CHAPTER 36

39 5 0
                                    

MAYUMIE

Last day...

Eto na, dumating na yung araw na sasabihin ko na sa kaniya yung nararamdaman ko. Isasabay ko yun sa activity namin na sinabi samin ni Ms. Almira.

Personal development teacher namin siya, at saka sabi niya kagabi na ang magiging next na activity is about being true and being brave. Kaya mamaya if may chance after ng bonfire thingy sasabihin ko na sa kaniya.

Wala na akong pakialam sa kakalabasan basta masabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko, Its now or never!

" Woy, anong trip mo kanina ka pa tulala?" si Melon.

"Wala, medyo kinakabahan lang ako para mamaya," umupo siya sa tabi ko habang kumakain ng snacks. Binigyan muna kami ng ilang oras para maglibang bago magstart ang bonfire activity.

" Alam mo kasi Yumie..." simula niya. Napatingin ako sa kaniya at naghihintay sa kung ano mang maipapayo niya kung meron. " Actually wala akong masabi, bahal a ka riyan. Support lang ako," at muling ngumuya.

"Salamat ah, nabawasan kaba ko doon sa sinabi mo napaka-helpful Melon," sarap hilain ang buhok ng isang ito e. Kinakabahan na nga ako e wala man lang ginawa para mabawasan.

" E wala naman talaga ako magagawa para mawala yang kaba mo e, normal yan friend!. Basta ang mahalaga masabi mo sa kaniya yung talagang gusto mong sabihin, matagal na ring naburo yun sa loob mo dapat ng Ilabas," Alam ko naman yun, Kaya nga magsisimula na ako mamaya di ba?

" Kinakabahan ka ba dahil sa sasabihin mo o dahil baka walang kapalit yang sasabihin mo? " Hindi ako nakasagot at napaisip sa sinabi niya, Puwede bang both? Kasi ganun talaga ang nararamdaman ko. Takot at kaba,pakiramdam ko kasi na handa na ako at Maya-maya gusto ko umatras.

" Mas lalo mong pinapagulo e, parang ayaw ko na tuloy umamin sa kaniya" napasimangot ako at tumingin sa karagatang nasa harapan namin, Mabuti pa ang dagat ang peaceful hindi tulad ng nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko pinapagulo noh, basta kung ano man ang mangyari atlis ang mahalaga naging matapang ka na sabihin ang nararamdaman mo...kung ano man ang mangyari ipangako mo sakin na tatanggapin mo, lalo na at hindi tayo sigurado kung may kapalit ba ang nararamdaman mo...hindi madaling umamin Oo, pero mas mahirap kung nakatago ang mahalaga nasabi mo medyo nakakagaan sa kalooban yun, " seryoso ng lintanya niya.

" Yumie, hindi lahat kayang suklian ang nararamdaman ng isang tao may ibang wala talaga at kaibigan o kapatid lang ang pagmamahal na kayang ibigay...kaya sana wag mong masamain kung sakaling ayun lang ang maibibigay ni Jungwon sa'yo, mangako ka sakin na magmomove-on ka na sa kaniya kung sakali nga na ganun, " ang seryoso ni gaga hindi ako sanay. Hindi nga ako nakapag-react sa bigla niyang drama e saka medyo nabawasan yung kaba ko kasi nga puro lang kami biruan ng Isang minsan lang kung magseryoso.

" Sira alam ko naman yun, no hard feelings wala naman ako magagawa kung wala talaga siyang nararamdaman para sa akin e, p-pero di ba required namang umiyak?"

" Syempre naman! Nasaktan ka e, ano ka imortal?," parehas kaming natawa. Siguro nga iiyak ako ng isang buong araw kung sakali man na walang kapalit ang pagkakagusto ko sa kaniya.

Pero kapag naaalala ko yung ilang halik... At mga panahon na magkasama kami... Hindi ko maiwasang hindi umasa, na may pagasa talaga para sa aming dalawa. Hindi naman talaga maiiwasan yun diba? Masyado na kasing malalim e, hindi ko na alam paano pa muling makaangat.

Dumating ang oras na simula na ng bonfire activity, lahat ng esudyante ay umupo ng by Strand ulit hiwalay ang babae sa lalaki kaya ang katabi ko ngayon ay si Melon at Erah at nasa bandang unahan sila Ella at ang mga dabarkads.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now