CHAPTER 26

36 3 1
                                    

MAYUMIE

Ngayong na ang araw ng napagusapan namin ni Tristan about doon sa Family dinner kuno daw nila. Hindi ko muna sinuot yung damit niya na binigay niya nung umalis ako baka ano pa isipin ng mga tao sa bahay kapag nakita nilang ganoon ka-engrande ang suot ko.

Akalain pa na pupunta ako kung saan. Tanging simpleng t-shirt at skirt and rubber shoes ang suot ko inhort casual lang at nakalagay sa sling bag na bitbit ko ang damit at sapatos na dapat talagang suot ko.

Nagpalit lang ako ng makarating na sa mall na pagdadausan ng dinner. Nakaabang na rin naman kaagad si Tristan sa Entrance kaya nagpasama na lang ako sa C.R, nasa labas lang siya syempre.

" Tara na, Ready na ako," sabi ko ng matapos na ako magbihis at makalabas sa C.R. Kaso ang loko parang walang narinig at nakatunganga lang sa harap ko.

"Hoy! Sabi ko tara na," pinalakpak ko ang dalawa kong palad ng Isang beses sa harap niya. Natauhan naman siya dahil doon, naadik na naman ata ang isang ito.

" H-huh? Ano sabi mo?"

Napairap na lang ako sa hangin, " Sabi ko pumunta na tayo sa Family dinner niyo, nakatunganga kasi e," nauna na akong maglakad sa kaniya kahit hindi ko alam kung saan.

" Hintay boss, Alam mo ba kung saan yon? Nanguguna kasi e- Aray! " pinatama ko ang kamo ko sa braso niya.

" Ikaw kaya yung parang adik na nakatunganga, " inirapan ko ito at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Napakamot na lamang siya sa batok mukhang napagtanto niya ata ang kaadikan niya kanina.

Mabilis rin naman kaming nakarating sa venue, malapit lang naman pala ilang stores lang ang nadaan namin and then boom! Nandoon na kami. Shet ang corny ko >_<.

Pumasok na kami sa loob, elegante ang restaurant namin sumisigaw talaga Pagpasok mo pa lang. Mapapansin mo ang mga mahal na materyales mula dingding hanggang nito at pati na rin sa mga kagamitan. Mas pipiliin ko na lang na lumabas dahil pakiramdam ko ay hindi naman ako bagay sa ganitong lugar.

Nagtungo kami sa VIP section, syempre mayaman sila e expected na yon. Nang makapasok sa loob bumungad sa amin ang jazz music at ang ilang kumakain sa kaniya kaniyang table. Dumiretso kami sa pinaka dulo kung nasaan ang pamilya niya, Isang mahabang lamesa ang inuokupa ng pamilya niya.

Nang makita nila kami ay biglang tumayo yung isang babaeng matangkad at maganda, kaedad lang din ata namin siya. Kitang kita ang kislap sa mata niya ng makita si Tristan. Pfft, masyadong obvious buti pa ako kay Jungwon lie low lang.

" Tristan's here...with someone," sabi nung babae, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Mapapansin ang pagkairita sa itsura nito, as expected kapag mayaman ganiyan na agad. Mindset na pang tukmol ang kadalasan meron sa kanila.

" Riesha, Puwede bang tumabi ka muna uupo na kasi kami," Hindi ko ineexpect na sinabihan ni Tristan yung babae, gusto ko nga matawa kasi yung itsura nung Riesha ay hindi makapaniwala. Wala itong nagawa at tumabi nalang.

Buti nga! Matapobre!

"Hello there my son," nakipagbeso muna siya sa mama niya at tumango sa papa niya at bumati pa sa ibang naroon bago kami umupo. Pinaghila ako nito ng upuan, may pagka-gentleman naman Pala ang Isang ito.

Nang makaupo ay agad na nagsalita ang papa niya, Bali ang nandito is yung pamilya ng Riesha at Pamilya ni Tristan. May pakiramdam ako na hindi ako dapat nandito e. Sure talaga ako, Ewan ko ba rito kay Tristan at ang daming alam.

" Ipakilala mo naman kami sa kasama mo," sabi nito. Dahil nga ipapakilala medyo pa demure tayo charot!. Ano lang umayos lang ako ng upo nakakahiya naman sa kanila kung para akong timang dito.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now