! Ano ba yan?!" saway noong tindera dito sa canteen pero dahil maaarte tao sa skwelahan na ito cafeteria daw, akala mo naman ang sasarap ng tinda e mas masarap pa nga luto ng nanay ko dito e.

"Sorry po" paghingi ko ng tawad, inirapan lang ako! Tss, nakuuuu malapit na ako matapos noh 2 years na lang!. Hindi ko na rin kayo makikita ang pa-panget niyo

"ikaw kasi e, Ayan tuloy"

"E bakit ako sinisisi mo, kanina pa nga yan nagchichismisan mas maingay pa sa atin tapos siya pa galit, sumbong ko yan sa tito ko e."

"Baka nga pakinggan ka non? E Isa rin yang tito mo e"

Tito niya kasi ang principal ng school na ito kaso dahil hindi naman sila close at anak ng tito niya ang isa sa mga feeling matalino o feeling magaling pero ang totoo "Bobo" rin naman hindi niya rin ito nakakausap at masama ang timpla nito kapag nakikita ang Winter Melon o kung sino mang miyembro ng pamilya nila. Parang others.

"Sabagay ang hirap talaga kapag maganda hindi ka pinapansin, haysst! Lakas kasi ng Tama niyan ni Tito e feeling din kagaya anak niya."

"Hayaan mo na, akala mo naman mga nasa teleserye ang buhay ng nga iyan."

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon