CHAPTER 28

29 4 0
                                    

MAYUMIE

Nasa trabaho ngayon, hindi ko pa rin sinasabi sa bahay ang sinasabi ko na lang is may groupings kami kaya ganun na ako nakakauwi. Ayokong sabihin sa kanila patitigilin nila ako at sila, Sabi ko nga diba ayoko na silang gumastos pa.

" Mayumie, table 3 eto order nila," sabi ni Ate Haze at inabot sa akin ang tray na naglalaman ng order.

" Okay ate," kinuha ko ito at nagtungo na sa table 3.

Isang tao lang yung naabutan ko sa table na yun, mukha pa siyang kinakabahan pero ang order niya is pang-dalawang tao.

" Order niyo po, " sabay lapag ng tray na naglalaman ng mga inorder niya.

" Salamat miss," mukha pa rin itong hindi mapakali. Palinga linga ito sa paligid siguro tinitignan niya kung dumating na ba yung iniintay niya.

Tumango na lang ako kay kuya saka bumalik na sa counter. Pagbalik ko kay tapos na rin si ate Haze sa paggawa ng order ng Ibang costumer at naghihintay na lang sa panibagong darating.

" Ate Haze, sa tingin mo ba may date ang isang yon?"

Napatigin naman si ate Haze sa table 3, dahil doon ako nakatingin. Nagiging chismosa na naman ako, obvious na obvious na naman e. Nagkibit balikat si Ate Haze.

" Siguro, pero mukha namang ganun or Puwede ring naghihintay siya friend niya," friend? Haysst, bakit ko ba kasi pinoproblema si kuya? Napailing na lang ako at inayos ng counter pinunasan ko lang ito. Sabi kasi samin always daw namin gagawin yon.

Nagring ang bell ng glass door ng Cafe, ibig sabihin ay may bagong costumer na dumating. Binalik ko na yung basahan sa lagayan nito kanina at naghanda na para sa pagbati sa new costumer na pumasok.

Ang pagbati na dapat sasabihin ko ay biglang nawala, dahil sa taong ka harap ko ngayon... Paktay na!!

" A-Ate Mauwee.."


Kasama ko si Ate sa pag-uwi, Bali hindi muna siya pumasok inintay niya akong matapos sa trabaho ko. Natakot ako nung una kasi baka bigla niya na lang ako pauwiin, o kaya sabihin niya kay mama pero hindi siya nagsalita. Umupo siya sa mga table available, nakatanggap ako ng text sa kaniya na intayin niya ako. Kaya eto sabay kami.

Walang nagsasalita hindi ko rin mabasa yung reaction ni Ate kasi wala itong emosyon, hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Naglalakad lang kami pauwi, Huwag niya naman sana ako patigilin huhuhu.

" A-Ate.."

" Kailan ka nagsimulang mag-trabaho?" diretso lamang ang tingin nito.

" N-Nung last week lang," napayuko ako.

" Anong dahilan mo? Kaya ba lagi kang gabi na kung umuuwi dahil dyan?"

Tumango ako. Hindi muna ako nagsasalita, kapag pinatigil niya ako roon wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Kahit anong gawin siya pa rin ang matanda sa aming dalawa at ayoko na rin makarating pa kay mama o kaila tito.

" Bakit ka nagtatrabaho? Hindi ba sapat yung binibigay namin sa'yo?"

" Hindi sa ganun, k-kasi may babayaran sa school..."

" O tapos? Handa naman kaming bigyan ka bakit kailangan mo pa maglihim?"

" Ayoko na kasing makidag-dag, marami na kayong binabayaran gusto ko makatulong...kahit sa ganitong paraan" Sana maintindihan niya, saka ngayon ko lang naman ito ginawa. Oo naglihim ako at pagkakamali ko yon pero sana huwag niya ako patigilin.

" Hindi ka naman Pampa bigat, kesa naman ganiyan anong oras ka na umuuwi mamaya mapahamak ka pa e...ano ba yang babayaran?"

" Field trip, ayun yung magiging requirements namin para makapasa dahil sa hindi natuloy na exam. Two thousand bawat students"

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon