CHAPTER 23

42 5 1
                                    

MAYUMIE

Dumating ang sumunod na linggo, lagi na naming kasabay umuwi si Jungwon at si Niki ewan ko bigla na lang sila sumabay sa amin, si Melon naman about duon sa deal nila ng Mama niya, hindi ko sure kung natuloy hindi naman nag-sasabi ang babaita.

Nakasubsob ako ngayon sa mesa habang Naghihintay sa adviser namin, Sabi kasi ngayon inaanounce ang magiging kapalit ng na postponed ba exam. Ano naman kaya yon? Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Nang tignan ko kung sino si Tristan.

" Ano na namang trip mo?" agad na sabi ko sa kaniya, mang iinis na naman yan e.

Nag-kibit balikat ito, " Wala, masama bang umupo rito?"

"Oo lalo na kung ikaw ang uupo," tiningnan niya ako ng matiim at pagkatapos ay tumingin lang sa harap.

" Ganoon mo ba ako kaayaw? Kaya ayaw mo ko katabi?" na konsyensya ako ng slight dahil sa sinabi niya tapos yung boses niya parang malungkot na ewan.

" Sige kung ayaw mo ko rito aalis na lang ako..." nag-akma itong tatayo na pero pinigilan ko ito, yawa lakas maka-guilty ng lalaking toh.

" Sorry.. Ano...upo ka na ulit," sabi ko at pag-katapos ko sabihin yon ay agad siyang humarap sa akin na may nakakalokong ngiti. Sinasabi ng ngiti niyang yon na expected na pababalikin ko talaga siya.

Umupo ulit siya sa tabi ko, " Naniniwala na talaga akong magaling ako umarte, " sinuklay pa nito ang buhok niya paatras gamit ang kamay. Nauto ako doon ah! Saka kasi yung mukha niya talaga kanina..Argh! Tristan Wang!

" Alam mo -"

" Hindi, Hindi ko pa alam" Hindi pa rin nawawala ang ngiti niyang nakaka-banas kung si Jungwon toh, Baka mamaya kinikilig na ako.

Sinamaan ko siya ng tingin, " Gusto mo sapakin kita?"

" Joke lang naman boss, chill"

" Umayos ka ah? Saka ano sabi mo boss? Kailan pa?"

" Ang daming tanong boss, Isa-Isa lang..ngayon kita naging boss masyado ka kasing bossy - Aray!"

" Napapala mo yan, kasi madami kang alam," simaan ko ito ng tingin.

" Ang hilig mo talaga manakit, pero walang magbabago boss na itatawag ko sa'yo, "

" Aba't.. " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating na si ma'am.

Sabay-sabay kaming tumayo maliban kay Tristan, pinilit ko pa toh sinabihan ko pa na ako ang 'boss' niya kaya dapat sumunod siya. Buset yang lalaking yan.

Nang makaupo na kami ay agad na rin naman sinabi ni maam kung ano ang pakay niya.

" Mag-kakaroon tayo ng field trip," sabay sabay na nagsigawan ang mga students, dahil sino ba naman hindi maeexcite doon. Pero ako hindi na.. Alam ko naman kasi na hindi ako makakaattend, wala kaming pera na ipambabayad doon.

" bawal ang umayaw, ito ang magiging exam niyo. Diba hindi natuloy ang exam? Ito ang kapalit nuon kaya kung sino ang hindi makakapunta walang exam," naisubsob ko nalang ang mukha ko sa desk, mukhang wala na akong exam. Saan ako kukuha ng pera para roon? Ayokong manghingi kaila Mama at ate Mauwee marami ng gastuhin. At Alam kong marami rin binabayaran sila Tito.

" Boss, ayos ka lang? " narinig kong tanong ni Tristan.

" Oo naman, bakit naman magiging hindi." nagpa-tuloy na lang ako sa pakikinig sa sinasabi ni maam about sa field trip. Hindi naman daw kasi ordinary na field trip ang mangyayari.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now