CHAPTER 31

32 2 0
                                    

MAYUMIE

Nagiimpake na ako ngayon para sa field trip namin for tommorow, Saka nasabi ko na rin kay mama yung about sa field trip pero yung pagtatrabaho ko sa Cafe hindi pa rin.

Nung nagtanong si mama about sa pera kung saan ako nakakuha ng pambayad sinabi ko nalang na binigyan ako ni ate. Kaya ito nagiimpake na ako, sabay kaming aalis ni Melon papuntang school kumbaga sa bus lang kami magkakahiwalay. Inaamin ko sobrang excited ko kasi first time ko makasama sa mga ganito, simula kasi elementary ay hindi ako sumama kasi hindi naman required lahat.

Sabi samin ang lugar daw na pupuntahan namin ay may mga cottage sa isang cottage 4 students ang kasya saka doon kahit sino ang kasama mo puwede, hiwalay pa rin ang babae sa lalaki.

Saka sa field trip, nagbabalak na ako sabihin kay Jungwon ang nararamdaman ko. It's now or never na talaga...hindi ako handa actually, pero kung maghihintay pa ako baka tuluyan na akong mahuli at hindi ko na masabi.


Sa huling araw namin sa field trip doon ko na sasabihin...nakakaba pero mas maganda ng sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya.


Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Ate Mauwee.

"Handa na ba lahat ng dadalhin mo?" tanong nito.

Tumango ako bilang sagot, "Hmmn, malapit na," nag-patuloy ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko mga damit at Iba pang kakailangin ko roon.


" Malalayo ka sa'min kaya magingat ka roon ah, Baka mamaya mabalitaan na lang namin na nahulog ka sa bangin o kaya may kumain na sa'yo, o kaya naman may mga mamatay tao pala roon...," at kung ano-ano pang sinabi niya, grabe nasobrahan na sa panonood ng kung ano-ano ang ate ko.

" Teh, three days lang ako roon wag ka nga. Saka anong sinasabi mong mamatay tao? Ano wrong turn? "

Sinamaan ako nito ng tingin," Hindi mo rin masasabi noh, may mga pangyayari na hindi mo inaasahan basta magingat ka roon," pinalalakihan pa ako nito ng mata, akala mo naman masisindak ako.

Gets ko naman na nagalala siya, pero kaya ko na ang sarili ko saka syempre minake'sure ng school na talagang safe ang mapupuntahan namin.

"Opo, Huwag ka magalala kami ni Melon ang laging magkasama roon saka yung iba pa naming kaclose,"mukhang napanatag naman siya sa mga sinasabi ko. May kinuha ito sa bulsa niya at pagkatapos ay inabot sa akin, Pera yon kaso hindi ko kinukuha kasi nagdadakawang isip ako.

Kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay ng pera sa kamay ko," Ano ka ba kunin mo na, atlis may pambili ka roon ng kung ano mang makita mo"


"May pera naman ako ate rito nalang sa bahay yan mas magagamit pa ang pera na Yan," para saan ang pagtatrabaho ko kung hindi ko kung tatanggapin ko pa ang pera na binigay ni ate, Saka sakto na naman na.

" Sige na kunin mo na, kung hindi mo magagastos edi itabi mo ipunin mo nalang, " sabi niya. May sasabihin pa sana ako kaso hindi na natuloy dahil tumayo na ito at lumabas ng kuwarto ko.

Nagkibit-balikat na lang ako, okay sige akin na toh. Nag patuloy na ako sa pagaayos ng mga dadalhin ko, hindi rin naman na nagtagal yon.

Sobrang excited ko na talaga para bukas.

Maaga akong nagising as in, hindi pa man nagsisimulang tumunog yung alarm e gising na ako. Mahahalata mo talaga na masyado akong excited para sa 3 days na ito.

Well hindi ko naman talaga itinatangi, tumayo na ako sa pagkakahiga at agad na nagtungo sa banyo Para maligo at maghanda na sa pagalis ko maya-maya. Pagkalabas ko ng kuwarto ay naabutan ko si Mama at sila tito na kumakain ng almusal tulog pa ang mga pamangkin ko kasi sabi wala naman daw silang pasok ngayon.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now