CHAPTER 29

37 4 0
                                    

MAYUMIE

Lumipas ng mabilis ang araw at ngayon na ang araw na malapit na matapos ang 3 weeks meaning malapit na matapos ang pagtatrabaho ko sa En'oclock. Puwede pa naman daw ako tumambay sa Cafe pero make sure na bibili daw ako wag puro tambay sabi ni Manager Lee, sa loob ng ilang weeks kong pagtatrabaho rito. Napagtanto ko na may pagka-abnormal din ang boss namin.

Saka hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam kung sino yung kamukha niya, sabi niya may bunsong kapatid daw siya pero kahit kailan hindi ko nakitang pumunta rito sa Cafe ang sinasabi niyang kapatid.

" Mamimiss kita Yumie, kahit saglit lang tayo nagkakilala...balik ka rito ah," sabi sa akin ni ate Haze, napangiti ako at niyakap siya pabalik.

Mamimiss ko rin ang pag tatanggol niya sa'kin tuwing may nakakainis na costumer. Inaaway niya talaga iyon at hindi hinahayaang makatakas, kumbaga siya ang ate ko sa trabaho at si Ate Mauwee ang ate ko sa bahay.

" Ate Haze, may ilang araw pa...huwag ka muna magpaalam pero mamimiss rin kita," sabi ko.

"E kahit na, wala na akong makakausap...tuod naman kasi yang si Nalie." ay nakalimutan ko sabihin. Kasama ko rin pala sa Cafe na ito yung babaeng kasama ni Jake nung nag group study kami sa I-Land.

Last week lang siya nagaapply, sakto nga kasi aalis na rin ako atlis may makakasama pa rin si Ate Haze. Ayun nga lang parang kambal ni Melon madalang magsalita. Pero pakikinggan ka naman niya kapag gusto mo ng kausap.

"Ako na naman nakita mo," sabi ni habang gumagawa ng Coffee something. Akong lang ata ang empleyado na hindi talaga madaling makakabisado ng name ng menu. Ang hirap naman kasi minsan banggitin yung name e. Pare-parehas lang namang kape.

" Himala lumagpas ng three words ang sinabi mo, may progress Nalie." naka fighting na naman ito, Samantalang si Nalie walang emosyon na nakatingin sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa.

" Hay naku ate, wag mo muna siya guluhin nagfofocus siya sa ginagawa," sabi ko na lang.

Napabusangot ang mukha nito," Kaya ayaw kong umalis ka, Para akong kumakausap ng hangin kapag si Nalie ang kausap ko...no offense ah," sinamaan naman siya ng tingin ni Nalie dahil doon. Abnormal talaga. Marahan akong natawa, kasabay nun ang pagtunog ng bell.

Simula ng malaman ni Ate na dito ako nagtatrabaho, kinakabahan na ako kapag tumutunog ang bell na yan dahil baka mamaya e si Mama or sila tito na.

Pero hindi sila ang dumating and I'm so thankful dahil doon, ang dumating lang naman ay si... Heeseung. Dire-diretso itong nagtungo sa counter, nagulat pa nga ito ng makita ako e. Hindi ko rin naman ineexpect na pupunta siya rito kaya kwits lang.

" Hindi ko inakala na nagtatrabaho ka pala rito, nice," sabi niya. Ngumiti naman ako.

" Oo need ko kasi magipon para sa Field trip, mahirap tayo e.."

" Sana sinabi mo sa'kin edi sana na tulungan kita, kaibigan ka na namin hindi ka na others noh... Sabihin mo lang kay Jay lilibre ka nun, " lagi niyang sinasabi yan si Jay ang lagi niyang sinusuggest sa lahat kapag usapang bayarin.

"Naku, nakakahiya noh...saka nakakenjoy naman magtrabaho rito, nga Pala anong order mo ?" humarap siya sa mga menu at sinabi ang order niya. After niyang sabihin ang order niya ay hinanda ko na ito kaagad.

Dumating si Ate Haze na may bitbit na Ibang flavor ng kape, pumunta siya sa stock room kanina ng dumating si Heeseung kasi naubos na yung stock. Nang maibigay ko na ang order niya ay agad naman siyang nagbayad.

Boogsh!!!

Bumagsak ang lahat ng hawak ni Ate Haze, nagulat kaming lahat na malapit sa kaniya dahil sa nangyari. Na maski si Nalie na kakabalik lang dahil sa pagbibigay ng order ay napatigil. Natapon lahat ng laman ng box na mga powder mixtures dahil sa nangyari, nakatingin siya kay Heeseung na may bakas na gulat sa mukha.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon