CHAPTER 39

44 2 2
                                    

MAYUMIE

Dahan dahan kong minulat ang mata ko dahil sa tunog ng kawali at amoy ng pagkain, hmmn himala at mukhang masarap ang agahan namin ngayon ah! Naka sweldo na yata ang isa sa mga gwapo kong tito kaya masarap ang agahan namin...amoy lang ng pagkain ang makakapag-pagising sa akin sa umaga.

Kaso iba ang namulatan ko, agad nanlaki ang mata ko dahil sa kwarto kung nasaan ako ngayon, paktay na!!! DITO AKO Natulog?! LAGOT AKO SA AMIN!!!!. Mariin kong ipinikit ang aking mata at pinukpok ng ilang ulit ang aking noo, MAYUMIE ano ba kasing naisipan mo at dito ka natulog! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo? Baka mamaya pinahanap ka na nun.

Tiningnan ko muna ang paligid, sa pagkakaalala ko sa gilid ako ng kama ni Jungwon nakapuwesto e pero pagkagising ko nasa sofa na ako, sino naglipat sa akin? H-hindi Kaya...

Dali dali akong tumayo at nagtungo sa kama ni Jungwon, tulog pa ito. Ayoko naman siyang gisingin para lang tanungin kung siya ba ang naglipat sa akin sa sofa, idinampi ko ang aking palad sa noo niya hindi na siya gaanong mainit hindi katulad kagabi ng maabutan ko siya sa ulanan.

Hindi ko na siya Inistorbo pa at nagmadali ng bumaba. 5:00 am na ng umaga! Patay talaga ako nito...huhuhu lowbat pa naman ang cellphone ko, hindi ko na nga naisip maghilamos e basta sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay. Shemss wala pa rin pala akong toothbrush yawa talaga!!

Naabutan ko si Jake sa kusina na nagluluto ng almusal, so siya pala yun... Mukhang masarap ah... Haysst! Yumie kunin mo na ang bag mo at kailangan mo na umuwi. Magpupunta na sana ako sa sala kung saan ko iniwan yung bag ko ng mapansin ako ni Jake.

" Yumie gising ka na pala, Ano yang itsura mo? Pfft! Mukha kang mongoloid HAHHAHAHAHA..." kung hindi lang talaga ako nagmamadali binato ko na toh ng kung anong mahawakan ko e, umagang umaga !!, " Anyway, kain ka na yung uniform mo pala nakahanda na sa may sala nakapatong sa couch, plantsado na rin at bagong laba Kaya Puwede ng puwede mo na suotin,"

Gustuhin ko man kainin ang masarap na almusal na hinanda niya kaso kailangan ko na talagang umuwi, nakakahiya naman mag-takeout. Kapag nangyari yun first time kong maranasan na maguwi ng almusal imbis na handa na galing sa Bertdey.

Napakamot ako sa batok ko at tumingin sa kaniya na may pagaalinlangan, Ansaveh!, " Ah hehe ano kasi Jake..."

"Hmmn? Bakit hindi ka ba nagugutom? Pero impossible naman yon mahalaga ang almusal kaya kahit ayaw mo kumain ka pa rin," ANONG HINDI GUTOM?! Ayan kaya ang nagpagising sa akin sadyang nagmamadali lang talaga ako, kung papayagan mo lang ako maguwi e why not diba?

" H-Hindi naman sa ganun kasi...kailangan ko nang umuwi, Hindi kasi nakapagsabi sa bahay na overnight ang groupings ko hehe... Baka mamaya sa kalsada na talaga ako tumira," Sana lang talaha hindi, Jusko lord kayo na bahala hindi pa ako handa para maging taong lansangan ni wala nga akong trabaho e, Kaya sana naman lord maawa si Mama.

" Ah kaya ba ganiyan itsura mo? " huh? Bakit? Alam kong mukha akong bruhilda at walang ligo-well wala pa naman talaga akong ligo PERO maayos naman e, maayos na mukhang bruha? If that make sense? But I think It doesn't... Yeah right I'm doomed! Umagang umaga nageenglish akala mo naman tama ang grammar, susko po Yumie gumising kana nanaginip ka pa ata ng gising.

Napansin naman ni Jake ang itsura ko na parang nagtataka, hindi lang pagtataka Pati sana pagkayamot ko ngayong umaga mapansin niya, charot.

" Huwag ka na magalala, pinakiusapan ako ni Jungwon na kausapin ang Mama mo na dito ka na matutulog muna dahil hindi pa tapos ang reporting niyo," siya mismo ang kumausap? Buti pumayag si mama e lalaki siya!.

" Paano mo na papayag si Mama? E lalaki ka hindi pumapayag yun na magsstay ako sa bahay ng kung sino sino lalo na at... Lalaki ka? "

" I know, pero may naisip na akong paraan kaya ka napayagan," sabi niya...tiningnan ko lang siya ng nakataas ang isang kilay, joke dalawa talaga yun hindi ko kasi kaya kapag isa lang," Okay, ganito kasi yon...dahil nga nakatulog kana kumatok ako sa Unit ng manliligaw ni Hoon, tapos ayun pinakiusapan ko na siya na lang ang magsabi na makikitulog ka muna sa kaniya kasi hindi niyo pa tapos reporting niyo, naisip ko kasi na babae siya kaya mapapayagan ka lalo na at kakilala rin siya ni Melon, Tinde ng katalinuhan ko diba? Saka wag ka magalala chinat ko na si Melon if magtanong si Mama mo sa kaniya..kaya wag ka na magalala kumain ka na, " mukha namang gumana ang sinabi niya. Nagkibit balikat na lang ako at nagstart na magalmusal sa wakas matitikman ko na rin ang masarap na pagkain na ito.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon