CHAPTER 37

49 4 1
                                    

MAYUMIE

Matapos ang gabing yun, hindi ko na siya kinausap. Alam ko sinabi ko sa kaniya na palipasin muna at hahayaan ko siyang kausapin niya ako kinabukasan kaso...

Hindi ko pa pala kaya.

Iniyak ko yung araw na yun kasama si Melon, magkatabi kaming matulog at maski sila Erah at Seriah ay dinamayan rin ako sa pagdadrama ko. Dumating ang oras na maguuwian na kaming lahat ginawa ko ang lahat para iwasan siya at sa unang pagkakataon nagpasalamat ako na kasama ko si Tristan.

Na kasama ko siya sa bus, dahil kung hindi baka bigla na naman akong umiyak na parang timang. Tinabihan niya ako at hindi iniwan kahit nakatahimik lang siya sa tabi ko alam kong nagaalala rin ang isang yon.

Bigyan lang sana ako ng ilang araw para tuluyan ko ng matanggap na kaibigan lang talaga ako. Ano ba yan bakit sobra naman ata yung nararamdaman ko e hindi naman naging kami dinaig ko pa break up ah. Hanggang sa makauwi ako sa amin ay ganun pa rin hindi naman agad mawawala iyon, hindi ko lang pinahalata sa kanila dahil baka magalala pa sila at tanungin pa ako ng kung ano ano.

Medyo nagaalangan nga ako pumasok e, Kaya ko ba? Kasabay ko naman si Melon e...syempre kakayanin ko yun si Jungwon lang naman yun, si Jungwon lang.

Nakayanan ko.

Nakayanan ko na hindi muna siya makausap ng one week, ang galing ko di'ba. Pero kahit ganun naman ay may pakialam pa rin ako sa paligid ko, hindi ko naririnig ang usap-usapan na ayun nga about sa sinabi ni Ella. As in kahit nung uwian na kami sa field trip any chismis wala.

At Isa pa, kapag nakakasalubong ko si Ella ay wala naman siyang sinasabi na kung ano tatarayan lang ako. Ano naman kaya problema nun parang adik lang e. Seryoso, parang sinaniban ng kung ano Yung babaeng yun e.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, kasama yung tatlo need ko pa ba iroll call? Okay fine. Si Melon, Erah at Seriah Happy? Syempre happy charot. Nagdala kami ng kaniya kaniya naming baon kasi trip namin, ayaw na nila bumili dahil paulit ulit lang naman ang tinda kaya magbabaon na lang kami saka share-share naman kami.

"Yumie, buti hindi ka pa tunaw?" biglang sabi ni Serah, napahinto ako ng kain at kunot noong tumingin sa kaniya.

"Anong sinasabi mo?" Maski sila Melon ay mukhang alam ang sinasabi niya. Parang hindi ako kasama ah, bakit hindi ko napapansin ang mga nakikita nila.

" Ayun oh, grabe tumingin e...ingat ka baka mamaya hindi namin mapansin lusaw ka na," si Erah. Sus, bakit naman ako malulusaw ano ice cream?

" Hay, kung Sana lang ganiyan ako tignan ni Sunghoon naku!! Pakiramdam ko hihimatayin ako," sabi ni Serah at pagkatapos ay umarte pa na akala mo hihimatayin. Iba na talaga Tama niya kay Sunghoon.

Parang ikaw kay Jungwon?

SHUT UP!!!! Nagmomove-on na nga yung tao e.

I dunno kung pagmomove-on ba ginagawa ko, pero diba sa iwas - iwas naman Yung simula nun kaya baka nasa moving on process na nga ako. Haystt! Ang hirap naman magkagusto sa isang tao tapos hindi ka gusto.

Saklap naman ng buhay ko.

" Alam mo Yumie..." tumingin ako kay Melon dahil bigla siyang nagsalita. Mukhang may word of wisdom na naman siya

" Wala, wala akong masabi," at bumalik ulit sa pagkain. Minsan gusto ko na lang talaga maging mapagisa e, may dumagdag nga sa tropahan wala naman naitulong sa nararamdaman ko.

Literal na support ang ginagawa nila e, Alam niyo yun gumawa ng cheer at mayat mayang sinisigaw with matching sayaw pa and worst nasasaktuhan pang maraming tao nila ginagawa yun. Susme!

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon