CHAPTER 11

36 2 0
                                    

MAYUMIE

Nagaabang sila sa magiging sagot ko, ano toh instant hot seat? Si Daniel naman hindi nagsasalita, sarap batukan e.

"Ano ba namang klaseng tanong yan.. Hindi noh." sabi ko kasi totoo naman yon si Jungwon lang ang gusto kong manligaw sa'kin at ito ng Daniel na toh..nakuuu!!!.

"Oo tama siya..saka may gusto akong iba" sabi naman no Daniel ayan goods yan, Baka mamaya Mas lalong mawalan ng pagasa kay Jungwon e.

"Ah hindi naman pala! Pinapakaba niyo si Ju-Aray!" si Jake yon. Natawa na lang ang mga kaibigan nila dahil sa reaksyon niya na iyon.

"Umayos na nga kayo, naiilang na si Yumie oh," pigil sa kanila ng Isa sa mga ka tropa nila, maputi ito at sigurado ako na kapag tumayo ay matangkad rin. May nunal ito sa mukha niya siguro kung una ko itong nakilala sa kaniya ako magkakagusto mala-prinsipe kasi ang datingan e.

" Sa inyo lang siya naiilang, kayo ang umalis" napatingin ako Kay Jungwon nakabusangot pa rin ang mukha nito, mas ayos na yan kesa naman sa walang emosyon.

"Sus, se-" Hindi na natuloy ng lalaking cute ang sasabihin niya kasi sumabat na naman si Jungwon, " Sige ituloy mo, lagot ka sa'kin mamaya." at kagaya kanina nagtawanan na naman sila, Pati nga si Daniel e nakikitawa na rin. Samantalang ako walang kaide-ideya.

" Hay, tumigil na nga kayo..hi Yumie ako nga pala si Heeseung ang kuya ng mga toh."
Napangiti ako, umayos ng upo ang iba nagiintay na sila naman ang ipakilala.

"Siya naman si Sunghoon.." Yung mala prinsepe.

"Eto naman si Sunoo.." Yung cute ngumiti kanina.

"Si Jay..mayaman yan palibre ka kahit saan wala ka talagang gagastusin.." natawa ako dahil sa description niya kay Jay, sumama ang timpla ang mukha nito dahil doon

"Sinasabi ko na nga ba, Pera ko lang talaga ang habol mo," humawak pa ito sa dibdib niya na wari no ay nasasaktan.

"Ang drama mo," si Sunghoon sabay bato ng fries rito. sinamaan siya ng tingin ni Jay at pagkatapos ay gumanti rin.

"Tumigil nga kayo para kayong mga bata.." si Sunoo.

"Coming from you.." binato ito ni Jake ng fries, yawa mukhang hindi nagiging normal ang mga ito.

"Jake ano ba? Lakas mo ah" at syempre gumanti rin, si Heeseung na lang ata ang hindi nakikisali sa ganito.. "Gyera ba toh ng French fries?...akala niyo magpapatalo ako hindi!" sa kabilang banda hindi pala. Nagsimula na silang maglaro ng pagkain, yung totoo?

Nakatutok lang ako sa ginagawa nilang kakulitan ng maramdaman kong may tumusok sa pisngi ko ng tingnan ko ito Isang naka-ngiti ng Jungwon ang bumungad sa akin, juice colored!! Umagang-umaga pinapakilig ako.

"Bakit?" tanong ko rito.

" Sama ka sa'kin.."napakunot ang noo,at mukhang napansin niya naman iyon," Wag ka magalala wala akong gagawin na masama..may gusto lang ako ipakita," handa naman ako sumama sa kaniya medyo nagtaka lang ako kung saan at biglaan...pero hindi na rin masama. Makakasama ko siya ng solo Ackkk!!

Tumango ako, "Sige, pero paano sila?" tuloy ko sa mga kaibigan niya na wala pa rin tigil sa kakalaro ng pagkain, pati nga si Daniel sumama na rin haytek! Isa rin pala itong isip bata.

"Hayaan mo na sila, mga isip bata...lika na baka mamaya mag time na," tumayo na siya kaya sumunod na rin ako sa pag tayo, napansin ni Jay ang pagtayo namin dalawa ni Jungwon.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon