FINALE

39 2 0
                                    

MAYUMIE

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit wala ako nun, chour. Serious tayo dito ano ba Mayumie!.

Sa buong performance ay sa akin lang siya nakatingin at ganoon rin ako, na parang kami lang dalawa ang narito at wala ng iba Isang mundo na kaming dalawa ang bumuo at tanging kami lang ang makakapasok sa mundong yon.

Biglang may humampas sa balikat ko kaya napabaling ako roon, punyeta ka talaga Melon nagmomoment yung tao e!.

Kilig na kilig ang gaga at malapit na atang mangisay, " Yawa ka, Sanaol kinakantahan!," ilang pa akong hinampas nito kaya ang ginawa ko ay hinamapas rin siya pabalik mas malakas nga lang. Napalakas e.

" Aray naman! Ikaw na nga itong sinusuportahan e nanakit ka pa," nakakunot na ang kaniyang habang hinihimas ang braso na nahampas ko. Ginawa ko lang naman yun para tumigil na siya tapos ako pa mag kasalanan.

"Manood ka na lang kasi, bakit kailangan pa manghampas?!," inismiran niya ako at sa kabilang banda niya na lang ipinagpatuloy ang kilig moments niya. Sabay sila ni Serah sa gedli. Hayaan na seym vibes naman silang dalawa e.

[ Handa kong ibigay ang puso ko
Pero di kasi ako sigurado]

Natapos ang performance nila Jungwon, nagkaroon muli ng panibagong ingay. Sigawan at palakpak para sa pang huling performance na iyon. Tuluyan na rin sila bumaba after nun.

Bumalik muli sa itaas ang MC kanina at sinabi na tapos na ang Mini Concert at ganun na rin ang pagtatapos ng first day ng festival. Nakalimutan ko sabihin na three days ginaganap ang buong festival sa second day may booth pa rin naman pero more on Sports na maglalaban ang ibat Ibang strand sa ibat Ibang sports. And for the last day ay recognition na.

Unti-unti ng nauubos ang tao, sa open space. Pinauna muna namin yung iba bago kami dahil siksikan pa naman saka babalik pa rin naman ang mga yan para bukas at para suportahan ang gusto nilang player.

May laban rin bukas si Jungwon ng taekwondo e, support ako doon kahit sa malayo lang nakaupo. Haysst, ano kayang hihilingin ng isang yon?

Hindi naman siguro niya ako sasabihan na layuan na siya hindi ba? di'ba? Author naman!

Nang alam namin na hindi na gaanong siksikan ay nagpasya na kaming umalis na apat. At nagpasya na tumambay na lang muna sa classroom nila Melon dahil sa hindi malamang dahilan e bukas pa rin ang booth nila. Chour bukas yun dahil may mga naiwan pa silang gamit saka hindi pa kasi sila maglilinis.

" Baka mamaya paglinisin mo rin kami ah," Angal ko sa kaniya. Usapan tambay lang walang maglilinis.

" Huwag ka magalala hindi ka naman kasama sa amin," sabi ni Melon. Bakit hindi ako kasama? Don't tell me galit pa rin ba siya sa akin at ayaw na ako isama?

" Bakit hindi ako kasama?, " tumigil ako sa paglalakad at pinagkrus ang dalawa kong braso, napatigil din sa paglalakad yung tatlo at humarap sa akin.

" Basta hindi ka sasama sa amin pabalik sa classroom," sabi ni Erah sa akin. Kunot noo naman akong tumingin sa kanilang tatlo, ano naman bang trip ng mga ito.

Ngumiti sa akin si Serah, hindi naman creepy pero basta parang may binabalak talaga ang tatlong ito e.

" Hindi ka nga kasama sa amin, Kasi may iba kang pupuntahan...," nag okay sign siya at parang may tinitingnan sa likod ko, tatalikod na sana ako para makita kung sino yun ng biglang dumilim ang paningin ko.

May nagtakip sa mata ko!!

Tatanggalin ko na dapat kaso nagsalita ang may pakana ng patakip - takip na ito.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon