CHAPTER 24

34 3 0
                                    

MAYUMIE

Pangatlong araw na namin naghahanap ni Melon pero wala pa rin, walang hiring na kahit sa maliit na karendirya at inaaplayan ko na magka-trabaho lang. Mahirap nga talagang humanap ng trabaho kundi full na sa workers ay hindi ka tatanggapin dahil mukhang kulang pa raw sa experience.

Madali naman akong matuto e bakit ayaw nila? Una kaming nag-try sa mga 7/11, ministop, Alfamart at kung ano pang convenient store kaso wala silang hiring. Naano na ako kay Melon kasi ginagabi siya ng uwi dahil sa'kin tinatanong ko siya kung ayos lang sa mama niya pero ang lagi niya lang sinasabi ay ' huwag mo na ng alalahanin si mama'. Kaya minsan maaga kami umuuwi iniintay ko lang siya makauwi muna bago ako magpatuloy sa paghahanap ng part time.

" Wala pa rin, Alam mo pauutangin na lang kita...kesa naman ganito wala naman tayo mahanap," alburoto ni Melon, nakatambay kami ngayon sa ministop eto yung huli ngayong store na sinubukan namin mag apply. Pagod na rin kami kaya rito na lang kami nagpahinga.

" Ayoko, saan naman ako kukuha ng pambayad? Edi ang ending need ko pa rin mag trabaho, " sabi ko sabay inom ng delight na binili ako.

" Sa baon mo, kahit matagal mo ko bayaran ayos lang kahit hindi na nga e," napaisip naman ako sa sinabi niya, Puwede ko yon gawin kaso hindi ako ganun mas gusto ko na galing sa pinaghirapan ko yung ipangbabayad ko sa fee ng field trip.

" Hindi na baka magtanong si Tita Apple kung para saan yung sobra na hinihingi mo. "

" Gagi hindi naman ako sa kaniya hihingi ng ipapautang ko sayo noh, sa ipon ko."

" Hindi pa rin, kaya wag mo na pilitin." naigulong ni Melon ang mata niya saka umiling na animoy wala nang magagawa. Buo na kasi talaga ang desisyon ko at maghahanap pa rin ako.

2 weeks.

Dalawang linggo nalang ang natitira sa'kin kung sakaling hindi pa ako makahanap ngayon linggo na toh. Nag patuloy kami sa pagkain ni Melon, tumitingin ako sa labas at tiningnan ang bawat naroon baka mamaya may nakapaskil na wanted something -hindi yung tumakas sa presinto ah?.

May nakakuha ng pansin habang nagmamasid sa labas, Isa itong bagong bukas na Cafe as in bago pa lang talaga, mas inilapit ko ang mukha sa glass wall para talagang makita kung tama nga yon. Kaso biglang humarang na pulubi sa harapan ko at nakangiti pa ito natatakot tuloy ako lumabas.

Sa gulat ko halos mahulog ako sa inupuan ko e, hindi rin naman ito nagtagal at naglakad na palayo buti naman. Sa kabilang banda si Melon hindi na magkamayaw sa pagtawa. Kung siya ang nandito sa posisyon ko kanina mas matindi pa siya.

" Manahimik ka nga, badtrip toh," binato ko ito ng balat ng pagkain ko kanina kaso ang bruha hindi natinag.

" Paano ako titigil HAHHAA...gagi ayun na ata SOULMATE mo e HAHAHHAHAHA," halos malaglag na ito sa upuan niya kakatawa, sinamaan ko siya ng tingin at pagka-tapos ay tumingin ulit sa labas para masiguro na hiring nga talaga ang bagong bukas na Cafe na yon.

" Anong tinitignan mo?...hinahanap mo soulmate mo? Wala na umalis na HAHHAHAHA," hinila ko ang buhok para tumigil na sa kakatawa nakakainis na e.

" Tanga, ayun oh may hiring. Bilisan mo na riyan baka ipakain ko na sayo itong bote ng delight, Isa pang asar mo. "

Sumunod naman siya kahit halata na natatawa pa rin. Nang matapos ay lumabas na kami sa ministop at nagtungo sa kabilang banda kung saan ko nakita yung Cafe. Tatawid pa kasi kami.

En'oclock

Ayan ang pangalan ng Cafe e, may nakapaskil sa labas na hiring daw sila nuong nakaraan lang nagbukas kaya medyo unti pa lang ang nakakapansin.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon