CHAPTER 32

41 4 1
                                    

MAYUMIE

"Boss...aamin ka?," kung kilala niyo kung sino ang tumatawag sa akin ng boss kilala niyo na siya.


"hehe, Tristan ah huwag ka maingay okay? First time niya kasi aamin sa taong gusto niya kaya shh lang tayo okay?" sabi ni Melon sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya nandito, baka gusto niya lang sumabay sa amin saka kaklase ko siya naman siya kaya baka nais ng kasabay.


"A-Ahh, Oo naman boss ko yan e talagang susuportohan ko yan..diba boss?" inakbayan ako nito at ginulo ang buhok ko, hinampas ko ang braso niya dahil sa ginawa niya.

"Huwag mo nga guluhin," sabi ko. Sumabat naman si Melon.


"Ang arte mo hindi ka naman talaga nagsusuklay kaya kahit hindi guluhin ni Tristan magulo na talaga yan." Lord Puwede ba ako manapak ng kaibigan ngayon? Sige na po Isang beses lang.

"Ah Talaga ba Melon? Pakyutttt!!!" sabi ko, na ikinatawa naman ni Tristan gunggong ito.

"Minumura mo ko ah?"

"Mura yon? Sabi ko nga pacute e...well totoo naman yun," nakatanggap ako ng hampas sa braso at Isang masamang tingin mula kay Melon.


"Hindi kita suportahan diyan e, tamo iwan kita magisa," sabi niya. Nagmake face lang ako, I know naman na maiinis lang yan sa una pero mangaasar na naman, abnormal yan e.

Tumingin ako kay Tristan, "Nga pala anong ginagawa mo rito?"


"Ano kasi gusto ko kayong isabay sa kotse namin para mapadali yung pagpunta sa school at hindi na rin kayo mahassle sa pagsakay ng jeep," paliwanag nya.


Napapalakpak naman si Melon, o diba sabi sa inyo e nagiinarte lang ang Isang yan sarap sabunutan talaga kung minsan. Bumaling ako kay Tristan na mukhang nagiintay ng pag sang-ayon ko sa pagaaya niya na sumabay kami. Tatanggi pa ba ako? Free ride yan beshhh.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe papuntang school, Mabuti na rin talaga na sumabay kami sa lalaking ito dahil sa bitbit ni Melon na Isang maleta ay mahihirapan talaga kami.

Nag-hiwalay rin kami ni Melon ng papasakay na sa bus dahil magkaiba ang section namin ay magkaiba rin ang bus na sasakyan namin, nagulat ako ng biglang buhatin ni Tristan ang bag ko. Isang bag lang naman iyon at kayang kaya ko buhatin.


Mahaba ang biyas niya kaya medyo binilisan ko ang paglakad para maabutan ito, at pagkatapos ay hinawakan ang braso niya para huminto sa paglalakad and after that ay kinuha ko ang bag ko na hawak niya at isinukbit sa akin.


"Boss..."sabi nito ng maagaw ko sa kaniya ang bag ko.


" Bakit? Bag ko naman ito ah, Saka bakit ba bigla bigla ka nalang nangunguha? " Hindi siya sumagot, napakamot lamang ito sa batok niya. Nauna na lang akong maglakad sa kaniya kaysa naman hintayin ko pa sumagot ang isang iyon. And another reason ay baka maunahan ako sa tabi ng bintana.



Kapag nasa bus kasi gusto ko talaga sa part na may nakikita ko yung paligid kahit minsan wala naman nakakaenganyo dahil puro bahay at mga tindahan and what so ever ang nakikita sa paligid, nakakarelax siya para sa'kin and one more thing about that ay yung sinasabayan mo ng music habang nakatingin sa labas ng bus. Mas maganda kapag gabi Mas feel ko.


Nang makapasok sa loob ng bus at may part sa bandang bago maglikod ang hindi pa nauupuan, bago pa ako maunahan ng iba nagmadali na akong naglakad patungo roon kaso may mga paepal talaga na sisira ng araw mo.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon