CHAPTER 33

39 2 0
                                    

MAYUMIE

Nagising ako ng may maramdamang kumakalabit sa akin, hindi ko masyadong pinansin dahil baka wala lang at guni-guni ko lang. Pero ng ilang beses itong umulit ay unti unti kong minulat ako mata ko at handa nang bulyawan ang kung sino mang makita ko ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.

At nakangiti sa akin...

"Pa..." oh akala niyo si Jungwon noh?

Nakangiti si Papa sa akin, hindi ito nagsasalita anyare napipi na siya? Lord kahit ngayon lang po pagsalitain niyo siya. Ngayon ko nalang po ulit maririnig at makakausap tapos hindi pa nagsasalita. Lord naman e.

Actually, marami akong gustong sabihin sa kaniya. Marami akong gustong ikuwento gusto ko sabihin na ang Isa sa mga prinsesa niya ay handa ay may nagugustuhan na ngayon at may lakas na ng loob para sabihin ang nararamdaman niya...kahit hindi niya sigurado kung may kapalit ba ang nararamdaman niya.

Kinubukan ko siyang kausapin, "Pa...kamusta ka na?" ngunit kagaya kanina ay wala pa rin akong narinig na boses mula sa kaniya at hindi ko pa rin nakita ang pagbuka ng mga labi niya.

"Miss na miss na kita papa, at sigurado ako na maging sila ate ay ganun rin. Kung sana lang talaga hindi nangyari yun, kasama ka pa sana namin..." hindi ko napigilan mapaiyak, kung dahil sa reckless driver na yun hindi mawawala sa amin ang papa ko.

And worst hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli, laging pumupunta sa presinto si mama if may balita na ba sa kaso ni papa pero umabot ng ilang buwan, taon ay wala pa rin talaga. Kaya kahit gusto pang ilaban ni mama wala rin kami magawa, paano namin makakasuhan ang taong di namin makita and worst ang kotse na nakabangga kay papa ay sumabog kasabay ng taxi na sinasakyan ni papa.

Pero ang tao na nasa loob ng Isang kotse ay wala na roon, nakatakas na...

Muli kong tiningnan si papa, " Parinig naman ako ng boses mo pa, sige na... K-kahit ngayon lang po. Please," napahagulgol na lamang ako. Kahit kaunting oras pa wag muna akong magising, makasama ko pa ang tatay ko sa kaunting oras na yun.

Naramdaman kong yumakap siya sa akin at tinapped ang likod ko, Ayan ang ginagawa niya everytime na masama ang loob ko kasi nagaway kami ni Ate Mauwee at kapag malungkot ako.

And ang hinihintay ko na marinig ang boses niya, " Boss, gising na..."

Huh? Boss? Hindi naman ako tinatawag na ganun ni papa ah?

" Boss, gising na nandito na ta'yo..." ulit pa nito at pagka-tapos ay inaalog ang balikat ko.

Unti-unting naging blurry ang mukha ni papa at napalitan ng mukha ni Tristan. Napabalikwas ako at napaayos ng upo, nilibot ko ang aking paningin sa buong bus ng wala na akong makita na ibang students bukod sa aming dalawa.

"Umiiyak ka kasi kanina, Saka nandito na tayo kaya ginising na kita," narinig kong sabi niya.

"Bakit ka ba kasi umiiyak? Napanaginipan mo ba na busted ka sa pag amin mo?" Tiningnan ko siya ng blanko, umiyak lang ayun na kaagad.

" Gusto mo sampal? Hindi dahil doon!" kinuha ko na ang bag ko at tumayo na kasabay ng paglabas sa bus.

Sumunod naman si Tristan," E ano? Bakit ka nga umiiyak? "

" Ang chismoso mo noh? "

" Hindi naman, curious lang"

"Ewan ko sa'yo, dami mong alam," nakarating na kami sa pinaka open space ng lugar kung saan kami magfifield trip. Mabilis kaming naglakad ni Tristan at nagtungo sa section namin.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now