CHAPTER 35

30 3 1
                                    

MAYUMIE

Bumalik rin kami ni Jungwon sa open space kung saan ang puwesto ng mga HUMSS after namin magusap, balik ulit sa dati inaasar niya naman ako pero napansin ko na mas lalong siyang dikit or what, hindi ko alam kung umaatake na naman pagiging feelingera ko pero kasi hindi niya hinahayaan na mapalayo ako sa kaniya kahit na saglit lang.

Kaya anong iisipin ko roon diba?

Bago naman kami bumalik minake sure namin na may bitbit kami na ambag at kagaya nga ng hula ko may tinatago sila roon, Kaya nakahanap kami ng tatlo atlis may ambag na kami kahit tatlo lang yon. Nang makabalik open space ay saktuhan naman na tatlo na lang ang kulang para mabuo ang puzzle.

Nagkakagulo na ang lahat dahil lahat ay gustong manalo, grades namin toh kaya dapat talagang ipanalo although okay lang naman sakin kahit anong grades ko pero masaya rin kung mananalo ang strand namin.

Natapos ang oras, ganoon na rin ang pagtatapos ng laro. Eto na ang time na pinaka-hihintay ng lahat dahil sasabihin na kung sino ang mabilis natapos at kung anong strand ang mananalo.

*insert drumrolls*

Charing walang paganon medyo strict ayaw ng tunog ng tambol dito sa training camp kaya wala tahimik ang lahat habang pasuspense ang teacher na magsasabi ng mananalo.

Nakatayo na kaming lahat ngayon sa lugar kung saan nag umpisa ang laro, sa harap ng karagatan. After ng activities ay kakain muna at pagkatapos ay puwede na daw kami maligo isasabay na daw sa next activity na gagawin daw sa dagat.

Ano naman kaya yon? Hanapin ang shokoy? Sirena? Corny ko na yawa!.

"And the winner is..." pangatlong beses na niya sinasabi yan,naiinip na ako.

"But first, magpapasalamat muna ako sa ating pinakamamahal na principal na naging dahilan upang maisagawa ang field trip na ito, nais kong makarinig ng masagabing palakpakan!" Hindi ko Alam kung papalakpak ba ako o madidismaya dahil ang dami pang commercial hindi pa Puwedeng diretso na agad sa nanalo!

Tumayo naman ang principal sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay kumaway-kaway na akala mo nangangandidato o mas magandang sabihin na kung makakaway siya e akala mo artista at kami ang mga fans niya. Kitang kita naman sa mata ni Ms. Britz ang kislap na hindi ko malaman kung ano todo pa ang ngiti nito ng dumako ang kaniyang paningin sa principal.

Aba aba mukhang magkakaron na ng step mommy si Ella ah, HAHAHAHHAH mabalita nga kay Melon mamaya...

"Okay, ngayon na ang oras na hinihintay niyo..."


"Duh, kanina pa kaya!" lahat ng studyante at maging si Britz ay napatingin sa gawing may sumigaw.

Sabi ko na nga ba e, siya naman.

Sobrang Sama ng tingin ni Ms. Britz sa kaniya, " Ms. Wang, ikaw na naman?!"

Napayuko na lamang si Serah, pero siguro kung ako ay inatake ng kaabnormalan ko baka kanina pa rin ako napasigaw dahil sa daming kaekekan, hindi na lang kasi sabihin kung sino na ba kasing nanalo Para makapag proceed na sa next na gagawin.

" Maguusap tayo uli because of your behavior, mabalik tayo...the winner that you've been waiting for are the students from the strand... STEM!"


What?!

Ano?!

Paano?!

Halos mabingi ako dahil sa sobrang lakas ng sigaw ng mga STEM, sure talaga ako na a kami ang nanalo mabilis namin nabuo yun e!

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now