CHAPTER 7

47 4 1
                                    

MAYUMIE

Nakatungo ako sa lamesa habang nagtuturo ang teacher namin sa harap, after ng nangyari sa akin sa weekends ay hindi ko na nakasalubong si Jungwon..hindi ko na siya nakikita sa likod ng school naging tambayan ko na nga yon dahil sa kaniya e.

Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip baka kasi pinagbigyan lang ako ni Lord kakahiling ko sa kaniya na mapansin ako ng crush ko, kaso bakit naman ilang days lang?! hindi ba puwedeng pahabain? Umasa na naman tuloy ako dahil doon.

"Okay nalalapit na ang mid terms niyo for this sem, hinihiling ko na sana pumasa kayong lahat."

Mid terms? Tsk akala mo naman talaga makakapasa ako doon, napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga pumapasok sa utak ko. Gen math pa lang alam ko na e paano pa kaya Ibang subject.

" Class dismiss you may take your lunch. "at bago pa man makaalis ang teacher namin, nauna na lumabas ang mga kaklase ko. Nang mawala na ang lahat sa paningin ko ay walang gana akong tumungo sa desk ko. Wala rin akong gana kumain.

*bzzt. bzzt*

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko, kaso hindi naman pala sa akin ang vibration na iyon,takte Isa rin itong cellphone ko e after niya ko pagbigyan nuong nakaraan tuluyan ng na boang, hindi ko magawang itext si Jungwon dahik ayoko ng mag mukhang ewan, saka wala akong panload. Hinahanap ko kung saan galing yung vibration at ayun nga nakita ko kay Tristan.

Nakatungo rin ito at mukhang walang pakialam sa kanina pang nagvavibrate niyang cellphone.

"Uyy!" tawag ko rito, pero walang epekto.

"Wang! Ang Ingay ng Cellphone mo"

"Oy, Tristan! Bungol ka?!"

Imposibleng hindi ako marinig ng Isang ito, malakas akong napabuntong hininga at lumapit sa kaniya. Inalog ko ito sa may balikat ng ilang ulit para magising, at mukhang epektibo naman dahil umangat ang ulo nito at tumingin sa akin ng masama.

Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.

"Edi nagising ka rin."

"Huh?" nakakunot ang noo nito at wari mo ay hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Yung cellphone kanina pa maingay, masakit sa tainga ang vibration."

"What did you say?" Ay pota!

"Sabi ko cellphone mo! Maingay!"

"Oh wait" nakapameywang ako sa kaniyang harapan, nagpipigil lang ako pero mapepektusan ko toh e. Umayos siya sa pagkakaupo at may tinanggal sa tenga niya.

EARPODS!!! Halos umusok ang ilong ko sa inis pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.

"Ano ulit sabi mo, Ayan wala ng nakalagay sa tenga ko..pakiulit na lang ."

"Gusto mo ipakain ko sayo yang Earpods mo?!"

"Kalma, ano ba kasi yon kung kelan naririnig na kita saka naman ayaw magsalita."

"Nagsasalita ako."

"Ibig kong sabihin anong gusto mo sabihin sakin kanina, hindi kung ano ano pa lumalabas sa bunganga mo"

Pumikit ako at ikinuyom ang mga palad, Para kung sakali na mawala na talaga ang pasensya ko ay masuntok ko na agad.

"Yung cellphone mo kanina pa nagvavibrate, masakit sa tenga." medyo mahinahon kong sabi, medyo lang.

"Ayon lang pala sasabihin mo, kelangan mo pang sumigaw? - Aray!"

Pinitik ko sa tainga, at pagka tapos ay kinuha ko na ang bag ko pupuntahan ko na lang si Melon. Bago ako tuluyang umalis ay hinampas ko pa ito ng bag.

I'll Tell You Sooner YJW: auHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin