CHAPTER 21

44 3 0
                                    

MAYUMIE

Fire Alarm!!!! May sunog?!!!!

Biglang bumukas ang sprinkle ng room at halos lahat ng esudyante ay nagsimula ng mag-panic, halos lahat rin ng mga test papers ay nag-simula ng mabasa, maging ang mga suot naming uniform.

Gusto ko mag-wala na ewan dahil sa saya at kalahati naman dahil alam kong may kapalit ang kasiyahan na ito, kinuha ko na ang gamit ko at handa na sanang tumakbo paalis ng mahagip ng mata ko si Tristan na natutulog sa desk nito.

Tsk, may nangyayari na ngang kakaiba wala pa rin pakialam ang Isang toh!. Lumapit ako rito at niyugyog ito para magising, kaso ang loko wala atang balak. Sabagay kung yung pag ring nga ng fire alarm hindi siya nag- react e, eto pa kayang pagyugyog ko sa kaniya.

Basang-basa na ang kasuotan ko at lahat ng esudyante ay nagsisimula na rin magsilabasan sa kaniya-kaniyang classroom, lahat ng mga ito ay patungong open space panigurado. Ang kaso paano ako magpapalit nito? Hindi ko naman dinala yung p.e uniform ko...magmumuka akong basang sisiw nito sa labas mamaya e.

"Tristan Wang!! Gigising ka oh ihahampas ko sa'yo tong bag ko!!!", ang tagal kasi gumising, kapag hindi pa rin siya gumalaw diyan aba no choice iiwan ko na lang siya bahala siya sa buhay niya.

Nagintay ako ng mga 5 minutes ng wala pa rin respond at mukhang himbing na himbing talaga siya matulog ay nagpagpasyahan ko ng umalis. Medyo humihina na rin ang paglabas ng tubig sprinkler.

Nang hindi pa rin nagigising ay nag-pasiya na akong umalis, handa na ako lumakad palabas ng may pumigil sa akin at hinawakan ako sa braso, " Anong nangyari?" pumupungas na sabi ni Tristan.

" Malay ko, bumagyo sa loob ng school...Ayan tulog pa kasi," pinitik ko ang npo nito, pero hindi naman ganoon ka sakit, " Bilisan mo na, pupunta pa tayong open space" tinalikuran ko na siya at nauna ng lumabas, gising na rin naman siya.

" Hindi ba tayo mag-bibihis ganito na talaga damit natin?" narinig kong tanong niya.

" Kung may pamalit ka, edi magpalit kana pero kung wala, edi wala...mauna na ako sa'yo," nag-patuloy na ako sa pag-labas para magtungo sa open space. Tuluyan ko ng iniwan si Tristan sa classroom, Kaya niya na yan malaki na siya.

Habang naglalakad sa hallway may akong bulto na tumatakbo at papunta siya sa direksyon ko, hindi niya ba naiisip na baka madulas siya at ganiyan siya tumakbo akala mo e may hinahabol. Napailing na lang ako at bumaba na sa hagdan.

" Yumie!," Hindi ko natuloy ang pag-baba dahil sa boses na yon, si J-Jungwon... Ibig sabihin ang kaninang tumatakbo na yun? Hindi na nag-pabebe at tumalikod na para makita si Jungwon. Kaso ang katangahan nga naman walang pinipiling oras.

Sa paglingon ko nasanggi ko yung basurahan at nasama pa ako sa pagtumba nito, punyemas! Naligo na nga ng di oras, Pati ba naman basura gusto rin dumikit sa'kin!!! Yawa nakakahiya, paano kung maamoy niya?! Mas nakaka-turn off yun!.

" Yumie, Ayos ka lang?" mukha ba?, joke lang si Jungwon yan. Tumango bilang sagot ayaw ko mag-salita kasi nahihiya ako sa nangyari.

" Sigurado ka? Magsalita ka naman..para makampante talaga ako na ayos ka," hinawakan ako nito sa balikat at marahang inalalayan para tumayo.

" A-Ayos lang a-ako.." Tinignan ko ang kabuunan ko ng makatayo, puno ng sauce at kung anong dumi ang uniform ko. Lagot ako lalo kay mama dahil sa kalampahan ko e. Bakit ba kasi doon nakalagay yung basurahan?!

" Ang dumi mo na, eto hiramin mo muna yung P.E uniform ko," inilahad niya sa akin ang P.E niya, tiningnan ko ang kabuunan niya sheyt naman!!. YUMIE! behave.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now