(Jungwon's Special Chapter)

47 2 0
                                    

JUNGWON

Nanatili akong nakatingin sa kaniya, kinakabahan ako ngayon lalo na sa magiging sagot niya sa oras na humiling na ako sa kaniya.

Nagsimula ng tumugtog si Jay ng drums kaya pumusisyon na rin ang iba dahil maguumpisa na. Inaamin kinakabahan ako, sino ba naman ang hindi di'ba? Aamin lang naman ako ganito rin siguro ang naramdaman niya ng sinabi niya sa akin ang tunay na nararamdaman niya.

1...
2...
3...
Go!

[ Ang hirap nang ginagalawan ko
Gusto ko nang aminin pero di sigurado
Ayokong mawala kung anong meron tayo
Pero di ko alam kung anong meron sa damdamin ko..]

" Jungwon Ilag!," naglaro kaming lahat ngayon ng dodge Ball dito sa open space, Limang Ilanders ang kasama ko ngayon. Wala si Tristan malay ko kung nasaan yun ngayon, ang sabi niya lang sa amin is may aasikasuhin siya.

Ang magkakagrupo ay sina Goneu, Taki at si Heeseung hyung.

Ang kagrupo ko naman ay si Daniel at si Jaeho.

Ang bola na papalit sa akin ay handa ko na ilagan o mas maganda ay tamaan ko na lang pabalik sa kalaban mas maangas yon. Nagawa ko naman ang balak ko na hindi ito iwasan at ipatama sa kanila pabalik. Natamaan ko pa ang isa sa kanila which is si Goenu.

Medyo napalakas pa nga at dahil napaupo na lamang ito at ininda ang braso kung saan siya natamaan bola, agad kaming nagsilapitan sa kaniya upang tingnan kung ayos lamang ba siya.

" Pre, Ayos ka lang?," Tanong ni Heeseung hyung sa kaniya. Ngunit nanatali itong tahimik at Patuloy na iniinda ang sakit. Shet sa sobrang kaangasan ko napalakas ata ang pagbato ko pabalik.

Hinampas ako ng mahina ni Ta-ki, " Napalakas ata pagbato lagot ka nagka-Injury si Goenu hyung," napaismid naman ako, hindi ko naman kasalanan yun e. May chance talaga na may mangyari ganito na hindi sinasadya pero sige na nagaalala rin ako lalo na at nakasakit ako ng tropa.

" Huy, dalhin ka na ba namin sa clinic? Sorry napalakas yung pagtama ko sa bola," sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.

Naghintay ng magiging sagot niya, bigla siyang tumigil sa paginda at paghawak sa braso at biglang nag peace sign sa amin at ngumiti ng nakakaloko, dahil sa ginawa niyang iyon na batukan tuloy siya ni Heeseung hyung.

" Siraulo ka talaga, nagaalala kami sayo tapos nagloloko ka lang Pala!," inis na Sabi nito, haysst sayang naman Yung naramdaman kong guilt. Napahimas na lang si Goenu at pagkatapos, tinuloy pa rin naman namin ang laro kahit malakas ang tama nung Isa sa amin.

Nakakailang puntos na rin ang bawat isa sa amin I mean tie na ang bawat grupo ang mananalo kasi ay kailangan ilibre ng natalo, syempre hindi puwede na matalo kami noh sa amin na ang huling halakhak kaya ihanda nila ang bulsa nila dahil marami talaga akong ipapabili.

Inamba na ni Taki ang sarili dahil siya ang magbabato ng bola papunta sa direksyon, Kaya pumusisyon na rin kami upang maihanda ang sarili sa paparating na bola. Handa na ako ready na rin ang mga kagrupo ko...

Boink! ( sensya na sa sound effect)

Bakit ganoon?!!! Shit ang sakit mukhang magkakabukol ata ako dahil sa pagbato na iyon ni Ta-ki yawang yan. Bakit ba ako gumitna?!

" A-Ayos ka lang? Halaa sorry b-bigla kasi ako dumaan, hindi ko nakita na may naglalaro kasi nakatingin ako sa cellphone ko...s-sorry," sabi ng hindi ko kilalang boses, marahan niya pang hinaplos ang buhok ko.

" A-Ayos lang ba siya? Baka kailangan niya mapunta sa clinic?," narinig kong tawag niya sa kasamahan ko medyo masakit pa kasi kaya di ko maidilat yawa akala ko boo lang hindi pala, lintek na mag kaka black eye pa ata.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon