CHAPTER 17

36 2 0
                                    

MAYUMIE

Pagpasok na Pagpasok mo pa lang sa gate ng school makikita mo na agad ang malaking tarpaulin na nagsasabi ba malapit na talaga ang midterm, Aish! Puwede namang sabihin na malapit na siya hindi na kailangan na ipaskil, Mas lalo tuloy nakaka-pressure.

Tuluyan na akong pumasok sa loob, naglalakad na ako sa open space kasi mas mabilis ang daan doon papuntang building namin, biglang humarang sa dinaraanan ko ang mga alipores ni Ella, of ocourse I know kung sino sino sila, given na kasama si Cindy.

" Anong trip niyo? Feeling mean girls?" napairap na lang ako sa kawalan, mga feeling boss sa skwelahan...hindi ko nga alam ano napapala nila sa ginagawa nila e.

" Gusto ka makausap ni Ella, sumama ka sa'min ," sabi ni Laurice, bakit naman ako sasama ano sila?

" Ba't naman ako sasama? Tukmol ba kayo?" inismiran ko lang sila at pagkatapos ay nilagpasan ko na sila, hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay may isa sa kanila na ang humatak sa braso.

" Sino ka para talikuran kami?" sabi ng matinis yung boses sa kanila si Erica, Alam niyo yung kumukukong termos ganon boses niya e kaya nakakairita.

" Ano naman kung talikuran ko kayo, ano kayo gold? Para sundin ko? Bitaw nga!" padarag kong inalis ang kamay ko sa pag- kakahawak ni Erica medyo napaurong ito dahil sa puwersa, Sana nga tuluyan ng natumba e.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, pasalamat naman at hindi na nila ako ginulo. Pinapatawag daw ako? Tch, ano teacher lang? Hindi porque anak ng principal matatakot na ako sa kaniya.

" Yumie!!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sunoo na tumatakbo at kasunod nito si Jungwon na tumatakbo rin. Inakbayan ako nito ng makarating sa direksyon ko.

" Bakit? Anong meron?" agad na tanong ko.

" Wala naman, sama ka samin," Hindi ko alam kung saan yon pero kasi hindi ako puwede ngayon, magkikita kami ni Melon kasi may sasabihin daw siya.

" Hay, bumitaw ka nga," sabi ni Jungwon at pilit na Inaalis ang kamay ni Sunoo na nakaakbay sa akin, kaso si Sunoo mas lalo pa hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

" Ayoko nga! Saka okay lang naman kay Yumie e, bakit ba?"

" Nasasaktan na siya oh, masyadong mahigpit yang hawak mo sa kaniya.." pilit niya pa rin Inaalis ang kamay ni Sunoo, hindi rin naman nagtagal kasi nagtagumpay rin siyang alisin yon.

" Eh?," humarap siya sa akin," Totoo masakit? " makikita ang pagaalala sa mukha ni Sunoo, ang cute nga e.

" hehe..medyo lang nama-"

" See? Nasaktan siya at kasalanan mo yon." si Jungwon, talagang sinisisi niya si Sunoo.

"Hindi naman ganun, okay lang Sunoo huwag ka na mag-alala," nginitian ko ito para makapampante na rin siya.

" Mabuti naman, sorry ah kung nahigpitan si Jungwon kasi e..." Naka pout na ito na mas lalong nagpadagdag ng cuteness niya, parang gusto ko tuloy kurutin ang pisngi niya nakakapang-gigil.

" Aish! Huwag ka na nga magpa-cute diyan, umalis ka na Kaya, mauna ka na sa canteen, " tinulak niya ni Jungwon si Sunoo pero marahan lamang ang pagtulak niya, sadyang tinataboy niya lang.

"Bakit ba? Jungwon naman e, pansin ko lang ah ang lakas ng amats mo ngayon," nakabusangot na ang itsura ni Sunoo, tumingin ito sa'kin.

"Ayaw mo ba sumama? Libre kita...hindi natin isama si Jungwon," sinamaan niya ng tingin si Jungwon, at pagakatapos at bumaling ulit sa akin.

I'll Tell You Sooner YJW: auحيث تعيش القصص. اكتشف الآن