CHAPTER 14

33 3 0
                                    

MAYUMIE

Naglalakad ako ngayon patungong bahay nila Melon, sabay kaming papasok ngayon at hindi siya puwedeng umayaw ako ang batas, halos magkasalubong ang kilay ko dahil at hindi na magawa pang umi-straight at bumalik sa dati nitong itsura.

Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari nung sabado, kinain ba naman yung kaisa-isa kong souvinir na binigay ni Jungwon sa'kin, iniyakan ko pa yon..pero ang may pinaka may kasalanan si ate Mauwee siya daw kasi yung nagbigay.

Handa ko naman sila bigyan e, payag naman ako kaso kasi yung packeging niya sira na kahit anong renovate ko hindi ko na mababalik yung totoong itsura niya, Kaya ko ulit bumili ng kapalit nun e ang kaso kasi may maganda akong memorya sa bagay na yon, hindi talaga ako tumigil sa pag iyak ko napagalitan na nga ako ni mama na napaka OA ko daw, pero hindi naman kasi nila Alam yung nararamdaman ko.

Nang makarating sa bahay nila Melon ay agad akong kumatok, ang bumungad sa akin ang kakambal nito na si Lemon. Hindi naman sila gaanong magkamuha kapag malapitan pero kapag nasa malayo doon mo sila mapagkakamalan na iisa, saka masiyahin si Melon si Lemon parang walang katuwaan sa katawan.

"Si Melon?" tanong ko, hindi ito nagsalita at binuksan ng malaki ang pagkakabukas sa pinto at pagkatapos ay tinuro si Melon na nagsusuklay ng buhok at patungong dining para kumain ng almusal. Yawa akala ko tapos na toh yun pala kakain pa lang! Panigurado late na naman kami sa Flag Ceremony.

Pumasok na rin ako sa loob at nakita si Tita Apple, Oo pamilya sila ng mga prutas ang tatay lang Ata ni Melon ang hindi nasa Ibang bansa kasi ito at doon nagtatrabaho, "Hi po tita," bati ko.

"Yumie, kain ka muna.." hinila nito ang Isa sa mga upuan na katabi ng kay Melon. Kumain na naman na ako sa bahay kaso sayang rin toh.

"Sige po salamat," umupo na ako at pagkatapos ay bumaling kay Melon na kumakain, "Sabi mo tapos ka na kanina?"

"Oo nga tapos na, tapos na ako maligo..hindi mo kasi tinapos yung tawag e ayan tuloy."

"Naku Yumie kanina ko pa ginigising yan kaso ang tigas ng mukha talagang nakahilata pa muntikan ko na nga sabihinan si Lemon ng buhusan ng tubig e"

"Hindi kaya, bumangon naman ako.."

"1 hour bago ka bumangon" dagdag pa ng kambal niya, okay hindi ako makasingit.

"Lemon! Ikaw rin naman ah"

"Hindi ako katulad mo" at nagbangayan na silang tatlo, hinayaan ko lang sila kumain na lang ako.

" Ano naman kung mabagal ako gumising, atlis gumising pa rin..hindi katulad mo kahit gumising ng maaga late pa ren"

"Sana nga hindi na e para lagi na kayo magkita sa panaginip ng boyfriend mo" natigilan ako sa pagkain napansin ko na ganun rin si Tita ng marinig ang sinabi ni Lemon.

"Boyfriend? Anong boyfriend?" magkasalubong na ang kilay ni tita. Sumingit na ako para masabi na hindi naman yon totoo.

"Ah ano tita hindi po yun totoo wala pong boyfriend si Melon, nantitrip lang po yun na kaklase niya"

"Anong hindi totoo, ako nga nilapitan akala niya si siguro ako si kambal..sabi ba naman kamusta daw ba ang panaginip ko kasi nagkita na naman daw kami sa panaginip niya" walang kaemo-emosyon na sabi ni Lemon, infairness ang haba ng sinabi minsan lang yan.

"Melon ikaw ang tinatanong ko, sa'yo lang ako maniniwala,"

Sinamaan ni Melon ang kakambal niya na mukhang hindi naman natitinag, at pagkatapos ay bumaling sa mama niya.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now