CHAPTER 38

43 3 2
                                    

MAYUMIE

Biglang may pumara na kotse sa gilid naming dalawa, nanatiling nakasandal si Jungwon sa balikat ko. Medyo humihina na ang ulan kaya nagpapasalamat din ako dahil doon.

May taong bumaba sa kotse...si Jake.

May nakakahiya pa pala akong nagawa sa isang ito pinabigay ko yung bag ko at pinadala sa bahay namin e hindi niya naman alam kung saan yun. SUSME Yumie! At kung sakali mang malaman niya kung saan ka nakatira paano mo ieexplain sa kanila kung sino Yung lalaking naghatid sa bag mo?!

Pagkababa niya sa sasakyan ay nakita niya kaming dalawa ni Jungwon at napailing mukhang expected niya na rin na nandito pa rin si Jungwon, " tsk, ang tigas talaga ng ulo sabi ko manatili na lang sa condo ko e." tinulungan niya akong buhatin si Jungwon papasok sa kotse niya.

At ngayon naman ay papunta na kami sa bahay namin. Gusto ko siya alagaan ngayon kaso baka ako naman ang mapagalitan dahil anong oras na e wala pa rin ako sa bahay kung mag text na lang kaya ako sa kanila tapos sabihin ko na may groupings pa kaya medyo late ako makaka uwi? Kaso baka pag ginawa ko yun e hindi na talaga ako pauwiin sa amin.

" Jake, Sorry ah...hindi ako nagiisip kanina nung iniwan ko sa'yo yung bag ko, n-nagalala lang Talaga ako sa isang ito." nakita kong marahan siyang natawa dahil sa sinabi ko.

" Okay lang, buti na lang din sinundan kita roon dahil kung hindi, hindi ko makikita na bumalik pala sa school ang pasaway na yan, " napakunot ang noo ko. Bumalik? Mukhang napansin niya naman ang pagtataka sa itsura ko.

" May lagnat ang loko kanina pa, pinagpahinga muna siya sa clinic buong araw...kaya nung naguwian sabi ko uuwi ko na siya pero itong si loko pupunta daw doon sa may likod ng school dahil may usapan daw kayo..." nanatili akong tahimik at nagpatuloy lamang na nakinig kay Jake. Ibig sabihin yung pagkikita namin kanina ay clinic ang punta niya nun. Bakit hindi ko man lang napansin na may sakit pala siya? And worst nakalimutan ko pa ang usapan namin.

" Kahit ang mga matatanda sa I-LAND ay pinagsabihan na yan kaso matigas ang ulo at nagpupumilit talaga, Kaya nagpasya ako na samahan siya roon para hintayin ka...kaso ayun nga hindi ka dumating, ayaw niya talaga umalis hanggat hindi ka dumadating lagi niyang katwiran " Hindi, pupunta yun nangako siya sa akin," o kaya naman " Baka na late na lang siya, hintayin pa natin", hanggang sa napilit ko rin na sa apartment ko muna siya manatili ayaw niya rin kasing umuwi sa kanila, tapos ayun doon mo ako nakita kanina kasi bumili ng gamot niya, " nakaramdam ako ng guilt dahil sa nagawa ko, Alam ko hindi ko naman sinasadya na nakalimutan ko pero nakakaano pa rin lalo na naghintay siya sa wala.

" S-sorry, " Ayun lang kasi ang kaya kong sabihin e. Ngumiti sa akin si Jake.

" Ano ka ba, hindi mo naman kasalanan yun...saka expected ko na rin naman na babalik yang si Jungwon, may pagkamatigas rin kasi talaga ulo nan," marahan siyang natawa, " Saan banda yung Street ng bahay niyo,"

" Ah Jake, Puwede bang huwag mo muna ako iuwi? " napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

" Huh? Bakit? Baka mapagalitan ka anong oras na e, " Alam pero desidido na rin kasi ako, kahit sa pagaalaga ko na lang sa kaniya ako makabawi.

" Kahit saglit lang aalagan ko lang siya, please Jake, Ako ng bahala na magpaalam kayla mama," Wala na rin siyang nagawa dahil hindi ko siya tinigilan sa pangungulit. Tinignan ko si Jungwon na nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.

Nakarating kami sa Condo niya at hindi ko inakala na makikita ko si Serah rito, pagka open kasi ng Elevator ay sakto ng siya ang nasa loob. Malapit lang din pala ang unit niya kay Jake...akalain mo yun?

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now